"Go and Tell My brethren"
Text: “Then Jesus said to them, ‘Do not be afraid. Go and tell My brethren to go to Galilee, and there they will see Me.’” - Matthew 28:10
I.
Introduction: The Significance of the Word "Brethren"
After His
glorious resurrection, Jesus could have referred to His disciples with any
term—“servants,” “students,” or “followers.” But He chose the word “brethren.”
This word carries weight. It reflects forgiveness, restored fellowship, and
most importantly, a shared relationship with the Father.
Why does Jesus now call His disciples brethren? What does that mean for us today? And how did we become worthy of such a name?
II.
Context and Background
Let’s recall
that before the crucifixion, His disciples deserted Him in fear (Matthew
26:56). Peter even denied Him three times. They failed Him at His darkest hour.
Yet, after
rising from the grave, Jesus doesn’t rebuke them—He calls them “My
brethren.” That is grace.
This marks a new phase in their relationship: they are not just forgiven
sinners—they are now family.
III.
Doctrinal Foundation: How We Became God's Children (and Jesus Our Brother)
A. We Are
Children of God by Faith and Baptism into Christ
Galatians
3:26-27 – “For you are all sons of God through faith in Christ Jesus.
For as many of you as were baptized into Christ have put on Christ.”
- Faith in Christ is not a mere feeling—it
is an obedient faith (Romans 1:5; James 2:24).
- Baptism is the point where we are
clothed with Christ. That is when we put on His identity and become
God's children.
B. We Are
Now One Family
Galatians
3:28-29 – “There is neither Jew nor Greek... male nor female; for you
are all one in Christ Jesus. And if you are Christ’s, then you are Abraham’s
seed, and heirs according to the promise.”
- We become heirs—not by lineage, but
by spiritual adoption.
- As heirs, we share the promises, the
inheritance, and the name of God's family.
C. We Are
Given the Right to Be Called Children of God
John 1:12
– “But as many as received Him, to them He gave the right to become children
of God, to those who believe in His name.”
- This “right” is not automatic—it’s
given to those who believe AND receive Him through obedient faith
(cf. Acts 2:41, 47).
- As children of God, we now share in Christ's life, His sufferings, and His reward.
IV.
Biblical Examples that Show This Truth
- Peter After Denial
- Denied Jesus three times (Luke 22:61-62),
but was restored by Jesus (John 21:15-17).
- He was not only forgiven—he was
entrusted again to “feed My sheep.”
- Thomas the Doubter
- Though he doubted (John 20:25),
Jesus appeared to him and gently led him to faith.
- Still a brother—still part of the
mission.
- Saul of Tarsus (Paul)
- Once a persecutor (Acts 8:3), he
became an apostle and beloved brother (Acts 9:17).
- Shows how grace can adopt even the worst sinner into the family of God.
V.
Practical Applications Today
- Know Your Identity — You Are a Brother
of Christ
- You are not an orphan in this
world. You belong to God’s family.
- In trials, you are not alone — your
Elder Brother walks with you (Hebrews 2:11).
- Treat Your Fellow Believers as
Family
- No place for envy, division, or
pride in the body of Christ.
- Jesus calls them “brethren”—so
should we.
- Live Worthy of the Name
- Don’t bring shame to the family
name. Live in holiness, love, and service.
- “Yet if anyone suffers as a Christian, let him not be ashamed, but let him glorify God in that name.” (1Pet. 4:16, ESV)
VI. Call
to Action: Be Part of the Family
Hebrews
2:11 – “For both He who sanctifies and those who are being sanctified
are all of one, for which reason He is not ashamed to call them brethren.”
Jesus is not
ashamed to call you His brother or sister. Are you living in a way that
honors that title?
To those who
are outside this family:
- You must be born again
through obedient faith and baptism into Christ (John 3:5; Acts 2:38).
- Only then will you be part of the household of God (Ephesians 2:19).
VII.
Warning and Blessing
Hebrews
10:29 warns about those who trample the blood of the covenant.
Don’t take this brotherhood lightly. Jesus paid the price to bring you into
God’s family.
But for those
who continue in faith:
Romans
8:17 – “And if children, then heirs—heirs of God and joint heirs with
Christ…”
- That’s the reward: to reign with Christ, our Brother, forever.
Conclusion:
Jesus calling
us “brethren” is one of the most intimate, touching truths in all of Scripture.
