Lesson 2: How God Executed His Eternal Plan Through His Son In Building The Church
Key Passages: Galatians 4:4; Ephesians 3:11
Galatians 4:4 — “But when the fulness of the time was come, God
sent forth his Son, made of a woman, made under the law,”
Ephesians 3:11 — “According to the eternal purpose which he
purposed in Christ Jesus our Lord.”
Introduction
If Lesson 1 established that the church was part of God’s eternal purpose before time began, then this lesson reveals how that divine plan was carried out in time—through His Son, Jesus Christ. The church did not arise from human efforts or institutional religion. It was brought into existence by the life, teachings, death, resurrection, and exaltation of Christ. Every prophecy, type, and shadow throughout the Old Testament pointed toward this glorious fulfillment. God did not act randomly or reactively; He worked with precision, bringing prophecy to pass “in the fulness of time.”
Historical Context
At the time of Paul’s writing to the Galatians (circa A.D. 49–50), many
Jewish Christians were struggling with the temptation to return to the Law of
Moses. Paul reminds them that Christ came when God’s appointed time had
arrived—not before, not after—and that the Law served its temporary role
until the Messiah came (Gal. 3:24–25).
The Roman Empire had unified much of the world under one government and language (Greek). Jewish synagogues existed across the empire, and messianic expectation was high (John 1:41; Luke 2:25–26). All was ready—and then God sent forth His Son.
Biblical Context
The Fulfillment of Prophecy:
- Genesis 3:15
— First prophecy of a Savior who would crush the serpent’s head.
- Isaiah 9:6–7
— “Unto us a child is born… and the government shall be upon his
shoulder…”
- Daniel 2:44 —
In the days of the Roman kings, “the God of heaven [shall] set up a
kingdom, which shall never be destroyed.”
- Luke 24:44 —
Jesus said, “All things must be fulfilled… which were written in the law
of Moses, and in the prophets, and in the psalms, concerning me.”
Christ Executed the Plan:
- John 17:4 —
“I have finished the work which thou gavest me to do.”
- Hebrews 10:9–10
— “He taketh away the first, that he may establish the second… we are
sanctified through the offering of the body of Jesus Christ once for all.”
- Matthew 16:18
— “Upon this rock I will build my church…”
Jesus’ mission was not only to redeem individuals but to build His church, the collective body of the redeemed.
Greek Exegesis: "Fulness of Time" (Gal. 4:4)
Greek: τὸ πλήρωμα τοῦ χρόνου (to plērōma tou chronou)
- πλήρωμα (plērōma)
– fullness, completeness, maturity.
- χρόνος (chronos)
– chronological time, the flow of time.
Commentary:
This phrase emphasizes that God’s timing was exact and intentional. History had
reached its divinely appointed moment for the Messiah to appear. Every piece
was in place for Christ to execute the Father’s eternal purpose and lay the
foundation of the church.
Full Scripture Cross-Referencing
- Isaiah 28:16
— “Behold, I lay in Zion for a foundation a stone… a sure foundation.”
- Acts 2:23 —
“Him, being delivered by the determinate counsel and foreknowledge of
God…”
- Hebrews 3:1–6
— Christ as a Son over His own house (the church).
Doctrinal Note:
God did not improvise. The execution of His plan through Christ was preordained,
fulfilling prophecy and sealing the covenant through His blood (Heb. 9:15–17).
The church is the result of that executed plan.
Doctrinal Significance & Application
- Jesus Christ is the central
agent of God’s plan—the Builder and Saviour of the Church (Heb.
3:3; Eph. 5:23).
- The Law was a
schoolmaster leading to Christ; it has now served its purpose (Gal.
3:24–25; John 1:17).
- Every faithful
Christian is now part of a divine structure that could only exist
after Christ accomplished His redemptive work.
Application Today:
We must not cling to Old Covenant shadows when the New Covenant reality has
come. Nor should we think of the church as optional or incidental. If Christ
died to bring it into existence, then we must live to serve, preserve, and
promote it.
Refutation of False Doctrines
False View #1: Jesus came to set up an earthly
kingdom but failed due to Israel’s rejection.
Refuted by: Daniel 2:44; John 18:36;
Ephesians 1:20–23
Truth: Jesus’ kingdom (the church, Matthew 16:18) is spiritual,
not political. It was established successfully through His death and
resurrection.
False View #2: The church is not essential to
salvation.
Refuted by: Acts 20:28; Ephesians 5:25
Truth: The church is blood-bought. “Even as Christ also
loved the church, and gave himself
for it.” One cannot be saved apart from it. Christ is “the saviour of
the body.”
False View #3: The church was a backup plan
after the Jews rejected the kingdom.
Refuted by: Ephesians 3:11; Acts 2:23; Isaiah
46:10
Truth: The church was never a plan B. It was the goal from the beginning—executed at the perfect time.
