Christian Women and the Veil in Prayer (Ch. 4)
A Bible Doctrinal Exposition of 1 Corinthians 11
CHAPTER
4
Objection & Refutation
The
teaching of the veil is often dismissed with clever but shallow arguments. Paul
anticipated contention (1 Cor. 11:16), and by inspiration provided reasoning
that silences every objection. In this chapter, we will list the main
objections raised by brethren and skeptics, and provide a biblical refutation
for each.
❌ Objection 1:
“It was just Corinthian culture.”
The False Claim
Paul was
only addressing cultural expectations in Corinth, where prostitutes were known
to appear unveiled, and respectable women wore coverings. Therefore, the veil
command does not bind Christians today.
📖 Refutation
1.
Paul never appeals to Corinthian custom.
·
His reasoning is rooted in:
o Headship
(v.3).
o Creation
(vv.7–9).
o Angels
(v.10).
o Nature
(vv.14–15).
o Universal
church practice (v.16).
·
These transcend culture.
2.
Adam and Eve as precedent.
·
Paul appeals to Genesis creation, not
Greco-Roman fashion.
·
Whenever Adam and Eve are invoked, the teaching
is universal (cf. Matt. 19:4–6 on marriage; 1 Tim. 2:13 on women’s silence).
3.
Verse 16 universalizes the practice.
·
“We have no such custom, neither the churches of
God.”
·
Not Corinth only, but all congregations.
❌ Objection 2:
“Paul meant hair, not a veil.”
The False Claim
The
covering in 1 Cor. 11 is simply long hair, not an actual veil.
1.
Different Greek words.
·
Katakalyptō = to cover, veil (vv.5–7,
13).
·
Peribolaion = wrap, mantle (v.15, “hair
for a covering”).
·
If hair = veil, Paul would not need two
different words.
2.
Paul contrasts veil with shorn/shaven hair.
·
If hair = covering, how could a woman with long
hair still be considered “uncovered” (v.5)?
·
The logic collapses unless the veil is distinct
from natural hair.
3.
The conditional argument in v.6.
·
“If the
woman be not covered, let her also be shorn.”
·
If hair is the covering, the verse makes no
sense.
·
Paul would not say: “If she has no hair, let her also cut off her hair.”
Thus, hair
supports the principle (nature’s testimony), but does not replace the veil.
❌ Objection 3:
“We are under grace, not law.”
The False Claim
Commands
like this belong to legalism. We are free in Christ and not bound by such
outward ordinances.
📖 Refutation
1.
This is not Mosaic law, but apostolic ordinance.
·
Paul explicitly calls it an “ordinance”
delivered by him (v.2).
·
To reject it is to reject apostolic authority.
2.
Grace requires obedience.
·
Rom. 6:15–16 — “Shall we sin because we are not under the law, but under grace? God
forbid.”
·
Grace frees us from sin, not from God’s order.
3.
Visible obedience is always part of faith.
·
Baptism (Acts 22:16).
·
Lord’s Supper (1 Cor. 11:23–26).
·
Singing (Eph. 5:19).
·
The veil belongs in the same category: Outward
obedience produced by inward faith.
❌ Objection 4:
“It was only for married women.”
The False Claim
The veil
was a symbol of marital submission, and thus applies only to married women, not
to all.
📖 Refutation
1.
Paul makes no marital distinction.
·
He speaks of “woman” (gynē), not
specifically “wife.”
·
The principle of headship is rooted in creation,
not marriage license.
2.
Universal order.
·
“The head of the woman is the man” (v.3)
is universal, applying to gender roles, not only marriage roles.
3.
The appeal to angels.
·
Angels do not distinguish between married and
unmarried women.
·
They observe the principle of submission in
worship.
❌ Objection 5:
“Verse 16 cancels the whole thing.”
The False Claim
When Paul
says “we have no such custom, neither the churches of God” (v.16), he
means there is no binding practice of veiling.
📖 Refutation
1.
Context of contention.
·
The “custom” Paul denies is contentiousness, not
the covering.
·
He is saying, “If anyone wants to fight this,
know that none of the churches reject it.”
2.
Greek grammar.
·
“No such custom” (toiautēn synētheian) =
no custom of rejecting the covering.
