Christian Women and the Veil in Prayer (Ch. 3)
A Bible Doctrinal Exposition of 1 Corinthians 11
CHAPTER 3
Exegetical Analysis
of 1 Corinthians 11:2–16
Reading the Passage with the
“Grammar of God” to Silence Human Narratives
Paul’s longest
treatment of the covering begins with praise (v.2) and ends with a universal
decree (v.16). Between these verses he carefully layers theological,
creational, natural, angelic, and ecclesiastical reasoning. This chapter walks
verse-by-verse—adding crucial exegetical clarifications—so the argument stands airtight.
3.1 Verse 2 — The Apostolic Ordinance (Not
a Local Custom)
“Now I praise you, brethren, that ye remember
me in all things, and keep the ordinances, as I delivered them to you.”
·
Ordinances (paradosis) — handed down teachings, traditions; apostolic
instructions “delivered,” not Corinthian etiquette (cf. 2 Thess. 2:15,
“hold the traditions”).
·
Paul commends the Corinthians not for following
culture but for holding fast to apostolic tradition.
·
From the outset, Paul frames the covering as apostolic
command, not cultural advice. Rejecting it is rejecting apostolic authority
(cf. 1 Cor. 14:37—“the things that I write… are the commandments of
the Lord”).
❌ False Claim: “It’s just a local
custom.”
✅ The
Scripture says: It’s an apostolic ordinance (paradosis) binding beyond Corinth.
3.2 Verse 3 — The Headship Principle
(Eternal, not Cultural)
“But I would have you know, that the head of
every man is Christ; and the head of the woman is the man; and the head of
Christ is God.”
·
Chain of headship: God → Christ →
Man → Woman.
·
This reflects the eternal relation of Father and
Son; therefore not a temporary cultural arrangement (cf. Eph. 5:23).
❌ False Claim: “We’re all equal in Christ,
so symbols are unnecessary.”
✅ The
Scripture says: Equality of worth never cancels order of roles.
3.3 Verses 4–5 — Dishonor in Worship (The
Sign Matters)
“Every man praying or prophesying, having his
head covered, dishonoureth his head. But every woman that prayeth or
prophesieth with her head uncovered dishonoureth her head: for that is even all
one as if she were shaven.”
·
Covered/Uncovered here is not hair
length; Paul contrasts a veil with shaving to show the gravity of
being uncovered.
·
A man covering dishonours Christ; a woman
uncovered dishonours her head (and thus the order Christ established).
❌ False Claim: “God only looks at the
heart” (misapplying 1 Samuel 16:7 to the wrong context).
✅ The
Scripture says: The visible sign of obedience either honors or dishonors
the Head.
3.4 Verse 6 — The Sharp Contrast (Logic That
Disallows Neutrality)
“For if the woman be not covered, let her
also be shorn: but if it be a shame for a woman to be shorn or shaven, let her
be covered.”
·
The conditional proves that the covering is not hair. If “covered”
meant “has hair,” Paul’s sentence becomes nonsense.
·
Paul offers only two coherent states: covered
(honor) or shorn/shaven (shame). Paul
does not allow neutrality.
3.5 Verses 7–9 — Creation Order (The Eden
Anchor)
“For a man indeed ought not to cover his
head, forasmuch as he is the image and glory of God: but the woman is the glory
of the man. For the man is not of the woman; but the woman of the man. Neither
was the man created for the woman; but the woman for the man.”
·
“Ought” (opheilei)
= moral obligation, not suggestion.
·
Paul grounds the practice in Genesis (cf.
Gen. 2:18, 21–23).
·
Man = glory of God, therefore uncovered.
·
Woman = glory of man, therefore covered.
·
Cross-ref: Gen. 2:18, 21–23.
·
When Scripture appeals to Adam and Eve,
the rule is universal and timeless (cf. Matt. 19:4–6; 1
Tim. 2:13).
❌ False Claim: “The
principle remains, the method can change.”
✅ The
Scripture says: The method (veil) is prescribed as the visible
confession of that creation-order principle.
3.6 Verse 10 — The Angelic Witness (Heaven
Sees the Sign)
“For this cause ought the woman to have power
on her head because of the angels.”
·
Power (exousia) = authority-sign
on her head, not weakness.
·
Angels
are present in worship (cf. 1 Cor. 4:9; Heb. 1:14).
·
A heavenly reason cannot be local
or cultural. The sign testifies before unseen beings that God’s
order is embraced. Their presence proves the command is universal.