Conclusion and Exhortation
The same God who purposed the church from eternity past has fulfilled
that purpose through His Son. Jesus did not merely preach moral values; He executed
a divine blueprint with surgical precision. From prophecy to promise, from
Bethlehem to Calvary, every step fulfilled the eternal plan.
Exhortation:
Let us stand in awe of God's wisdom. Let us honor the work of Christ not only
in our individual salvation but in the glorious establishment of His church.
Let us never treat the church as optional or secondary. To do so is to diminish
what Christ died to build.
“Unto him be glory in the church by Christ Jesus throughout all ages,
world without end. Amen.”
— Ephesians 3:21 (KJV)
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#JesusBuiltTheChurch #GodsEternalPlan #ChurchOfChrist #BiblicalProphecyFulfilled #NewTestamentTruth #IglesiaNiCristo #PlanoNgDios #PagtupadNgHula #KaharianNiCristo #IglesiaSaBagongTipan
Aralin 2: Paano Isinagawa ng Diyos ang Kanyang Walang Hanggang Plano sa Pamamagitan ng Kanyang Anak sa Pagtatayo ng Iglesia
Pangunahing mga Talata: Galacia 4:4; Efeso 3:11
Galacia 4:4 — “Nguni't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo
ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa
ilalim ng kautusan,”
Efeso 3:11 — “Ayon sa panukalang walang hanggan na ipinanukala kay Cristo Jesus na Panginoon natin:”
Panimula
Kung sa Aralin 1 ay ipinakita na ang iglesia ay bahagi ng walang hanggang panukala ng Dios bago pa man ang pag-iral ng panahon, ang araling ito naman ay magpapaliwanag kung paano isinakatuparan ng Dios ang banal Niyang layunin sa kasaysayan—sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Jesucristo. Ang iglesia ay hindi produkto ng makataong institusyon, kundi resulta ng buhay, pagtuturo, kamatayan, pagkabuhay na maguli, at pagkakaluklok ni Cristo sa kanan ng Dios. Ang bawat hula, anino, at larawan sa Lumang Tipan ay nakatuon sa katuparang ito. Ang Dios ay kumilos nang may ganap na lapat na kaayusan sa tamang kapanahunan ayon sa itinakda ng propesiya.
Pangkasaysayang Konteksto
Sa panahon ng sumulat si Pablo sa mga taga-Galacia (bandang A.D.
49–50), maraming Kristiyanong Judio ang nahihirapan sa tuksong bumalik sa
Kautusan ni Moises. Ipinapaalala sa kanila ni Pablo na dumating si Cristo nang sumapit
ang itinakdang kapanahunan ng Diyos—hindi maaga, hindi rin huli—at ang
Kautusan ay pansamantalang tagapagturo lamang hanggang sa dumating ang Mesiyas (Gal. 3:24–25).
Pinag-isa ng Imperyong Romano ang malaking bahagi ng mundo sa ilalim ng isang pamahalaan at wika (Griyego). May mga sinagoga ng mga Hudyo sa buong imperyo, at mataas ang pag-asa sa pagdating ng Mesiyas (Juan 1:41; Lucas 2:25–26). Nang lubos nang hinog ang panahon—isinugo ng Dios ang Kanyang Anak.
Kontekstong Biblikal
Katuparan ng mga Hula:
- Genesis 3:15
— Unang hula tungkol sa Manunubos na dudurog sa ulo ng ahas.
- Isaias 9:6–7
— “Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay
ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang
balikat:…”
- Daniel 2:44 —
Sa mga araw ng mga haring Romano, “ang Dios sa langit ng isang kaharian,
na hindi magigiba kailan man,”
- Lucas 24:44 —
“na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol
sa akin sa kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa mga awit.”
Isinakatuparan ni Cristo ang Plano:
- Juan 17:4 — “Niluwalhati
kita sa lupa, pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin.”
- Hebreo 10:9–10
— “Inaalis niya ang una, upang maitatag ang ikalawa… tayo'y
pinapaging-banal sa pamamagitan ng pag-aalay ng katawan ni Jesucristo
minsan magpakailan man.”
- Mateo 16:18 —
“Sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia…”
Ang layunin ni Jesus ay hindi lamang ang katubusan ng lahat kundi itatag ang Kanyang iglesia, na Kanyang katawan, kung saan Niya inilalagay ang mga tinubos.
Pag-aaral ng Griyego: "Kapanahunan" (Galacia 4:4)
Griyego: τὸ πλήρωμα τοῦ χρόνου (to plērōma tou chronou)
- πλήρωμα (plērōma)
– kapunuan, kaganapan, ganap na panahon.
- χρόνος (chronos)
– panahong umaagos, kronolohikal na oras.
Dapat Tandaan:
Ang katagang ito ay nagpapakita na ang panahon ay ganap nang dumating ayon sa itinakdang plano ng Dios. Ang kasaysayan ay umabot sa tumpak nitong sandali upang ang Mesiyas ay maisugo at ang iglesia ay maitatag sa katuparan ng walang hanggang panukala ng Dios.