·
The negative is attached to the contentious
spirit, not to the ordinance.
3.
Consistency.
·
Paul would not spend 15 verses proving a
practice, then dismiss it in one.
·
Verse 16 is his final nail against dissent, not
his reversal.
❌ Objection 6: “It’s a small matter, not worth
dividing over.”
The False Claim
Even if
true, this issue is minor and should not be pressed.
📖 Refutation
1.
Paul devotes 15 verses to it.
·
Far more than he gives to some weightier
matters.
·
That alone proves its importance.
2.
It touches Christ’s headship.
·
To minimize the veil is to minimize the headship
of Christ.
·
A small symbol points to a great reality.
3.
Faithful obedience always matters.
·
James 1:22 — “Be ye doers of the word, and
not hearers only.”
·
Luke 16:10 — “He that is faithful in that
which is least is faithful also in much.”
❌ Objection 7:
“It makes us look legalistic.”
The False Claim
Insisting
on veils turns people away, making Christianity appear rigid and outdated.
📖 Refutation
1.
Obedience is not legalism.
·
Legalism = seeking justification by law-keeping.
·
Obedience = loving submission to Christ.
2.
God often commands visible symbols.
·
Baptism (Acts 2:38).
·
Lord’s Supper (1 Cor. 11:23–26).
·
Singing (Eph. 5:19).
3.
The church’s role is not to conform to culture.
·
Rom. 12:2 — “Be not conformed to this world.”
·
To discard the veil for fear of ridicule is to
let culture dictate worship.
4.8 Conclusion of
Refutations
Every objection fails under the weight of Scripture. The
veil is not cultural, not optional, not hair, not marital-only, not trivial,
and not legalistic. It is a visible, divinely ordained sign of God’s eternal
order.
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#ChristianWomen #VeilInPrayer #HeadCovering #1Corinthians11 #BibleDoctrine #ChurchPractice #CreationOrder #ObedienceToGod #CristianongBabae #BeloSaPanalangin
Cristianong Kababaihan at ang Belo sa Panalangin (Ch. 4)
Isang Doktrinal na Palalahad sa 1 Corinto 11
Kabanata 4:
Mga Pagtutol at Pagpapabulaan
Ang aral tungkol sa belo ay madalas tinatanggihan gamit ang mga matatalinong paliwanag na mababaw ang laman. Inasahan ni Pablo na may lalaban sa aral na ito (1 Cor. 11:16), kaya’t sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos, ibinigay niya ang mga paliwanag na sumasagot sa lahat ng pagtutol.
Sa kabanatang ito, ililista natin ang mga karaniwang pagtutol na sinasabi ng mga kapatid at mga nagdududa, at ang tugon ng Biblia sa bawat isa.
❌
Pagtutol 1: “Para lang iyon sa kultura ng Corinto.”
Ang maling paniwala
Ayon sa ilan, ang utos ni Pablo tungkol sa belo ay para lamang sa mga taga-Corinto, dahil noong panahon na iyon, ang mga babaeng makasanlibutan ay hindi nagsusuot ng takip, samantalang ang mga matinong babae ay nagsusuot. Kaya raw hindi ito para sa mga Kristiyano ngayon.
📖 Pagpapabulaan
1.
Hindi kailanman ginamit ni Pablo ang kultura bilang batayan.
·
Ang kanyang ginamit na mga katuwiran ay nakaugat sa:
o Pagkapang-ulo
(Headship) (tal. 3).
o Paglalang
(tal. 7–9).
o Mga
anghel (tal. 10).
o Kalikasan
(tal. 14–15).
o Unibersal
na padron ng iglesia (tal. 16).
·
Ang mga ito ay maliwanag na napakalayo sa kultura.
2. Ginamit ni Pablo sina Adan at Eva bilang batayan.
·
Dumulog si Pablo sa Genesis, hindi sa kaugalian ng
Greco-Roman.
·
Sa tuwing ginagamit sina Adan at Eva, ang aral
ay pangkalahatan at walang hanggan (cf. Mat. 19:4–6 tungkol sa pag-aasawa; 1 Tim. 2:13
tungkol sa katahimikan ng babae).
3.
