"Believe That Ye Receive Them, And Ye Shall Have Them."
Text: Mark 11:24
Introduction
This Bible sermon explains the true meaning of
Mark 11:24, where Jesus teaches about believing prayer. Many
misunderstand this verse as a promise that God will grant any request, but
Scripture shows that prayer must be made in Christ’s name, according to His
will, and from a life of obedience. Learn what the Bible really teaches
about faithful prayer.
Brethren and friends, listen carefully to the words
of our Lord Jesus Christ in Mark 11:24:
“Therefore I say unto you, What things soever ye
desire, when ye pray, believe that ye receive them, and ye shall have them.”
This verse is powerful. It is encouraging. It
strengthens our faith in prayer. But it is also one of the most misunderstood
verses in the Bible today. Many people read this passage and think that Jesus
is giving believers a blank check — that whatever we desire, God is obligated
to give it to us. And because of this misunderstanding, some have turned prayer
into something that resembles a spiritual formula or a religious mantra.
You may have heard people say things like this: “In
Jesus’ name makakapag-abroad ka.” Or, “In Jesus’ name yayaman ka.”
As if simply attaching the phrase “in Jesus’ name” to a statement
suddenly guarantees that God must fulfill it. But brethren, that is not
biblical faith. That is superstition dressed in Christian language.
The words of Christ must always be understood in
harmony with the rest of Scripture. The Bible never contradicts itself. If we
want to understand what Jesus meant in Mark 11:24, we must allow the whole
counsel of God to explain it.
First, we must understand what it means to ask “in
the name of Jesus.” Many think it is merely a phrase we say at the end of
prayer. But in the Bible, a name represents authority. Jesus Himself
said in John 14:14, “If ye shall ask any thing in my name, I will do
it.” But that does not mean we can ask anything our human heart desires. It
means we must ask according to His authority.
The apostle Paul explained this principle clearly
in Colossians 3:17: “And whatsoever ye do in word or deed, do all in the
name of the Lord Jesus.” To do something in the name of Christ means to
do it under His authority and according to His teaching. Just as a messenger
who acts in the name of a king must carry the king’s command and not his own
idea, so our prayers must align with the will of Christ.
Second, the Bible teaches that prayer is connected
to obedience. The apostle John wrote in 1 John 3:22, “And
whatsoever we ask, we receive of him, because we keep his commandments, and do
those things that are pleasing in his sight.” Did you hear that carefully? The
promise is connected to a condition. The people whose prayers are heard are
those who are striving to live in obedience to God.
Again John says in 1 John 5:14, “And this is
the confidence that we have in him, that, if we ask any thing according to his
will, he heareth us.” Notice those words — according to his will. Prayer
is not about bending God’s will to match our desires. Prayer is about bringing
our hearts into submission to His will.
Consider the example of Jesus Himself. In the
garden of Gethsemane, facing the agony of the cross, He prayed, “O my Father,
if it be possible, let this cup pass from me.” But He did not stop there. He
said, “Nevertheless not as I will, but as thou wilt” (Matthew 26:39). Even the
Son of God prayed with submission to the will of the Father.
Now think about the apostles. Paul prayed three
times that his thorn in the flesh would be removed. But God did not remove it.
Instead, the Lord said, “My grace is sufficient for thee: for my strength is
made perfect in weakness” (2 Corinthians 12:9). Even a faithful apostle did not
receive everything he requested. Why? Because God’s wisdom is greater than our
desires.
Brethren, prayer is not magic. It is not a formula.
It is not a verbal key that unlocks unlimited blessings. True prayer is the
humble request of a faithful heart that trusts God’s wisdom. It is the voice of
a child speaking to the Father. (Gal 3:26-27 — "For ye are
all the children of God by faith in Christ Jesus. For as many of you as have
been baptized into Christ have put on Christ.")
But there is another truth we must remember.
Sometimes people promise blessings that God Himself has not promised. They say,
“Believe and you will be rich.” “Believe and you will have success.” “Believe
and all your problems will disappear.” Yet the same Jesus who spoke Mark 11:24
also said in John 16:33, “In the world ye shall have tribulation.”
Faith does not guarantee riches. Faith guarantees
God’s presence. Faith does not promise an easy life. Faith promises eternal
life for those who remain faithful.
And so the real question is not, “Can I
get everything I want?” The real question is, “Is my heart aligned with the
will of God?” (Read 1 Peter 3:12.)
