Skip to main content

CHRISTIAN WOMEN AND THE VEIL IN PRAYER — Chapter 10

English
🇵🇭 Tagalog

Christian Women and the Veil in Prayer (Ch. 10)

A Bible Doctrinal Exposition of 1 Corinthians 11


CHAPTER 10

Conclusion and Evangelistic Appeal

 

10.1 “A Fortress of Reason That Cannot Be Breached”

Across nine chapters we have seen that Paul’s teaching in 1 Corinthians 11:2–16 is not cultural but eternal. This fortress of reason is unbreakable:

·     Apostolic ordinance (v.2).

·     Headship order (v.3).

·     Dishonor in worship (vv.4–6).

·     Creation foundation (vv.7–9).

·     Angelic witness (v.10).

·     Mutual dependence with distinction (vv.11–12).

·     Nature’s testimony (vv.13–15).

·     Universal church practice (v.16).

Any one of these arguments is strong; together they form a case that leaves no room for dismissal.

 

10.2 What Is Really at Stake

This study has never been about cloth. The real issue is authority. The veil is not a cultural ornament but the divine sign that “the woman ought to have power on her head because of the angels.” To reject it is to reject the principle it embodies: the divine order of headship.

·     To say it was cultural is to say creation is cultural.

·     To say it was optional is to say apostolic authority is optional.

·     To say it was trivial is to call God’s Word trivial.

Brethren, this is why it matters.

 

10.3 Lessons from Other Doctrines

We have also seen the broader theological pattern:

·     Jesus appealed to Adam and Eve for marriage permanence (Matt. 19).

·     Paul appealed to Adam and Eve for women’s silence (1 Tim. 2).

·     Paul appealed to Adam and Eve for veiling (1 Cor. 11).

If one is cultural, all are cultural. But if one is universal, all are universal. Consistency demands that we honor God’s creation-order logic across all these teachings.

 

10.4 A Word to the Brethren

Brethren, the veil tests our hearts. Will we obey in the small things? Will we submit when culture mocks? Will we honor Christ not only with our lips but with our visible confession in worship?

This is not about policing one another’s attire. It is about honoring God’s Word. Sisters, your obedience in veiling is a testimony to heaven and earth. Brothers, your faithfulness in teaching this truth, though unpopular, glorifies Christ as Head.

Let us not be contentious, but let us be united in the ordinances delivered by the apostles.

 

10.5 A Word to Seekers

Friend, if you are reading this and have not yet submitted to Christ, know that the principle behind the veil is the same principle behind salvation: submission to the Lordship of Jesus.

·     Just as the veil confesses God’s order in worship, baptism confesses Christ’s lordship over sin.

·     Just as the veil is an act of obedience to the truth, so baptism is an act of obedience to the faith that brings us into Christ (Gal. 3:27).

If you dismiss the veil as cultural, you may also dismiss baptism as ritual, or the Lord’s Supper as symbolic. But the question remains: will you submit to Christ’s authority in all things?

 

10.6 The Gospel Invitation

The veil points to something greater: the covering of sin by Christ’s blood. To be uncovered is shameful; to be covered is glorious. In the same way, sin leaves us naked before God, but Christ’s blood covers and cleanses.

The gospel is simple and powerful:

·     Believe in Christ (John 8:24).

·     Repent of sins (Acts 17:30).

·     Confess Christ (Rom. 10:9–10).

·     Be baptized for the remission of sins (Acts 2:38; 22:16).

·     Remain faithful, submitting to His order (Rev. 2:10).

 

10.7 Final Doctrinal Insight Box

Ø The veil is not cultural but eternal, rooted in creation and divine order.

Ø To obey is to honor Christ; to resist is to rebel against God’s authority.

Ø The veil is a visible testimony that Christ is Head of His church.

 

10.8 Final Exhortation

Brethren, let us not waver. The world may call this strange, outdated, or unnecessary, but the Word of God abides forever (1 Pet. 1:25). When we gather to worship, let heaven and earth see that we confess Christ’s headship.

