Romans 6:1-2 — The Deathblow to OSAS with One Simple Question
"What shall we say then? Shall we continue in sin, that grace may abound? God forbid. How shall we, that are dead to sin, live any longer therein? - Romans 6:1-2
Can You Keep Sinning and Still Be Saved? Paul Says:
Absolutely Not!
Some claim, “Once Saved, Always Saved” (OSAS)—but
what if one simple question from Paul demolishes that doctrine entirely?
In Romans 6:1-2, the apostle confronts the dangerous logic that grace
gives license to sin. His answer is sharp, unshakable, and Spirit-inspired.
This short but powerful passage doesn’t just challenge OSAS—it delivers the
deathblow. Ready to face the truth?
Q: Who is speaking in Romans 6:1?
A: The apostle Paul—a
faithful Christian, divinely inspired.
Q: Who does the word "we" refer to?
A: To Paul and other
Christians. Those already saved, baptized,
and walking in the faith.
Q: What question does Paul ask in Romans 6:1?
A: “Shall we continue in sin,
that grace may abound?”
Q: Why is this question important?
A: Because it directly addresses
a false conclusion people might draw:
“If God’s grace covers sin, then maybe we can keep
sinning and still be saved.”
Q: What is Paul’s answer?
A: “God forbid!” (Greek:
mē genoito – Absolutely not!; Never!)
He follows with: “How shall we, that are
dead to sin, live any longer therein?”
Q: If a saved Christian continues in sin, does
grace still abound for him, based on this passage?
A: No. Paul says that is contrary to
the purpose of grace.
Christians are dead to sin, not licensed
to live in it.
Q: What does this do to the doctrine of “Once
Saved, Always Saved”?
A: It destroys it.
If OSAS were true, Paul should have answered: “Yes,
grace will still abound even if we continue in sin.”
But instead, he said:
“Absolutely not!”
Q: So, can a Christian lose salvation if he chooses
to continue in sin?
A: According to Paul in Romans 6 and
many other passages (Gal. 5:4; Heb. 10:26), yes.
Grace is not a shield for rebellion—it is a gift
for those who walk in the light (1 John 1:7).
Conclusion for the Truth-Seeker:
"We must not continue in sin and
assume grace will cover it. That is not love of the truth—that is abuse of
grace."
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#OSAS #OnceSavedAlwaysSaved #FalseDoctrine #Romans6_1-2 #Salvation #Calvinism #Grace
Ang Wumasak sa OSAS sa Isang Simpleng Tanong
Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana? Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan? - Roma 6:1-2
Maaari Ka Bang Magpatuloy sa Kasalanan at
Manatiling Ligtas? Sabi ni Pablo: Hinding-Hindi!
May mga nagsasabing, “Kapag Naligtas na, Laging
Ligtas” (Once Saved, Always Saved or OSAS)—ngunit paano kung sa isang simpleng
tanong ni Pablo ay ganap na winawasak ang doktrinang iyan? Sa Roma 6:1-2,
tahasang hinarap ng apostol ang maling kaisipang puwedeng abusuhin ang biyaya
ng Diyos. Ang sagot niya ay matalim, maliwanag, at galing sa Espiritu Santo.
Hindi lang hamon ang aral na ito sa OSAS—kundi ang sinabing ito ni Pablo sa mga
taga-Roma ay tunay na dagok sa hidwang paniniwalang "Kapag Naligtas na,
Laging Ligtas." Handa ka na bang harapin ang katotohanan?
Tara, unawain natin ang pahayag ni apostol Pablo sa
Roma 6:1-2.
Tanong: Sino ang nagsasalita sa Roma 6:1?
Sagot: Ang apostol Pablo—isang tapat na
Kristiyano, at kinasihan ng Diyos.
Tanong: Kanino tumutukoy ang salitang
“tayo”?
Sagot: Kay Pablo at sa mga kapwa
Kristiyano. Mga taong ligtas na, nabautismuhan, at lumalakad sa
pananampalataya.
Tanong: Ano ang tanong bilang hamon ni
Pablo sa Roma 6:1?
Sagot: “Magpapatuloy ba tayo sa
kasalanan upang ang biyaya ay sumagana?”
Tanong: Bakit mahalaga ang tanong na ito?
Sagot: Dahil tinutukoy nito ang maling
akala ng ilan:
“Kung tinatakpan ng biyaya ng Diyos ang kasalanan,
baka pwede tayong magpatuloy sa kasalanan at ligtas pa rin.”
Tanong: Ano ang sagot ni Pablo?
Sagot: “Huwag nawang mangyari!”
(Griyego: mē genoito – Sadyang
hindi!; Kailanman ay hindi!)
Sinundan pa niya ito ng: “Paanong tayo na
patay na sa kasalanan ay mabubuhay pa riyan?”
Tanong: Kung ang isang Kristiyanong
ligtas ay patuloy na nagkakasala, ayon sa talatang ito, mananatili pa ba ang
biyaya sa kaniya?
Sagot: Hindi.
Sabi ni Pablo, salungat ito sa layunin ng biyaya.
Ang mga Kristiyano ay patay na sa kasalanan,
hindi binigyan ng pahintulot na mamuhay dito.
Tanong: Ano ang epekto nito sa doktrinang
“Kapag Naligtas na, Laging Ligtas” (Once Saved, Always Saved, OSAS)?
Sagot: Winawasak nito ang hidwang
paniniwalang ito!
Kung totoo ang OSAS, dapat ang sagot ni Pablo ay:
“Oo, mananatili pa rin ang biyaya kahit magpatuloy tayo sa kasalanan.”
Pero ang sabi niya ay:
“Huwag nawang mangyari!”
Tanong: Ibig bang sabihin nito ay maaaring
mawala ang kaligtasan ng isang Kristiyano kung pinili niyang magpatuloy sa
kasalanan?
Sagot: Oo. Ito ay ayon kay
Pablo sa Roma 6:2 at sa iba pang mga talata (Gal. 5:4; Heb. 10:26).
Ang biyaya ay hindi "pahintulot"
sa pagsalangsang—ito’y kaloob ng Diyos para sa mga lumalakad sa
liwanag (1 Juan 1:7).
Konklusyon para sa Matuwid na Tagapagsuri ng
Katotohanan:
Hindi
tayo dapat magpatuloy sa kasalanan at asahang tatakpan ito ng biyaya. Hindi ito
pagmamahal sa katotohanan—ito’y pang-aabuso sa biyaya ng Diyos.
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#OSAS #OnceSavedAlwaysSaved #FalseDoctrine #Roma6_1-2 #Salvation #Calvinism #Grace