Buong Pagpapatibay mula sa Kasulatan
- Isaias 28:16
— “Narito, inilalagay ko sa Sion ang isang batong panulukan… isang matibay
na patibayan.”
- Gawa 2:23 —
“Siya, na sa pasiya at paunang kaalaman ng Dios, ay ibinigay…”
- Hebreo 3:1–6
— Si Cristo bilang Anak sa ibabaw ng Kanyang sariling bahay (ang iglesia).
Aral na Dapat Unawain at Tandaan:
Ang Dios ay hindi nag-improvise. Ang Kanyang plano ay isinagawa sa pamamagitan ni Cristo sa katuparan ng mga hula, at pinagtibay ng Kanyang dugo (Heb. 9:15–17). Ang iglesia ay bunga ng walang hanggang planong isinagawa ni Cristo.
Kahalagahan ng Aral at Aplikasyon Nito
- Si Jesucristo ang sentro at tanging tagapagpatupad
ng layunin ng Dios—hindi lamang bilang Tagapagligtas ng “katawan” kundi Siyang
Tagapagtatag lamang ng iisang Iglesia (Heb. 3:3).
- Ang Kautusan ay tagapagturo
lamang hanggang sa pagdating ni Cristo; natapos na ito sa kanyang
layunin (Gal. 3:24–25; Juan 1:17).
- Ang bawat tapat na
Kristiyano ay bahagi na ngayon ng isang banal na estruktura na nag-umpisang umiral lamang matapos makumpleto ni
Cristo ang ginawang katubusan sa pamamagitan ng Kaniyang dugo.
Aplikasyon sa Kasalukuyan:
Hindi tayo dapat humawak pa sa mga anino ng Lumang Tipan yamang dumating na ang
katotohanan ng Bagong Tipan. At hindi rin natin dapat ituring ang iglesia
bilang pansamantala o opsyonal lamang. Kung si Cristo ay namatay upang maitatag
ang Kaniyang iglesia, tayo naman ay dapat mabuhay upang maglingkod at
itaguyod ito.
Pagpapabulaan sa mga Maling Aral
✘ Maling Aral #1: Dumating si Jesus upang magtatag ng pisikal na
kaharian ng Dios ngunit siya’y nabigo dahil sa pagtanggi ng Israel.
📖
Pinabulaanan ng: Daniel 2:44; Mateo 16:18; Juan 18:36; Efeso 1:20–23
☛ Katotohanan: Ang kaharian ni Jesus (ang iglesia) ay espirituwal.
Ito’y matagumpay na naitatag sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan at pagkabuhay
na maguli.
✘
Maling Aral #2: Hindi mahalaga ang iglesia sa kaligtasan.
📖
Pinabulaanan ng: Gawa 20:28; Efeso 5:25
☛ Katotohanan: Ang iglesia ay binili ng dugo. “gaya
naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa
kaniya.” Hindi maaaring maligtas ang isang tao kung wala siya sa iglesia,
samakatuwid-baga-y hindi siya idinagdag ni Cristo sa Kanyang iglesia (Gawa
2:47).
✘Maling
Aral #3: Ang iglesia ay planong pamalit lamang dahil sa pagtanggi ng mga Judio.
📖
Pinabulaanan ng: Efeso 3:11; Gawa 2:23; Isaias 46:10
☛ Katotohanan: Ang iglesia ay hindi plan B—ito ay plinano na ng Dios bago pa ang simula, na naisakatuparan sa takdang panahon.
Konklusyon
Ang Dios na nagpasiya na magtatayo iglesia mula pa sa walang hanggan — isinakatuparan
ang Kanyang plano sa pamamagitan ng Kanyang Anak. Si Jesus ay hindi lamang
nagturo ng mabubuting aral; Siya’y nagsagawa ng banal na plano ng may
ganap na kapamahalaan. Mula sa mga hula hanggang sa mga katuparan nito, mula sa
Betlehem hanggang sa Kalbaryo, bawat hakbang ay pagtupad sa walang hanggang panukala
ng Dios.
Panawagan:
Ating ipagbunyi ang kapuspusan ng karunungan ng Dios sa iglesia. Parangalan
natin ang ginawa ni Cristo—hindi lamang para sa ating kaligtasan, kundi pati sa
marilag na pagkatatag ng Kaniyang iglesia. Huwag nating ituring ang iglesia
bilang isang opsyon o bagay na pangalawa lang. Kung ito’y ipinundar sa dugo ni
Cristo, ito’y dapat nating pahalagahan ng lubos.
“Ay sumakaniya nawa ang kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa buong panahon magpakailan man. Siya
nawa.” — Efeso 3:21
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#JesusBuiltTheChurch #GodsEternalPlan #ChurchOfChrist #BiblicalProphecyFulfilled #NewTestamentTruth #IglesiaNiCristo #PlanoNgDios #PagtupadNgHula #KaharianNiCristo #IglesiaSaBagongTipan
