Lesson 3: Entrance to the Church
Key Passages: Acts 2:47; 1 Corinthians 12:13
Acts 2:47 — “Praising God, and having favour with all the people. And the Lord added
to the church daily such as should be saved.”
1 Corinthians 12:13 — “For
by one Spirit are we all baptized into one body, whether we be Jews or
Gentiles, whether we be bond or free; and have been all made to drink into one
Spirit.”
Introduction
In a world where church membership often means joining a group by
signing a form or attending a service, the biblical truth about how one enters
the church is often misunderstood—or ignored altogether. The New Testament
teaches that no man joins the church—rather, the Lord adds the
saved to it. This lesson explores the divine sequence of salvation and how it
results in entrance into the one body, the church of Christ.
Historical Context
The events of Acts 2 took place on the day of Pentecost, shortly after
Jesus’ ascension (Acts 1:9). Jews from “every
nation under heaven” (Acts 2:5) were gathered in Jerusalem. After the
outpouring of the Holy Spirit, Peter preached the first full Gospel sermon,
convicting the people of having crucified the Son of God.
In response to the heart-piercing sermon, the people asked, “Men and brethren, what shall we do?”
(Acts 2:37). Peter gave Heaven’s answer: Repent
and be baptized (Acts 2:38). About three thousand obeyed that day (Acts
2:41)—and the Lord added them to
the church (Acts 2:47). There was no denomination to join. No membership
vote. Only God's response to obedience.
Biblical Context
The Scriptures consistently reveal the process of salvation and how it
places one into Christ and His church:
The Plan of Salvation (Heaven’s Sequence):
- Hearing the Word
— Romans 10:17
- Believing in
Christ — John 8:24
- Repentance of
sins — Acts 2:38
- Confession of
Christ — Romans 10:9–10
- Baptism for the
remission of sins — Acts 2:38; Mark 16:16
- Faithful living
— Revelation 2:10
This plan is not human tradition—it is the New Testament pattern,
and it culminates in being added by the Lord to His church.
Salvation and the Body (the Church):
- Ephesians 1:22–23
— The church is the body.
- Colossians 1:18
— Christ is the head of the body, the church.
- 1 Corinthians
12:13 — All are baptized into one body.
- Ephesians 5:23
— “even as Christ is the head of the
church: and he is the saviour of the body.”
Thus, to be saved is to be in Christ, and to be in Christ is
to be in His body, which is the church.
Greek Exegesis: "added"
(Acts 2:47)
Greek: ฯฯฮฟฯฮตฯฮฏฮธฮตฮน (prosetithei) — imperfect active indicative
of ฯฯฮฟฯฯฮฏฮธฮทฮผฮน
- Means: to add, to
place alongside, to join to something already existing.
- Imperfect tense
implies continuous action — “was adding daily…”
Commentary:
It is God who adds, not man who joins. And He adds only those who are
saved through obedience to the Gospel. The church is not a social club, it is
the spiritual body of the redeemed.
Full Scripture Cross-Referencing
- Galatians 3:27
— “For as many of you as have been
baptized into Christ have put on Christ.”
- Romans 6:3–4
— Baptism is the point of burial into Christ's death.
- Titus 3:5 — “According to his mercy he saved us, by
the washing of regeneration…”
- Colossians 2:12 — “Buried with him in baptism, wherein also ye are risen with him
through the faith of the operation of God,…”
Doctrinal Note:
Baptism is the moment of entrance—not symbolic, but
transformative. It is at baptism that one enters into Christ, receives
remission of sins, and is added to the church.
Doctrinal Significance & Application
- One cannot be saved
and yet be outside the church—because the church is the body of the
saved.
- Biblical baptism is immersion,
for remission of sins, preceded by faith and repentance—not an
outward symbol, nor infant sprinkling.
- Those who claim
salvation apart from baptism or outside the church reject Heaven’s own
sequence.