3.7 Verses 11–12 — Mutual Dependence With
Distinction
“Nevertheless neither is the man without the
woman, neither the woman without the man, in the Lord. For as the woman is of
the man, even so is the man also by the woman; but all things of God.”
·
Headship isn’t superiority; it is order
under God.
·
Paul balances order with interdependence.
Equality of worth, difference of role.
Cross-ref: Gal. 3:28 — equality in
salvation, distinction in role.
3.8 Verse 13 — “Judge in Yourselves” (Not
Human Option, but Rhetorical Confirmation)
“Judge in yourselves: is it comely that a
woman pray unto God uncovered?”
·
Paul’s “judge” language is rhetorical,
used also in 1 Cor. 10:15—“I speak
as to wise men; judge ye what I say.”
·
He is not handing the church
cultural latitude; he is directing them to affirm the fittingness of
what God has revealed.
·
The expected answer in their conscience, informed
by creation and church practice, is No—it is not fitting to pray uncovered.
❌ False Claim: “Paul leaves this to
culture or personal judgment.”
✅ The
Scripture says: He commands a judgment that agrees with the
already-stated divine order.
3.9 Verses 14–15 — “Nature Itself Teacheth”
(φύσις = Inherent
Order, Not Habit)
“Doth not even nature itself teach you, that,
if a man have long hair, it is a shame unto him? But if a woman have long hair,
it is a glory to her: for her hair is given her for a covering.”
·
“Nature” (phusis) in KJV usage denotes
inherent constitution/order, not mere social habit:
o Rom.
1:26–27 (“against nature”)
o Rom.
11:24 (“contrary to nature”)
o James
3:7 (“nature of beasts… tamed”)
o Gal.
2:15 (“Jews by nature”)
·
Thus “nature itself” = God’s creational
imprint distinguishing male and female.
·
Key lexical contrast in the passage:
o Cover/veil
terms: katakalyptō / katakalyptesthai (vv. 5–7, 13) = to
cover/veil.
o Hair-as-glory
term: peribolaion (v. 15) = something wrapped around, a mantle-like
“covering.”
·
Paul’s logic: hair = natural glory
that supports the symbolic veil, but does not replace it. That’s
why a woman can still be uncovered even while having hair (vv. 5–6).
❌ False Claim: “Hair alone is the
covering.”
✅ The
Scripture says: Two different words, two different functions: veil
(symbol of authority in worship) vs. hair (natural glory).
3.10 Verse 16 — “We Have No Such Custom”
(Ends Contention, Not the Command)
“But if any man seem to be contentious, we
have no such custom, neither the churches of God.”
·
The “custom” disowned is contentiousness,
not the covering.
·
Paul’s point: no church of God has a
custom of disputing this ordinance. He teaches the same in every
church (cf. 1 Cor. 4:17).
·
The phrase does not abolish the command, but
abolishes contention.
·
Far from localizing the practice, v.16 universalizes
it.
❌ False Claim: “Verse 16 cancels the
entire section.”
✅ The
Scripture says: Verse 16 enforces uniformity and silences quarrel.
3.11 Text, Terms, and Logic—A “Grammar of
God” Summary
·
Apostolic (v.2): Ordinance, not option.
·
Headship (v.3): Eternal order, not
cultural artifact.
·
Honor/Shame (vv.4–6): The outward sign
either honors or dishonors the Head.
·
Creation (vv.7–9): Edenic reasoning makes
it timeless.
·
Angels (v.10): Heavenly witnesses make it
supra-cultural.
·
Mutuality (vv.11–12): Equality of worth,
distinction of role.
·
Nature/φύσις
(vv.14–15): Inherent creation order, not habit; hair supports the veil.
·
Universality (v.16): Uniform church
practice; no “custom” of contention.
3.12 Common Narratives Refuted Within
the Exegesis
1.
“It’s cultural.” — Paul grounds it in creation,
angels, and all churches. Not cultural.
2.
“Hair is the covering.” — Two
different words; v.6 becomes absurd if “covered = has hair.”
3.
“Only principle matters; the form can
change.” — Scripture always binds forms that confess principles
(baptism, Lord’s Supper, singing).
4.
“Judge in yourselves” = choose culturally.
— Paul uses it rhetorically to confirm God’s revealed fittingness (cf.
10:15).
5.
“Nature = habit.” — KJV usage shows nature
is inherent order (Rom. 1:26–27; Rom. 11:24; Jas. 3:7).
6.
“Verse 16 removes obligation.” — It
removes contention, not the command.
7.
“This applies only ‘in worship services.’”