“For the eyes of the Lord are over the
righteous, and his ears are open unto their prayers: but the face of the Lord
is against them that do evil.”
My friends, perhaps someone reading this message
has been praying but living in disobedience. Perhaps someone is asking God for
blessings while ignoring His commandments. The Bible does not teach that kind
of prayer. The Lord hears the prayers of those who seek Him sincerely and walk
in His ways.
But above all, the greatest prayer a person must
make is not for wealth, success, or travel to another country. The greatest
prayer is the prayer for salvation. Jesus came into the world to save
sinners. The gospel calls every soul to respond to Him in obedient faith.
The Scriptures teach that we must believe that
Jesus Christ is the Son of God (John 8:24). We must repent of our sins
(Acts 17:30). We must confess the name of Christ before men (Romans
10:9–10). And we must be baptized for the remission of sins (Acts 2:38).
In baptism, the Lord washes away our sins and adds us to His church.
And if you are already a Christian but your faith
has grown weak, if your prayers have become empty words, the Lord calls you to
return. Repent. Renew your devotion. Draw near to God again.
Brethren and friends, prayer is one of the greatest
privileges God has given His people. But it must be offered with faith,
obedience, and submission to His will. When we pray according to the authority
of Christ and the will of God, we can have true confidence that the Lord hears
us.
So let us ask ourselves tonight:
When we pray, are we trying to control God with
words… or are we humbly submitting our hearts to His will?
For the answer to that question may determine not only the power of our prayers — but the destiny of our souls.
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#Mark1124 #BiblicalPrayer #PrayerAccordingToGodsWill #InJesusNameMeaning #ChristianSermon #BibleTeaching #FaithAndObedience #BiblicalFaith #JesusTeaching #TruePrayer #Panalangin #PanalanginAyonSaKaloobanNgDiyos #AralNgBiblia #SermonSaBiblia #KristiyanongBuhay
"Magsisampalataya Kayo Na Inyong Tinanggap Na, At Inyong Kakamtin"
Teksto: Marcos 11:24
Panimula
Ang sermon na ito ay nagpapaliwanag ng tunay
na kahulugan ng Marcos 11:24, kung saan itinuro ni Jesus ang tungkol sa
pananalangin na may pananampalataya. Maraming tao ang nag-aakala na ang
talatang ito ay nangangahulugang ibibigay ng Diyos ang anumang hilingin ng tao.
Ngunit ipinapakita ng Biblia na ang panalangin ay dapat gawin sa pangalan ni
Cristo, ayon sa Kaniyang kalooban, at mula sa pusong sumusunod sa Diyos.
Mga kapatid at mga kaibigan, pakinggan natin ang
mga salita ng ating Panginoong Jesucristo sa Marcos 11:24:
“Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng
mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi, ay magsisampalataya kayo na
inyong tinanggap na, at inyong kakamtin.”
Ang talatang ito ay mabisang nagbibigay kaaliwan sa
ating mga puso. Nakapagpapalakas ito ng loob ng mananampalataya. Pinatitibay
nito ang ating pananampalataya sa panalangin. Ngunit mga kapatid, ito rin ay
isa sa mga talatang madalas na hindi nauunawaan nang tama sa panahon natin
ngayon.
Maraming tao ang nagbabasa nito at iniisip na para
bang nagbibigay si Jesus ng blank check sa bawat tao — na anumang gusto
natin hilingin ay obligadong ibibigay ng Diyos. Dahil dito, ang panalangin ay
ginawang parang isang formula o isang maka-diyos na mantra.
Marahil narinig na ninyo ang mga ganitong
pananalita: “In Jesus’ name makakapag-abroad ka.” O kaya, “In Jesus’
name yayaman ka.” Para bang kapag idinugtong lamang ang mga salitang “sa
pangalan ni Jesus” ay awtomatikong mangyayari ang hinihiling.
Ngunit mga kapatid, hindi iyan ang
pananampalatayang itinuturo ng Biblia. Iyan ay pamahiin na binihisan lamang ng
mga salitang Kristiyano.
Ang mga salita ni Cristo ay dapat laging unawain
kasama ng buong Kasulatan. Ang Biblia ay hindi nagkakasalungatan. Kung nais
nating maunawaan ang Marcos 11:24, dapat nating hayaan na ang ibang
bahagi ng Kasulatan ang magpaliwanag nito.