Application Today:
Let us reject the man-made shortcuts of the “sinner’s prayer,” altar
calls, or faith-only doctrines. Let us preach the same Gospel the apostles
preached—and accept only the entrance the Lord Himself grants.
Refutation of False Doctrines
✘False View #1: Just believe in Jesus and you’re saved; no
need for baptism.
๐
Refuted by: Mark 16:16; Acts 2:38; Acts 22:16
☛ Truth: Belief alone is not enough.
Baptism is where sins are washed away and one enters Christ.
✘False View #2: Join the church of your choice after
salvation.
๐
Refuted by: Acts 2:47; 1 Cor. 12:13
☛ Truth: The saved are not free to
choose a denomination—the Lord adds the obedient to His church.
✘False View #3: Baptism is just a symbol; it doesn’t actually
save.
๐
Refuted by: 1 Peter 3:21; Romans 6:3–4
☛ Truth: Baptism now saves us,
not by water only, but by obedience through faith.
✍ Conclusion and Exhortation
Entrance into the church is not left to human decision, denominational
acceptance, or symbolic gestures. It is God’s act of placing the
obedient into the body of Christ. To preach otherwise is to nullify the Gospel.
✞Exhortation:
If you have not obeyed the Gospel as the Bible teaches—believing, repenting,
confessing Christ, and being baptized for the remission of sins—then you have
not yet been added by the Lord to His church. Delay no longer. Obey while it is
still called “today.”
“And the Lord
added to the church daily such as should be saved.”
— Acts 2:47 (KJV)
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#BiblicalBaptism #EntranceToTheChurch #AddedByTheLord #Acts2Salvation #OneBodyInChrist #PagpasokSaIglesia #BautismoParaSaKaligtasan #TunayNaKaligtasan #PlanoNgDios #IglesiaNiCristo #Baptism #BibleStudy #Acts247
Aralin 3: Pagpasok sa Iglesia
Pangunahing mga Talata: Gawa 2:47; 1 Corinto 12:13
Gawa 2:47 — “Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan.
At idinaragdag ng Panginoon sa iglesia araw-araw yaong nangaliligtas.”
1 Corinto 12:13 — “Sapagka't
sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang katawan, maging
Judio o maging Griego, maging mga alipin o laya; at tayong lahat ay pinainom sa
isang Espiritu.”
Panimula
Sa panahong ito, ang pagiging kaanib ng isang iglesia ay madalas
nangangahulugan lamang ng pagdalo sa isang pagtitipon o pagpirma sa isang talaan.
Ngunit iba ang isinasaad ng Bagong Tipan. Itinuturo ng Biblia na hindi ang
tao ang nagdadagdag sa iglesia—kundi
ang Panginoon ang nagdadagdag
ng mga ligtas sa Kanyang iglesia. Sa araling ito, tatalakayin natin ang mga
banal na hakbang na ginawa at kung paano ito humahantong sa pagpasok o
pagkadaragdag sa katawan ni Cristo—ang iglesia.
Konteksto Ayon sa Kasaysayan NIto
Ang mga kaganapan sa Gawa 2 ay naganap sa Araw ng Pentecostes, matapos pumaroon
muli ni Jesus sa langit (Gawa 1:9). Ang mga Judio mula sa “bawat bansa sa silong ng langit” (Gawa 2:5) ay nasa Jerusalem.
Pagkatapos ng pagkabuhos ng Espiritu Santo, si Pedro ay nangaral ng unang pagkakataon
ng buong ebanghelyo, at pinatunayang ipinako nila sa krus ang Anak ng Dios.
Nang marinig nga nila ito at nasaktan, tinanong nila ang mga apostol, “Mga kapatid, anong gagawin namin?” (Gawa
2:37). Ang sagot ni Pedro: “Magsisi
kayo, at mangagbautismo…” (Gawa 2:38). Mahigit tatlong libo ang tumugon
at tumalima (Gawa 2:41)—at ang
Panginoon ang nagdagdag sa kanila sa iglesia (Gawa 2:47). Walang pagbubuo
ng denominasyon. Walang botohang ginanap sa mga tao. Tanging tugon ng Dios sa
matalimahing mananampalataya.