To the unbeliever, let this study be a witness: God’s Word is consistent, eternal, and binding. Submit to Christ today, and find the true covering for your soul in His precious blood.

 

Therefore, brethren, stand fast, and hold the traditions which ye have been taught, whether by word, or our epistle.” (2 Thess. 2:15)


Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.

#ChristianWomen #VeilInPrayer #HeadCovering #1Corinthians11 #BibleDoctrine #ChurchPractice #CreationOrder #ObedienceToGod #CristianongBabae #BeloSaPanalangin


Cristianong Kababaihan at ang Belo sa Panalangin (Ch. 10)

Isang Doktrinal na Palalahad sa 1 Corinto 11


KABANATA 10

Konklusyon at Ebanghelistikong Panawagan

 

10.1 Isang Moog ng Katuwiran na Hindi Magigiba

Sa loob ng siyam na kabanata, nakita natin na ang aral ni Pablo sa 1 Corinto 11:2–16 ay hindi usaping pangkultura kundi panghabang-panahon. Ang kaniyang mga batayan ay magkakalapat na bumubuo sa isang matibay na moog:

·     Utos na apostoliko (tal. 2).

·     Kaayusan ng pagkapang-ulo, headship (tal. 3).

·     Kawalan ng galang sa pagsamba (tal. 4–6).

·     Batayang nakaugat sa paglalang (tal. 7–9).

·     Pagmamasid ng mga anghel (tal. 10).

·     Pagkakaugnay ngunit may pagkakaiba (tal. 11–12).

·     Patotoo ng kalikasan (tal. 13–15).

·     Kasanayan ng lahat ng iglesia (tal. 16).

Bawat isa ay sapat nang matibay, ngunit kapag pinagsama-sama, wala nang puwang para itapon ito.

 

10.2 Ano Talaga ang Nakasalalay

Ang usaping ito ay hindi tungkol sa tela. Ang tunay na paksa ay awtoridad. Ang belo ay hindi isang palamuti ng kultura, kundi ang banal na tanda na “nararapat na ang babae ay magkaroon sa kaniyang ulo ng tanda ng kapamahalaan, dahil sa mga anghel.” Ang pagtanggi rito ay pagtanggi rin sa prinsipyong kinakatawan nito: ang banal na kaayusan ng pagkapang-ulo (headship).

·     Kung tatawagin natin itong pangkultura, ibig sabihin ang paglalang ay pangkultura.

·     Kung tatawagin natin itong opsyonal, ibig sabihin ang utos ng mga apostol ay opsyonal.

·     Kung tatawagin natin itong maliit na bagay, tinatawag din nating maliit ang Salita ng Diyos.

Mga kapatid, ito ang dahilan kung bakit napakahalaga nito.

 

10.3 Mga Aral mula sa Ibang Doktrina

Nakita rin natin ang mas malawak na padron ng katuruan:

·     Si Jesus ay bumalik kina Adan at Eva upang ipakita ang permanensya ng kasal (Mat. 19).

·     Si Pablo ay bumalik kina Adan at Eva upang ituro ang katahimikan ng kababaihan (1 Tim. 2).

·     Si Pablo rin ay bumalik kina Adan at Eva upang ipaliwanag ang pagbebelo (1 Cor. 11).

Kung ang isa ay pangkultura, lahat ay pangkultura. Ngunit kung ang isa ay panghabang-panahon, lahat ay panghabang-panahon. Ang pagiging pare-pareho ay nangangailangan na igalang ang lohika ng Diyos mula sa paglalang sa lahat ng aral na ito.

 

10.4 Mensahe sa mga Kapatid

Mga kapatid, sinusubok ng paggamit ng belo ang ating mga puso. Susunod ba tayo sa maliliit na bagay? Magpapasakop ba tayo kapag pinagtatawanan ng kultura? Pararangalan ba natin si Cristo hindi lamang sa salita kundi sa malinaw na patotoo sa ating pagsamba?

