The Promise and Importance of Christ’s Church
"And I say also unto thee, That thou art Peter, and upon this rock I will build my church; and the gates of hell shall not prevail against it." — Matthew 16:18 (KJV)
Introduction
The Church of
Christ is not a product of human invention or denominational evolution. It is
the fulfillment of a divine promise — a structure built not by human hands, but
by the Lord Himself. In a time when religious confusion is widespread and
thousands of conflicting churches exist, we must return to the simple,
authoritative statement of Jesus: “I will build my church.” (Matt.
16:18)
These words
mark the beginning of a divine blueprint. This was not a vague intention, nor a
mystical concept. Jesus was referring to a real, identifiable, and traceable
body of people — the church — that He Himself would build, own, and preserve.
“I Will
Build My Church” — A Divine Declaration
Jesus’
promise is specific. He did not say, “I will build churches,” nor “I
will reform existing systems.” He said:
“I will
build my church.”
Let us
carefully note the elements of this declaration:
- "I will" — This is
a future tense promise, showing the church had not yet been established
during His earthly ministry.
- "build" — The word
used here (Greek oikodomeΕ) means to construct or establish
something lasting. Christ did not say He would borrow or patch up
something that already existed.
- "my church" —
Ownership matters. The church belongs to Christ, not to Peter, Paul,
Luther, Wesley, or any human founder. It wears His name, submits to His
authority, and is subject to His headship (Eph. 1:22–23).
The
Importance of Christ’s Church in God’s Eternal Plan
The church is
not an afterthought or a “Plan B” due to Israel’s rejection of Christ.
Scripture teaches that the church was part of God’s eternal purpose:
Before the
foundation of the world, God already had the church in His plan. This body
would glorify His Son, carry His gospel, and gather the obedient into one
spiritual family. The church is the manifold wisdom of God revealed.
Not One of
Many — But the One He Built
In the first
century, there was only one church built by Christ (Eph. 4:4–6).
Denominationalism did not exist — it came centuries later, born out of human
division and rebellion against the pattern. Today, religious people claim to be
part of “many churches,” but such thinking violates Christ’s original
intention.
The Lord
never authorized:
- Multiple “true” churches with
conflicting doctrines
- Divisions under different names,
creeds, or practices
- Human traditions that override God’s
Word (Matt. 15:9)
The church
Jesus built is one, holy, and patterned after His will alone
— and its identity can still be found today if one returns to the original
blueprint: the New Testament.
The
Promise of Its Victory
Jesus
concluded His promise with this bold statement:
“...and
the gates of hell shall not prevail against it.”
This speaks
of perseverance and indestructibility. Not even death, persecution, or
apostasy will erase His church from the earth. From Jerusalem in Acts 2 to the
faithful remnants today, the Lord has always preserved His people (Rom. 11:5).
His church has never vanished — only men have strayed from it.
Conclusion
The promise
of Christ to build His church is central to understanding Christianity.
To ignore the church is to ignore God's eternal purpose. To change it is to
rebel against the Builder. To belong to it — as the Bible defines it — is to
enter into the safety, authority, and eternal inheritance promised by the Lord
Himself.
“Except
the Lord build the house, they labour in vain that build it…”
— Psalm 127:1
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#ChurchOfChrist #Matthew1618 #NewTestamentChurch #OneTrueChurch #BiblicalDoctrine #ChristBuiltTheChurch #Ephesians310 #ChurchOfTheBible
Ang Pangako at Kahalagahan ng Iglesia ni Cristo
"At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya." — Mateo 16:18
Panimula
Ang Iglesia
ni Cristo ay hindi bunga ng imahinasyon ng tao o ebolusyon ng denominasyon.
Ito’y katuparan ng isang banal na pangako — isang templong hindi itinayo ng
kamay ng tao, kundi ng Panginoon mismo. Sa isang panahon kung saan laganap ang kalituhan sa relihiyon at libu-libong magkakasalungat na sekta ang umiiral, ang kailangan lang nating puntahan ay ang payak ngunit may awtoridad na pahayag ni Jesus:
“Itatayo
ko ang aking iglesia.” (Mateo 16:18)
Ang mga
salitang ito ay paghayag ng simula ng pagtupad ng maka-Diyos na plano. Hindi ito hungkag
na layunin, ni isang misteryosong konsepto. Tinukoy ni Jesus ang isang tunay,
makikilalang kapulungan ng mga tao — ang iglesia — na siya mismo ang magtatayo,
magmamay-ari, at magpapanatili.