— Paul says “praying or prophesying” (v.5). Wherever that occurs, the sign
applies. Chapter 14 governs who may speak in the assembly; chapter 11
governs how headship is confessed whenever one prays/prophesies.
Different questions; both binding.
3.13 Summary of Exegesis (Reinforced)
·
Apostolic ordinance (v.2).
·
Headship principle (v.3).
·
Dishonor in worship (vv.4–6).
·
Creation foundation (vv.7–9).
·
Angelic witness (v.10).
·
Mutual dependence (vv.11–12).
·
“Judge in yourselves” = confirm God’s order, not
cultural option (v.13).
·
Nature/φύσις
= inherent creation order; hair is not the same as the veil (vv.14–15).
·
Universal church practice; “no such custom” = no
custom of contention (v.16).
Every
layer pushes away from “culture” and presses toward “creation-and-Christ.”
The “grammar of God” in the passage—its chosen words, parallels, and appeals—refutes
human narratives and binds the conscience to a simple, visible obedience.
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#ChristianWomen #VeilInPrayer #HeadCovering #1Corinthians11 #BibleDoctrine #ChurchPractice #CreationOrder #ObedienceToGod #CristianongBabae #BeloSaPanalangin
Cristianong Kababaihan at ang Belo sa Panalangin (Ch. 3)
Isang Doktrinal na Palalahad sa 1 Corinto 11
KABANATA 3
Pagsusuri ng 1 Corinto 11:2–16
Pagsusuri ng 1 Corinto 11:2–16
Pagbasa ng Kasulatan gamit
ang “Balarila ng Diyos” upang Patahimikin ang Mga Haka ng Tao
Ito ang
pinakamahabang turo ni Pablo tungkol sa belo. Nagsimula siya sa pagpuri (v.2)
at nagtapos sa isang pangkalahatang utos (v.16). Sa pagitan ng dalawang
talatang ito, maingat niyang inilatag ang mga dahilan mula sa Diyos — ukol sa
kapangyarihan, sa paglalang, sa kalikasan, sa mga anghel, at sa lahat ng
iglesia. Talakayin natin ito talata kada talata.
3.1 Talata 2 — Ang Utos ng mga Apostol
(hindi local na kaugalian)
“Kayo'y aking pinupuri nga, na sa lahat ng
mga bagay ay naaalaala ninyo ako, at iniingatan ninyong matibay ang mga turo,
na gaya ng ibinigay ko sa inyo.”
·
Ang salitang “mga turo” (paradosis) ay ibig
sabihin ay mga utos na ibinigay o ipinasa, hindi ito mga kaugaliang Corinto.
·
Pinuri ni Pablo ang mga kapatid, hindi dahil sa
pagsunod sa kultura, kundi dahil sa paghawak sa ipinag-utos ng mga apostol.
·
Kaya’t mula sa simula pa lang, malinaw na ito ay
utos ng apostol, hindi tagubiling pangkultura.
❌ Maling Paniwala: “Kultura lang ‘yan sa
Corinto.”
✅ Sabi ng Kasulatan: Ito ay utos na
ipinasa ng mga apostol, kaya’t para sa lahat ng iglesia.
3.2 Talata 3 — Ang Prinsipyo ng Pagkapang-ulo
o headship (hindi panandalian)
“Datapuwa't ibig ko na inyong maalaman, na
ang pangulo ng bawa't lalake ay si Cristo, at ang pangulo ng babae ay ang
lalake, at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios.”
·
Ang pagkakasunod ng kapamahalaan: Diyos → Cristo → Lalaki → Babae.
·
Ito’y hindi gawa-gawa ng tao, kundi salamin ng
ugnayan ng Ama at ng Anak. Kaya’t panghabang panahon, hindi panandaliang
kultura.
❌ Maling
Paniwala: “Pantay-pantay na tayo sa kay Cristo, kaya wala nang tanda.”
✅ Sabi ng Kasulatan: Ang
pagkakapantay sa halaga ng lalake at babae sa Dios ay hindi nag-aalis ng
pagkakaiba ng tungkulin.
Cross-ref: “Sapagka’t
ang lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng
iglesia.” (Efeso 5:23)
3.3 Mga Talata 4–5 — Kahihiyan sa Pagsamba
(Mahalaga ang Palatandaan)
“Ang bawa't lalaking nanalangin, o nanghuhula
na may takip ang ulo, ay niwawalan ng puri ang kaniyang ulo. Datapuwa't ang
bawa't babaing nananalangin o nanghuhula na walang lambong ang kaniyang ulo,
niwawalan ng puri ang kaniyang ulo; sapagka't gaya rin ng kung kaniyang
inahitan.”