Ang talata 16 ay nagpapahiwatig ng
pangakalahatang na gawain.
·
“Wala kaming gayong ugali, o ang iglesia man
ng Dios.”
·
Samakatuwid, hindi lamang sa Corinto, kundi sa
lahat ng kongregasyon.
❌
Pagtutol 2: “Ang tinutukoy ni Pablo
ay buhok, hindi belo.”
Ang maling paniwala
Ang tinutukoy daw ni Pablo na “takip” ay mahabang buhok lamang, hindi tunay na belo.
📖 Pagpapabulaan ng Biblia:
1.
Magkaiba ang mga salitang ginamit sa Griyego.
·
Katakalyptō = takpan, tabingan, balutin, belo
(tal. 5–7, 13).
·
Peribolaion = balabal, tabing (tal. 15,
“ang buhok sa kaniya'y ibinigay na pangtakip”).
·
Kung buhok ay belo, hindi na gagamit si Pablo ng
dalawang salita.
2.
Ikinumpara ni Pablo ang belo sa paggupit o
pag-ahit ng buhok.
·
Kung buhok ay belo, paano masasabing ang babaeng
may mahabang buhok ay “walang takip” (tal. 5)?
·
Masisira ang lohika maliban na lang kung ang
belo ay hiwalay sa buhok.
3.
Ang kondisyon sa tal. 6.
·
“kung ang babae ay walang lambong, ay pagupit
naman;”
·
Kung buhok ang takip, wala itong saysay.
·
Hindi sasabihin ni Pablo: “Kung wala siyang
buhok, gupitin niya ang kanyang buhok.” Maliwanag na walang lohika ang ganitong pananalita.
Kaya’t ang
buhok ay may kanyang gamit, ngunit hindi kapalit ng belo.
❌
Pagtutol 3: “Tayo ay nasa ilalim ng
biyaya, hindi ng kautusan.”
Maling Pahayag
Ang
ganitong mga utos ay kabilang sa legalismo. Tayo ay malaya kay Cristo at hindi
na nakatali sa mga panlabas na kautusan.
📖 Pagpapabulaan
1.
Ito’y hindi batas ni Moises kundi ordinansa ng
apostol.
·
Hayagang tinawag ni Pablo itong “kautusan”
na kanyang iniabot (tal. 2).
·
Ang pagtanggi rito ay pagtanggi sa kapangyarihan
ng apostol.
2.
Ang biyaya ay nangangailangan ng pagsunod.
·
“Ano nga? mangagkakasala baga tayo, dahil sa
tayo'y wala sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya? Huwag nawang
mangyari.” (Rom. 6:15–16)
·
Ang biyaya ay nag-aalis sa atin sa kasalanan,
hindi sa kaayusan ng Diyos.
3.
Ang nakikitang pagsunod ay laging bahagi ng
pananampalataya.
·
Bautismo (Gawa 22:16).
·
Hapag ng Panginoon (1 Cor. 11:23–26).
·
Pag-awit (Efe. 5:19).
·
Ang belo ay kabilang sa parehong kategorya: Ang
panlabas na pagsunod na bunga ng panloob na pananampalataya..
❌
Pagtutol 4: “Ito ay para lamang sa mga
may-asawa.”
Maling Pahayag
Ang belo
raw ay simbolo ng pagsuko ng isang asawang babae sa kanyang asawa, at kaya’t
para lamang sa mga may-asawa.
📖 Pagpapabulaan
1.
Hindi gumawa si Pablo ng ganitong pagkakaiba.
·
Ang ginamit niya ay gynē = babae, hindi
partikular na asawa.
·
Ang prinsipyong headship ay nakaugat sa
paglalang, hindi sa lisensya ng kasal.
2.
Pangkalahatang kaayusan.
·
“Ang ulo ng babae ay ang lalaki” (tal. 3)
ay unibersal, tumutukoy sa papel ng kasarian, hindi lamang sa mag-asawa.
3.
Apela sa mga anghel.
·
Ang mga anghel ay hindi gumagawa ng kaibhan kung
kasal o dalaga ang babae.
·
Saksi sila sa prinsipyong ito sa pagsamba.