“Itatayo
Ko ang Aking Iglesia” — Isang Banal na Pahayag
Ang pangako
ni Jesus ay tiyak at malinaw. Hindi Niya sinabing, “Magtatayo ako ng mga
iglesia,” ni “Pagbubutihin ko ang umiiral na sistema.” Ang Kanyang
salita ay malinaw na:
“Itatayo
ko ang aking iglesia.”
Tingnan natin
nang masinsinan ang bawat bahagi ng Kanyang pahayag:
- "Itatayo ko" —
Pahayag ito sa hinaharap, na nagpapakitang ang iglesia ay hindi pa
naitatag sa panahon ng Kanyang ministeryo sa lupa.
- "itatayo" — Ang
salitang ginamit dito (Gr. oikodomeΕ) ay nangangahulugang magtatayo o
magtatatag ng matibay at pangmatagalang gusali. Hindi sinabi ni Cristo
na Kanyang aayusin o gagamitin ang dati nang umiiral.
- "ang aking iglesia"
— Mahalaga ang pagmamay-ari. Ang iglesia ay pag-aari ni Cristo, hindi
ni Pedro, Pablo, Luther, Wesley, o sinumang tao. Ito ay nagdadala ng
Kanyang pangalan, sumusunod sa Kanyang awtoridad, at nasasakopan ng Kanyang
pagkapang-ulo (Efeso 1:22–23).
Kahalagahan
ng Iglesia ni Cristo sa Walang Hanggang Panukala ng Diyos
Ang iglesia
ay hindi isang pansamantalang plano o Plan B na bunga ng pagtanggi
ng Israel kay Cristo. Tinuturo ng Kasulatan na ito ay bahagi ng walang
hanggang layunin ng Diyos:
Bago pa
itinatag ang sanlibutan, nasa puso na ng Diyos ang iglesia. Sa pamamagitan
nito — ang iglesia — ay maluluwalhati ang Kanyang Anak, maipapangaral ang ebanghelyo, at
ang mga masunurin ay maiipon sa iisang espirituwal na pamilya. Sa pamamagitan ng iglesia, ay maipakikilala...ang kapuspusan ng karunungan ng Dios.
Hindi Ito Isa
sa Marami — Kundi ang Nag-iisa Lamang na Itinayo Niya
Noong unang
siglo, iisa lamang ang iglesia na itinayo ni Cristo (Efeso 4:4–6). Walang
denominasyon noon. Ang pagkakabaha-bahagi sa relihiyon ay dumating makalipas ang
ilang siglo at ito ay bunga ng paglayo ng tao sa orihinal na anyo (pattern) ng aral.
Ngayon, marami ang nag-aangking bahagi sila ng “mga iglesia,” subalit ang
ganitong kaisipan ay salungat sa layunin ni Cristo.
Hindi
kailanman pinahintulutan ng Panginoon ang:
- Maraming “tunay” na iglesia na
magkakasalungat ang aral
- Pagkakahati sa iba’t ibang pangalan,
kredo, o pamantayan
- Mga tradisyon ng tao na pumapalit sa
salita ng Diyos (Mateo 15:9)
Ang iglesia
na itinayo ni Cristo ay isa lamang, banal, at ayon lamang sa Kanyang
kalooban — at ito’y matatagpuan pa rin ngayon kung babalik tayo sa orihinal
na anyo (pattern): ang Bagong Tipan.
Ang
Pangako ng Pagtatagumpay
Tinapos ni
Jesus ang Kanyang pangako sa matapang na pahayag:
“...at ang
mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.”
Ipinapakita
nito ang katatagan at pagiging walang-kamatayan ng iglesia. Kahit kamatayan,
pag-uusig, o pagtalikod ay hindi magagawang paglahuin ang iglesia sa mundo. Mula sa Jerusalem sa
Gawa 2 hanggang sa mga tapat ngayon, lagi nang may nalalabing tapat sa
Panginoon (Roma 11:5, cf.: 1 Hari 19:14,18). Hindi kailanman nawala ang iglesia — ang tao lamang
ang lumayo rito.
Konklusyon
Ang pangako
ni Cristo na itatayo Niya ang Kanyang iglesia ay sentro para sa pag-unawa sa Kristiyanismo.
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#IglesiaNiCristo #Mateo1618 #IglesiaSaBagongTipan #TangingIglesia #AralNgBibliya #ItinayoNiCristo #Efeso310 #IglesiaSaBiblia