·
Hindi ito tungkol sa buhok, kundi sa belo.
·
Kung lalaki ang nakabelo → hinihiya
si Cristo.
·
Kung babae ang walang belo → hinihiya ang kaniyang
ulo, at gayon din si Cristo.
·
Ang babae na walang lambong (belo) ang kanyang
ulo ay kapareho ng inahitan (ang ulo). Ipinapakita ang bigat ng paghahambing na
ito o kung gaano kaseryoso ang pinag-uusapan: kahihiyan sa harap ng Diyos at tao.
❌ Maling Paniniwala: “Sa puso lang
tumitingin ang Diyos.”
✅ Sabi ng Kasulatan: Ang nakikitang
tanda ng pagsunod ay nagbibigay o nag-aalis ng karangalan sa Ulo.
3.4 Talata 6 — Ang Matinding Pagtutol
“Sapagka't kung ang babae ay walang lambong,
ay pagupit naman; nguni't kung kahiyahiya sa babae ang pagupit o paahit, ay
maglambong siya.”
·
Ang lohika ay malinaw: Kung ayaw niyang magbelo,
mas mabuti pang ahitin na rin siya.
·
Ngunit dahil kahiya-hiya ang ganito, malinaw na
ang solusyon: magbelo.
·
Hindi pinahihintulutan ni Pablo ang pagiging
neutral o pumapagitna na posisyon — malinaw ang utos — huwag gumawa ng
kahihiyan sa pagsamba, magsuot ng belo ang kababaihan sa pananalangin..
3.5 Mga Talata 7–9 — Ang Kaayusan sa
Paglalang
“Sapagka't katotohanang ang lalake ay hindi
dapat maglambong sa kaniyang ulo, palibhasa'y larawan siya at kaluwalhatian ng
Dios: nguni't ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalake. Sapagka't ang lalake
ay hindi sa babae; kundi ang babae ay sa lalake: Sapagka't hindi nilalang ang
lalake dahil sa babae; kundi ang babae dahil sa lalake;”
·
Ang salitang “dapat” (opheilei) = utos, hindi mungkahi.
·
Ibinabatay
ni Pablo ang utos sa Genesis, hindi sa
kaugalian o kultura ng mga taga Corinto.
·
Ang lalaki ay larawan ng Diyos, kaya’t hindi nagtatakip.
·
Ang babae ay kaluwalhatian ng lalaki, kaya’t dapat
magtakip (o magsuot ng lambong).
❌ Maling Paniwala: “Prinsipyo lang ang
mahalaga; pwedeng iba ang paraan.”
✅ Sabi ng Kasulatan: Ang belo mismo ang
itinalagang paraan upang ipakita ang prinsipyo ng itinalagang kaayusan ng Dios.
3.6 Talata 10 — Ang Mga Anghel na Saksi
“Dahil dito'y nararapat na ang babae ay
magkaroon sa kaniyang ulo ng tanda ng kapamahalaan, dahil sa mga anghel.”
·
Ang salitang “kapamahalaan” (exousia)
= tanda ng awtoridad, hindi kahinaan.
·
Ang mga anghel ay saksi sa ating pagsamba (cf.
Heb. 1:14; 1 Corinto 4:9).
·
Ang pinagtitibay nito — ang ating pagtitipon o
pagsamba ay makalangit dahil sinasaksihan ng mga anghel — nagpapabulaan sa
kultural na rason sapagkat hindi sakop ng kultura ang mga anghel.
·
Pinatutunayan ng kanilang presensya sa iglesia
na ang utos ay unibersal o pangkalahatan.
·
Kung kaya’t, ang paglalagay ng belo ay hindi
pangkultura, kundi patotoo ng pagtupad sa kaayusang itinakda ng Dios maging sa
langit.
3.7 Mga Talata 11–12 — Pagkakaiba at
Pagkakaugnay
“Gayon man, ang babae ay di maaaring walang
lalake at ang lalake ay di maaaring walang babae, sa Panginoon. Sapagka't kung
paanong ang babae ay sa lalake, gayon din naman ang lalake ay sa pamamagitan ng
babae; datapuwa't ang lahat ng mga bagay ay sa Dios.”
·
Ang turo ni Pablo ay maliwanag: kanyang
itinuturo na may pagkakaiba sa tungkulin ang lalake at babae, ngunit hindi ito
nagpapababa sa halaga ng isa sa isa; kaya ang pagkapang-ulo ay kaayusan sa
ilalim ng Diyos.