❌
Pagtutol 5: “Ang talata 16 ay
nagkakansela ng lahat.”
Maling Pahayag
Nang sinabi
ni Pablo, “Wala kaming gayong ugali, o ang iglesia man ng Dios” (tal.
16), ibig niyang sabihin ay walang itinatakdang banal na pag-uugnay ang
pagtatakip (ng ulo).
📖 Pagpapabulaan
1.
Konteksto ng pagtatalo.
·
Ang “ugali”
na itinatanggi ni Pablo ay ang pagtutol,
hindi ang belo.
·
Ibig niyang sabihin: “Kung may nais pang
makipagtalo, tandaan ninyo na wala ni isa mang iglesia ng Diyos ang tumatanggi
rito.”
2.
Gramatikang Griyego.
·
Toiautēn synētheian = walang ugali ng
pagtanggi sa belo.
·
Ang negatibo ay nakadikit sa espiritu ng
pagtutol, hindi sa ordinansa.
3.
Pagiging Palagian (Consistency).
·
Hindi gugugol si Pablo ng 15 talata upang
patunayan ang isang kautusan, tapos ay itatapon lamang ito sa isa talata.
·
Ang talata 16 ang kanyang panghuling matibay na
patotoo laban sa pagtutol (sa paglalagay ng belo), hindi pagbabaligtad ng
kanyang sinabi.
❌
Pagtutol 6: “Maliit na bagay ito, hindi
dapat paghiwa-hiwalayan.”
Maling Pahayag
Kahit
totoo, maliit lamang ang isyung ito at hindi dapat ipilit.
📖 Pagpapabulaan
1.
Gumugol si Pablo ng 15 talata dito.
·
Higit pa sa kanyang inilaan sa ilang “mas
mabibigat” na paksa.
·
Ipinapakita nito ang bigat ng isyu.
2.
Ito’y tungkol sa pagkasakop ni Cristo.
·
Ang maliitin ang paggamit ng belo ay pagmamaliit
sa pagkapang-ulo (headship) ni Cristo.
·
Ang maliit na simbolo ay tumuturo sa dakilang
katotohanan.
3.
Laging mahalaga ang tapat na pagsunod.
·
“Datapuwa’t maging tagatupad kayo ng salita,
at huwag tagapakinig lamang.” (Sant. 1:22)
·
“Ang tapat sa kakaunti ay tapat din naman sa
marami.” (Luc. 16:10)
❌
Pagtutol 7: “Pinagmumukha tayong
legalistiko.”
Maling Pahayag
Ang
pagpipilit sa belo ay naglalayo ng mga tao, ginagawang tuod at makaluma ang
Kristiyanismo.
📖 Pagpapabulaan
1.
Ang pagsunod ay hindi legalismo.
·
Legalismo = paghahanap ng katuwiran sa
pamamagitan ng gawa ng kautusan.
·
Pagsunod = mapagmahal na pagpapasakop kay
Cristo.
2.
Madalas mag-utos ang Diyos ng may kaakibat
simbolo.
·
Bautismo (Gawa 2:38).
·
Hapag ng Panginoon (1 Cor. 11:23–26).
·
Pag-awit (Efe. 5:19).
3.
Ang papel ng iglesia ay hindi ang umayon sa
kultura.
·
“At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang
ito:” (Rom. 12:2)
·
Manapa, ang pagtanggi o hindi paggamit ng belo
dahil sa takot na pagtawanan o kutyain ay maliwanag na siyang nagpapaubaya na
ang kultura ang magtatakda ng pagsamba.
4.8 Konklusyon ng mga Pagsusuri
Bawat
pagtutol ay nagdudulot ng kabiguan sa panukat ng Kasulatan. Ang belo ay hindi
kultural, hindi opsyonal, hindi buhok, hindi para lamang sa may-asawa, hindi
maliit na bagay, at hindi legalismo. Ito ay isang nakikitang tanda na iniutos
ng Diyos bilang patotoo ng Kanyang walang hanggang kaayusan.
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#ChristianWomen #VeilInPrayer #HeadCovering #1Corinthians11 #BibleDoctrine #ChurchPractice #CreationOrder #ObedienceToGod #CristianongBabae #BeloSaPanalangin