Hindi ito tungkol sa panghuhusga ng pananamit. Ito ay tungkol sa paggalang sa Salita ng Diyos. Mga kapatid na babae, ang inyong pagsunod sa pagbebelo ay isang patotoo sa langit at lupa. Mga kapatid na lalaki, ang inyong katapatan sa pagtuturo ng katotohanang ito, kahit hindi tanyag, ay nagdudulot ng kaluwalhatian kay Cristo bilang Ulo.

Huwag tayong maging mapagtalo, kundi magkaisa sa mga ordinansang ibinigay ng mga apostol.

 

10.5 Mensahe sa mga Naghahanap

Kaibigan, kung binabasa mo ito at hindi ka pa nagpapasakop kay Cristo, tandaan mo: ang prinsipyong nasa likod ng belo ay siya ring prinsipyong nasa likod ng kaligtasan — ang pagpapasakop sa pagka-Panginoon ni Jesus.

·     Kung paanong ang belo ay nagpapatotoo sa kaayusan ng Diyos sa pagsamba, ganoon din na ang bautismo ay nagpapatotoo sa pagka-Panginoon ni Cristo laban sa kasalanan.

·     Kung paanong ang belo ay isang gawa ng pagsunod sa katotohanan, gayon din naman ang bautismo ay isang gawa ng pagsunod sa pananampalataya na nagdadala sa atin kay Cristo (Gal. 3:27).

Kung tatanggihan mo ang belo bilang pangkultura, maaari mo ring tanggihan ang bautismo bilang ritwal, o ang Hapunan ng Panginoon bilang simbolo lamang. Ngunit ang tanong ay ito: Magpapasakop ka ba sa awtoridad ni Cristo sa lahat ng bagay?

 

10.6 Ang Panawagan ng Ebanghelyo

Ang pagsusuot ng belo ay nagtuturo sa mas dakilang bagay: ang pagtatakip ng kasalanan sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. Ang walang takip ay kahiya-hiya; ang may takip ay maluwalhati. Ganoon din, ang kasalanan ay nag-iiwan sa atin na hubad sa harap ng Diyos, ngunit ang dugo ni Cristo ang tumatakip at naglilinis.

Ang ebanghelyo ay simple at makapangyarihan:

·     Sumampalataya kay Cristo (Juan 8:24).

·     Magsisi ng mga kasalanan (Gawa 17:30).

·     Ipahayag si Cristo (Rom. 10:9–10).

·     Magpabautismo para sa kapatawaran ng kasalanan (Gawa 2:38; 22:16).

·     Maging tapat hanggang wakas (Apoc. 2:10).

 

10.7 Doktrinal na Konklusyon

·     Ang belo ay hindi pangkultura kundi panghabang-panahon, nakaugat sa paglalang at kaayusan ng Diyos.

·     Ang pagsunod ay paggalang kay Cristo; ang pagtanggi ay pagrerebelde laban sa Diyos, “niwawalan ng puri ang kaniyang ulo.”

·     Ang belo ay hayag na patotoo na si Cristo ang Ulo ng Kaniyang iglesia.

 

10.8 Huling Panawagan

Mga kapatid, huwag tayong matinag. Tawagin man itong kakaiba, makaluma, o walang saysay sa mundo, ang Salita ng Diyos ay nananatili magpakailanman (1 Ped. 1:25). Kapag tayo’y nagtitipon sa pagsamba, hayaang makita ng langit at lupa na ipinapahayag natin ang pagkapang-ulo ni Cristo.

At sa mga hindi mananampalataya, nawa’y maging patotoo ito: Ang Salita ng Diyos ay tapat, walang hanggan, at may kapangyarihan. Magpasakop ka kay Cristo ngayon, at matagpuan ang tunay na pagtatakip ng iyong kaluluwa sa Kaniyang mahalagang dugo.

“Kaya nga, mga kapatid, kayo'y mangagpakatibay, at inyong panghawakan ang mga aral na sa inyo'y itinuro, maging sa pamamagitan ng salita, o ng aming sulat.” (2 Tes. 2:15)


Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.

#ChristianWomen #VeilInPrayer #HeadCovering #1Corinthians11 #BibleDoctrine #ChurchPractice #CreationOrder #ObedienceToGod #CristianongBabae #BeloSaPanalangin