He died for us, rose again, forgave us, and now walks with us—not as a distant
Lord, but as a loving Brother.
Let us live
in a way that honors that privilege.
Let us invite others into this family.
Let us never forget: We are not just saved—we "are all the children of God by faith in Jesus Christ," (Gal. 3:26). We are family.
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#Sermon #JesusCalledUsBrethren #FamilyOfGod #ChristianBrethren #BrothersInChrist #HeirsOfGod #AdoptedOfGod #BrotherOfChrist #ChristianLiving #ChildrenOfGod #BaptismInChrist
Tinawag Tayong Kapatid ni Jesus
Teksto: “Huwag kayong matakot; sabihin ninyo sa aking mga kapatid na pumunta sila sa Galilea, at doon nila Ako makikita.” - Mateo 28:10
I.
Panimula: Ang Kahalagahan ng Salitang "Kapatid"
Pagkatapos
ng Kanyang maluwalhating pagkabuhay mula sa mga patay, maaari sanang tawagin ni
Jesus ang Kanyang mga alagad sa iba’t ibang paraan—"mga lingkod,"
"mga tagasunod," o "mga disipulo." Ngunit pinili Niyang
tawagin silang "mga kapatid."
Isang
salitang puno ng kahulugan: kapatawaran, panunumbalik ng ugnayan, at higit sa
lahat, pagkakabahagi sa iisang Ama.
Bakit nga ba tinawag ni Jesus na "kapatid" ang Kanyang mga alagad? Ano ang ibig sabihin nito sa atin ngayon? At paano tayo naging karapat-dapat sa tawag na ito?
II.
Konteksto ng Paksa
Bago
ang pagkapako sa krus, iniwan ng mga alagad si Jesus sa oras ng panganib (Mateo
26:56). Tatlong beses Siyang ikinaila ni Pedro. Sa panahon ng Kanyang matinding
pagdurusa, wala ni isa ang tumindig sa Kanyang tabi.
Ngunit
nang Siya’y muling mabuhay, hindi Siya bumati ng paninisi—kundi ng
pagtawag: "Aking mga kapatid."
Ito
ay isang patotoo ng biyaya.
Ito ang simula ng bagong yugto ng kanilang relasyon—hindi na lamang sila pinatawad, sila'y naging bahagi na ng pamilya ng Diyos.
III.
Doktrinang Pundasyon: Paano Tayo Naging Anak ng Diyos (at si Jesus ang Ating
Kapatid)?
A.
Tayo'y Naging Anak ng Diyos sa Pamamagitan ng Pananampalataya at Bautismo kay
Cristo
Galacia
3:26-27 – "Sapagka’t kay Cristo Jesus,
kayong lahat ay mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya. Sapagka’t
ang lahat sa inyo na binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo."
- Ang
pananampalataya ay hindi basta paniniwala lamang, kundi pananampalatayang
matalimahin (Roma 1:5; Santiago 2:24).
- Sa
bautismo natin "ibinihis" si Cristo—dahil dito, tayo
naman ay tinanggap bilang mga anak ng Diyos.
B.
Tayo'y Isa na ngayong Pamilya
Galacia
3:28-29 – "Wala nang Judio ni Griego...
lalake ni babae; sapagka’t kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus. At kung
kayo'y kay Cristo, kayo nga'y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana ayon sa
pangako."
- Hindi
ang lahi, yaman, o kasarian ang batayan—kundi ang bagong kapanganakan kay
Cristo.
- Bilang
tagapagmana, tayo ay kabahagi ng pangako at pangalan ng pamilya ng Diyos.
C.
Tayo'y Binigyan ng Karapatang Maging Anak ng Diyos
Juan
1:12 – "Datapuwa’t ang lahat ng
tumanggap sa Kanya, ay pinagkalooban Niya ng karapatang maging anak ng Diyos,
sa makatuwid baga’y ang mga sumasampalataya sa Kanyang pangalan."
- Ang
karapatang ito ay hindi awtomatiko—ito'y ibinibigay sa mga sumasampalataya
at tumatanggap sa Kanya sa pamamagitan ng matalimahing pananampalataya
(cf. Gawa 2:41, 47).
- Bilang mga anak ng Diyos, kabahagi tayo ni Cristo sa Kanyang buhay, paghihirap, at kaluwalhatian.