·
“…ang
lahat ng mga bagay ay sa Dios” — Magkaugnay ang babae at lalaki, pantay ang
halaga ngunit magkaiba ang tungkulin at ito’y patuloy na mananatili
magpakailanman.
Cross-ref:
Galacia 3:28 — “…walang magiging lalake o
babae man; sapagka't kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus.”
3.8 Talata 13 — “Suriin ninyo” (Hindi
Piling Opsyon)
“Hatulan ninyo sa inyo-inyong sarili:
nararapat baga na manalangin ang babae sa Dios nang walang lambong?”
·
Ang “hatulan
ninyo” ay hindi pahintulot para
pumili ayon sa kultura. Ito’y pahayag na retorikal — katulad ng sa 1 Cor.
10:15: “Hukuman ninyo ang aking sinasabi.”
·
At ang sagot dito ay malinaw: Hindi nararapat.
❌ Maling Paniwala: “Pinapili lang ni
Pablo ang kultura ng Corinto.”
✅ Sabi ng Kasulatan: Ang utos ay
nakabatay sa kaayusan ng Diyos, hindi sa kultura.
3.9 Mga Talata 14–15 — “Itinuturo ng
Kalikasan” (phusis = likas na kaayusan)
“Hindi baga ang katalagahan din ang
nagtuturo sa inyo, na kung may mahabang buhok ang lalake, ay mahalay sa kaniya?
Datapuwa't kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya;
sapagka't ang buhok sa kaniya'y ibinigay na pangtakip.”
·
Ang “katalagahan”
(phusis)
sa Biblia ay nangangahulugang likas na kaayusan na mula sa Diyos, hindi
basta gawi ng tao (cf. Rom. 1:26–27).
·
Mahalaga ang pagkakaiba ng mga salita:
o “Katakalyptō”
= tabingan o belo (vv. 5–7, 13).
o “Peribolaion”
= balabal o pambalot, ginagamit sa buhok (v. 15).
·
Kaya’t malinaw: ang buhok ay likas na kaluwalhatian,
pero hindi ito kapalit ng belo.
❌ Maling Paniwala:
“Buhok lang ang tinutukoy.”
✅
Sabi
ng Kasulatan: Magkaiba ang salitang ginamit: buhok = likas na
kaluwalhatian; belo = tanda ng awtoridad sa pagsamba.
3.10 Talata 16 — “Wala kaming ganitong
kaugalian”
“Datapuwa't kung tila mapagtunggali ang
sinoman, walang gayong ugali kami, ni ang iglesia man ng Dios.”
·
Ang tinutukoy na “ugali” dito ay hindi ang
belo, kundi ang “mapagtunggali.”
·
Ang punto ni Pablo: wala ni isang iglesia ng
Diyos ang nagtuturo ng pagtutol sa utos na ito.
·
Ang pahayag ay hindi nag-aalis ng utos; kundi
nag-aalis ito ng mapagtunggali o yaong tumatanggi sa utos.
·
Kaya’t ito ay hindi lokal, kundi pangkalahatang
gawain ng lahat ng iglesia.
Cross-ref:
1 Corinto 4:17 — itinuturo ni Pablo “sa lahat ng iglesia.”.
3.11 Buod ng Pagsusuri
·
Utos ng apostol, hindi opsyon (v.2).
·
Prinsipyo ng pagkapang-ulo, panghabang panahon
(v.3).
·
Ang panlabas na tanda ay nagbibigay o nag-aalis
ng karangalan (vv.4–6).
·
Ang utos ay nakaugat sa paglalang (vv.7–9).
·
Ang mga anghel ay saksi, kaya’t ito’y
pangkalahatan (v.10).
·
May pagkakapantay ngunit may kaayusan
(vv.11–12).
·
Ang kalikasan mismo’y nagpapatunay (vv.14–15).
·
Pangkalahatang gawi ng lahat ng iglesia (v.16).
Bawat
panimulang dahilan na ginamit sa konteksto ng paksang ito ay maliwanag na
kontra o laban sa pagtingin na ito’y “kultura lamang.” Sa halip, ipinapakita ng
bawat antas ng katuwirang inilahad ni Pablo hingil sa utos ay tumuturo sa isang
walang-hanggang katotohanan.
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#ChristianWomen #VeilInPrayer #HeadCovering #1Corinthians11 #BibleDoctrine #ChurchPractice #CreationOrder #ObedienceToGod #CristianongBabae #BeloSaPanalangin