Una sa lahat, kailangan nating maunawaan kung ano
ang ibig sabihin ng “sa pangalan ni Jesus.” Maraming nag-iisip na ito ay
simpleng pariralang binabanggit sa dulo ng panalangin. Ngunit sa Biblia, ang pangalan
ay nangangahulugang kapamahalaan o awtoridad.
Sinabi mismo ni Jesus sa Juan 14:14, “Kung
kayo'y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin.”
Ngunit hindi ibig sabihin nito na maaari nating
hingin ang anumang gusto ng ating puso. Ibig sabihin nito ay dapat tayong
humingi ayon sa awtoridad ni Cristo.
Ipinaliwanag ito ni apostol Pablo sa Colosas
3:17:
“At anomang inyong ginagawa, sa salita, o sa
gawa, gawin ninyong lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus,”.
Ang paggawa ng isang bagay sa pangalan ni Cristo
ay nangangahulugang ginagawa ito ayon sa Kaniyang kapamahalaan at ayon sa
Kaniyang kalooban. Tulad ng isang sugo ng hari na hindi maaaring magsalita
ayon sa sariling isip kundi ayon sa utos ng hari, ganoon din ang ating
panalangin — dapat itong naaayon sa kalooban ni Cristo.
Ikalawa, malinaw na itinuturo ng Biblia na ang
panalangin ay kaugnay ng pagsunod sa Diyos.
Sinabi ni apostol Juan sa 1 Juan 3:22:
“At anomang ating hingin ay tinatanggap natin
sa kaniya, sapagka't tinutupad natin ang kaniyang mga utos at ginagawa natin
ang mga bagay na kalugodlugod sa kaniyang paningin.”
Napansin ba ninyo ito? May kondisyon ang
pangakong ito. Ang Diyos ay nakikinig sa mga taong nagsisikap na sumunod sa
Kaniyang mga utos.
Muli, sinabi ni Juan sa 1 Juan 5:14:
“At ito ang nasa ating pagkakatiwala sa
kaniya, na kung tayo'y humingi ng anomang bagay na ayon sa kaniyang kalooban,
ay dinidinig tayo niya:”
Pansinin ninyo ang mga salitang iyon — ayon sa
kaniyang kalooban.
Ang panalangin ay hindi para pilitin ang Diyos na
gawin ang gusto natin. Ang panalangin ay para ihanay ang ating puso sa kalooban
ng Diyos.
Tingnan natin ang halimbawa ni Jesus mismo. Sa
halamanan ng Getsemani, bago Siya ipako sa krus, Siya’y nanalangin: “Ama
ko, kung baga maaari, ay lumampas sa akin ang sarong ito:” Ngunit
sinabi rin Niya, “gayon ma'y huwag ang ayon sa ibig ko, kundi ang ayon sa
ibig mo.” (Mateo 26:39).
Maging ang Anak ng Diyos ay nanalangin na may
pagpapasakop sa kalooban ng Ama.
Isipin din natin si apostol Pablo. Tatlong beses
niyang ipinanalangin na alisin ang tinik sa kaniyang laman. Ngunit hindi ito
inalis ng Diyos. Sa halip sinabi ng Panginoon, “Ang aking biyaya ay sapat
na sa iyo:” (2 Corinto 12:9).
Kahit isang tapat na apostol ay hindi natanggap ang
lahat ng kaniyang hiniling. Bakit? Sapagkat ang karunungan ng Diyos ay higit
kaysa sa ating mga nais.
Mga kapatid, ang panalangin ay hindi mahika. Hindi
ito formula. Hindi ito susi na kapag binanggit lamang ang ilang salita ay
mapipilitan ang Diyos na gawin ang gusto natin.
Ang tunay na panalangin ay ang mapagpakumbabang
pagsusumamo ng pusong nagtitiwala sa karunungan ng Diyos. Ito ay tinig ng isang
anak na lumalapit sa kaniyang Ama. (Gal 3:26-27 — “Sapagka't kayong
lahat ay mga anak ng Dios, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus.
Sapagka't ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si
Cristo.”)
Ngunit may isa pang mahalagang katotohanan. May mga
tao na nangangako ng mga pagpapala na hindi naman ipinangako ng Diyos. Sinasabi
nila, “Manampalataya ka at yayaman ka.” “Manampalataya ka at mawawala
ang lahat ng problema mo.”