IV.
Mga Halimbawang Biblikal ng Katotohanang Ito
- Si
Pedro Pagkatapos ng Pagtatwa
- Tatlong
beses Siyang ikinaila (Lucas 22:61-62), ngunit ibinalik ni Jesus at
pinagkatiwalaang muli (Juan 21:15-17).
- Si
Tomas na Nagduda
- Bagamat
nag-alinlangan (Juan 20:25), si Jesus mismo ang nagpakita sa kanya upang
patibayin ang kanyang pananampalataya.
- Si
Saulo ng Tarso (Pablo)
- Dating
mang-uusig ng iglesia (Gawa 8:3), naging apostol at minamahal na kapatid
(Gawa 9:17).
- Patunay na kayang ampunin ng biyaya ang pinakamasahol na makasalanan.
V.
Praktikal na Aplikasyon sa Panahon Ngayon
- Kilalanin
ang Iyong Bagong Pagkakakilanlan Ngayon — Ikaw ay Kapatid ni Cristo
- Hindi
ka ulila sa mundong ito. Ikaw ay kabilang sa pamilya ng Diyos.
- Sa
bawat pagsubok, hindi ka nag-iisa — kasama mo ang Mas
Nakakatandang Kapatid, ang Panginoong JesuCristo (Hebreo 2:11).
- Pakitunguhan
ang Kapwa Mananampalataya bilang Tunay na Pamilya
- Walang
puwang ang inggitan, pagkakabaha-bahagi, o kayabangan sa katawan ni
Cristo.
- Kung
tinawag silang "kapatid" ni Jesus, ganoon din dapat tayo sa
isa’t isa.
- Mamuhay
nang Karapat-dapat sa Pangalan
- Huwag
mong hiyain ang pangalan ng pamilya. Mamuhay sa kabanalan, pag-ibig, at
paglilingkod.
- "Nguni't kung ang isang tao ay magbata na gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito." (1Pedro 4:16)
VI.
Panawagan: Maging Bahagi ng Pamilya ng Diyos
Hebreo
2:11 – "Sapagka’t Siya na
nagpapabanal at ang mga pinababanal ay iisa; kaya’t hindi Niya ikinahihiyang
tawagin silang mga kapatid."
Hindi
ikinahihiya ni Jesus na tawagin kang kapatid—namumuhay ka ba nang karapat-dapat
sa tawag na ito?
Para
sa mga wala pa sa pamilya ng Diyos:
- Kinakailangang
ipanganak na muli sa pananampalatayang may pagtalima at mangagbautismo sa
pangalan ni Jesucristo (Juan 3:5; Gawa 2:38).
- Sa ganitong paraan ka lamang magiging bahagi ng sambahayan ng Diyos (1Corinto 12:13; Efeso 2:19).
VII.
Babala at Pagpapala
Hebreo
10:29 – Nagbabala sa mga yumuyurak sa dugo
ng tipan.
Huwag
maliitin ang kapatirang ito. Inialay ni Jesus ang Kanyang dugo upang maisama ka
sa pamilya ng Diyos.
Ngunit
sa mga magpapatuloy sa pananampalataya:
Roma
8:17 – "At kung mga anak, ay mga
tagapagmana rin—mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni
Cristo..."
- Iyan ang gantimpala: ang magharing kasama ang ating Panganay na Kapatid magpakailanman.
Konklusyon:
Ang
pagtawag ni Jesus sa atin na "kapatid" ay isa sa mga pinakamalalim at
pinakamatamis na katotohanang espirituwal.
Siya’y
namatay para sa atin, nabuhay muli, nagpatawad, at ngayo’y lumalakad kasama
natin—hindi lamang bilang Panginoon, kundi bilang mapagmahal na
Kapatid.
Mamuhay
tayo nang karapat-dapat sa pribilehiyong ito.
Anyayahan
natin ang iba sa pamilyang ito.
Huwag
nating kalilimutan: Hindi lang tayo iniligtas—tayo'y "mga anak ng Dios, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus," (Gal. 3:26). Tayo’y pamilya.
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#Sermon #TinawagTayongKapatidniJesus #PamilyaNgDios #KapatirangKristiyano #KapatidKayCristo #TagapagmanaNgDios #MgaanakngDios #KapatidNiCristo #BuhayKristiyano #BautismoKayCristo