Kontekstong Biblikal
Sa Kasulatan, may
palagiang (consistency) makadiyos na proseso ng kaligtasan na naglalagay sa tao
kay Cristo at sa Kanyang iglesia:
Plano ng Kaligtasan (Kaayusan ng Langit):
- Pakikinig ng
Salita — Roma 10:17
- Paniniwala kay
Cristo — Juan 8:24
- Pagsisisi ng
kasalanan — Gawa 2:38
- Pagpapahayag kay
Cristo — Roma 10:9–10; Gawa 8:37
- Bautismo sa
ikapagpapatawad ng mga kasalanan — Gawa 2:38; Marcos 16:16
- Matapat na
pamumuhay — Apocalipsis 2:10
Ito’y hindi gawa-gawa ng tao—ito ang inihayag ng Bagong Tipan,
at humahantong sa pagdaragdag ng Panginoon sa Kanyang
iglesia.
Ang Kaligtasan at Ang Katawan (ang Iglesia):
- Efeso 1:22–23
— Ang iglesia ay ang katawan.
- Colosas 1:18
— Si Cristo ang ulo ng katawan, ang iglesia.
- 1 Corinto 12:13
— Tayong lahat ay binabautismuhan sa isang katawan (cf.: Gawa 2:47)
- Efeso 5:23 — si
"Cristo na pangulo ng iglesia,
na siya rin ang tagapagligtas ng katawan."
Kaya’t ang maligtas ay
nangangahulugang nasa kay Cristo, at ang mapasa-kay Cristo ay nasa
Kanyang katawan, ang iglesia, na Siya rin naman ang tagapagligtas nito.
Pag-aaral ng salitang Griyego na ginamit: "idinaragdag" (Gawa 2:47)
Griyego: ฯฯฮฟฯฮตฯฮฏฮธฮตฮน (prosetithei) — anyong imperfect active
indicative ng ฯฯฮฟฯฯฮฏฮธฮทฮผฮน
- Kahulugan: idagdag,
isama, ipaloob sa isang umiiral na bagay.
- Imperfect tense ay
nagpapakita ng patuloy na kilos — “idinadagdag araw-araw…”
Tandaan:
Ang Dios ang nagdadagdag, hindi ang tao ang makakagawa nito. At
ang idinaragdag lamang ay yaong naliligtas sa pagsunod sa Ebanghelyo.
Ang iglesia ay hindi samahang panlipunan kundi espirituwal na katawan ng mga
tinubos.
Buong Pagpapatibay mula sa Kasulatan
- Galacia 3:27
— “Sapagka't ang lahat na sa inyo ay
binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.”
- Roma 6:3–4 — Sinabi
ni Pablo, “tayong lahat na mga
nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan,”
samakatuwid, “na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay
sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y
makalalakad sa panibagong buhay.”
- Tito 3:5 — “Ayon sa kaniyang kaawaan ay iniligtas
niya tayo, sa pamamagitan ng paghuhugas ng muling kapanganakan…”
- Colossas 2:12 — “Na
nangalibing na kalakip niya sa bautismo, na kayo nama'y muling binuhay na
kalakip niya, sa pamamagitan ng pananampalataya sa pagawa ng Dios,…”
Doktrina na Dapat Unawain:
Ang bautismo ang sandali kung saan nangyayari ang pagkaragdag sa
iglesia (1Corinto 12:13)—hindi simbolo kundi makapangyarihang pagbabago
“sa pagawa ng Dios” (Roma 6:3-8;
Colosas 2:11-13). Sa bautismo, ang isang tao ay napapasa-kay Cristo (Gal.
3:27), pinatatawad (Gawa 2:38), at idinaragdag sa iglesia (Gawa 2:47).