Ngunit ang parehong Jesus na nagsabi ng Marcos
11:24 ay nagsabi rin sa Juan 16:33:
“Sa sanglibutan ay mayroon kayong
kapighatian:”
Ang pananampalataya ay hindi garantiya ng
kayamanan. Ang pananampalataya ay garantiya ng presensya ng Diyos. Ang
pananampalataya ay hindi pangako ng madaling buhay, kundi pangako ng buhay na
walang hanggan sa mga nananatiling tapat.
At kaya ang tunay na tanong ay hindi, “Makukuha
ko ba ang lahat ng gusto ko?” Ang tunay na tanong ay ito:
“Ang puso ko ba ay nakaayon sa kalooban
ng Diyos?” (Basahin ang 1
Pedro 3:12.)
“Sapagka't ang mga mata ng Panginoon ay nasa
mga matuwid, At ang kaniyang mga pakinig ay sa kanilang mga daing: Nguni't ang
mukha ng Panginoon ay laban sa mga nagsisigawa ng masama.”
Mga kaibigan, marahil may nagbabasa ngayon na
nananalangin ngunit patuloy na namumuhay sa pagsuway sa Diyos. Marahil may
humihingi ng mga pagpapala ngunit hindi sinusunod ang mga utos ng Panginoon.
Hindi iyan ang panalangin na itinuturo ng Biblia.
Ang Diyos ay nakikinig sa panalangin ng mga taong
taos-pusong naghahanap sa Kaniya at nagsisikap na lumakad sa Kaniyang mga daan.
Ngunit higit sa lahat, ang pinakamahalagang
panalangin na dapat gawin ng tao ay hindi para sa kayamanan, tagumpay, o
pagpunta sa ibang bansa. Ang pinakamahalagang panalangin ay ang panalangin para
sa kaligtasan.
Si Jesus ay naparito upang iligtas ang mga
makasalanan. Ang ebanghelyo ay tumatawag sa bawat tao na tumugon sa Kaniya sa
pananampalatayang may pagsunod.
Itinuturo ng Kasulatan na dapat tayong sumampalataya
na si Jesus ang Anak ng Diyos (Juan 8:24). Dapat tayong magsisi sa ating
mga kasalanan (Gawa 17:30). Dapat nating ipahayag si Cristo sa harap ng
mga tao (Roma 10:9-10). At dapat tayong mabautismuhan sa ikapagpapatawad
ng mga kasalanan (Gawa 2:38).
Sa bautismo ay hinuhugasan ng Panginoon ang ating
mga kasalanan at idinadagdag tayo sa Kaniyang iglesia.
At kung ikaw naman ay isang Kristiyano na ngunit
lumamig na ang iyong pananampalataya, kung ang iyong panalangin ay naging mga
salitang walang laman, tinatawag ka ng Panginoon na manumbalik sa Kaniya.
Magsisi ka. Ipanumbalik mo ang iyong debosyon sa Diyos.
Mga kapatid at mga kaibigan, ang panalangin ay isa
sa pinakadakilang pribilehiyong ibinigay ng Diyos sa Kaniyang bayan. Ngunit ito
ay dapat gawin nang may pananampalataya, pagsunod, at pagpapasakop sa Kaniyang
kalooban.
Kapag tayo’y nananalangin ayon sa awtoridad ni
Cristo at ayon sa kalooban ng Diyos, maaari tayong magkaroon ng tunay na
katiyakan na dinirinig tayo ng Panginoon.
Kaya tanungin natin ang ating sarili ngayon:
Kapag tayo ba ay nananalangin,
sinusubukan ba nating pilitin ang Diyos sa pamamagitan ng mga salita… o tunay
ba nating ipinapasakop ang ating puso sa Kaniyang kalooban?
Sapagkat ang sagot sa tanong na iyan ay maaaring
magpasiya hindi lamang sa lakas ng ating panalangin — kundi sa kapalaran ng
ating kaluluwa.
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#Mark1124 #BiblicalPrayer #PrayerAccordingToGodsWill #InJesusNameMeaning #ChristianSermon #BibleTeaching #FaithAndObedience #BiblicalFaith #JesusTeaching #TruePrayer #Panalangin #PanalanginAyonSaKaloobanNgDiyos #AralNgBiblia #SermonSaBiblia #KristiyanongBuhay