Mahalagang Aral at Aplikasyon na Dapat Tandaan
- Ang isang tao ay hindi
maaaring maligtas at manatili sa labas ng iglesia—sapagka’t ang
iglesia ay ang katawan ng mga ligtas.
- Ang biblikal na
bautismo ay lubos na paglulubog sa tubig, para sa kapatawaran ng
kasalanan, matapos ang pagpapahayag ng pananampalataya at pagsisisi—hindi panlabas na simboliko, at
hindi para sa mga sanggol.
- Ang sinumang
nagtuturo ng kaligtasan na walang bautismo o labas sa iglesia ay sumasalungat
sa ipinapahayag ng Bagong Tipan.
Talikuran natin ang gawa-gawang “sinner’s prayer,” altar calls, at
faith-only doctrines. Ituro natin ang parehong Ebanghelyo na ipinangaral ng mga
apostol noong unang siglo—oo, ayon din sa gayong anyo na nababasa natin sa
Bagong Tipan—at tanggapin lamang ang paraan ng pagpasok o pagkadaragdag na ang
Panginoon lamang ang makakagawa.
Pagpapabulaan sa mga Maling Aral
✘Maling Aral #1: Manampalataya lamang kay Jesus at ikaw ay
maliligtas—hindi na kailangan ng bautismo.
๐
Pinabubulaanan ng: Marcos 16:16; Gawa 2:38; Gawa 22:16
☛ Katotohanan:
Hindi sapat ang paniniwala lamang. Sa bautismo ay hinuhugasan ang mga
kasalanan at mapapasa-kay Cristo ang tunay na mananampalataya.
✘Maling Aral #2: Umanib ka sa iglesiang gusto mo pagkatapos
ng kaligtasan.
๐
Pinabubulaanan ng: Gawa 2:47; 1 Cor. 12:13
☛ Katotohanan:
Hindi tayo pinahihintulutang pumili ng denominasyon—kung tama o ayon sa
Kasulatan ang iyong pagtalima ang Panginoon ang magdaragdag sa iyo sa
Kanyang iglesia.
✘Maling Aral #3: Ang bautismo ay simbolo lamang; hindi ito
talaga nakapagliligtas.
๐
Pinabulaanan ng: 1 Pedro 3:21; Roma 6:3–4; Galacia 3:27
☛ Katotohanan:
Ang tunay na mananampalataya ay may pagtalima at nagpapabautismo sa pangalan ni
Jesucristo, sapagkat “sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa
isang katawan.” Oo, patungo sa “katawan” ni Cristo, ang iglesia, “na siya rin
ang tagapagligtas ng katawan” (Efeso 5:23).
✍ Konklusyon at Panawagan
Ang pagpasok sa iglesia ay nakasalalay sa desisyon ng Panginoon, hindi
resulta ng denominasyonal na pagtanggap, ni simbolikong gawain lamang. Ito’y gawang
banal ng Dios—ang pagdaragdag sa masunuring kaluluwa sa katawan ni Cristo.
Ang anumang ibang pagtuturo ay tahasang lumalabag sa Ebanghelyo.
Kung hindi mo pa nasusunod ang Ebanghelyo gaya ng itinuro sa Bagong
Tipan—pananampalataya, pagsisisi, pagpapahayag, at bautismo sa ikapagpapatawad
ng kasalanan—hindi ka pa naidaragdag ng Panginoon sa Kanyang iglesia. Huwag ka nang
mag-antala. Tumalima ka na habang may pagkakataon.
“At
idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas.”
— Gawa 2:47
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#BiblicalBaptism #EntranceToTheChurch #AddedByTheLord #Acts2Salvation #OneBodyInChrist #PagpasokSaIglesia #BautismoParaSaKaligtasan #TunayNaKaligtasan #PlanoNgDios #IglesiaNiCristo #Baptism #BibleStudy #Acts247