Lesson 4: The Organization of the Church
Key Passage: Philippians 1:1
“Paul and Timotheus, the servants
of Jesus Christ, to all the saints in Christ Jesus which are at Philippi, with
the bishops and deacons:”
Introduction
Modern churches today vary widely in their structures—some led by a
single “pastor,” others by boards, committees, or popes. Some have global
hierarchies, while others operate as democratic assemblies. But does God leave
the organization of the church to human preference? Absolutely not. The New Testament gives a clear and inspired
pattern for the local church’s structure, and this lesson will uncover that
pattern, contrast it with man-made systems, and call us to follow only what is
written (1 Cor. 4:6).
Historical Context
The church in Philippi was established during Paul’s second missionary
journey (Acts 16:12–40). By the time Paul wrote this epistle (circa A.D. 61),
the church had matured enough to have bishops (plural) and deacons
in place. This shows that the New Testament model for church leadership
was local, plural, and scripturally qualified. The epistle to the
Philippians addresses a single local congregation—not a regional diocese or
denominational headquarters.
Biblical Context
Christ as the Only Head:
- Ephesians 1:22–23
— “And hath put all things under his
feet, and gave him to be the head over all things to the church...”
- Colossians 1:18
— “And he is the head of the body,
the church…”
There is one Head and one body—Jesus Christ and His
church. No man or board holds authority over the universal church.
Local Church Organization:
Each local congregation, when fully matured, had:
- Elders (also
called bishops, pastors) — Acts 14:23; Titus 1:5; 1 Peter 5:1–4
- Deacons
(servants) — 1 Timothy 3:8–13
- Evangelists
(preachers) — 2 Timothy 4:5; Ephesians 4:11
- Saints (members)
— Romans 1:7; Philippians 1:1
The terms “elders,” “bishops,” and “pastors” refer to the same office (see Acts 20:17, 28;
Titus 1:5–7). These men must be qualified and serve as a plurality
in each local church (Acts 14:23; Philippians 1:1).
Greek Exegesis: "Bishops"
(Phil. 1:1)
Greek: ἐπισκόποις (episkopois) — plural of episkopos
- epi = over, skopos
= watcher → “overseer”
- Same office as pastor
(ποιμήν, poimēn) and elder (πρεσβύτερος, presbuteros)
Commentary:
God never authorized a one-man leadership over a church. The
office of bishop is always plural in the local church and requires men
who meet strict qualifications (1 Tim. 3:1–7; Titus 1:5–9). The misuse of
“pastor” as a title for an unqualified, unmarried, or sole leader is unscriptural.
Full Scripture Cross-Referencing
- Acts 20:28 —
“Take heed therefore unto
yourselves, and to all the flock, over the which the Holy Ghost hath made
you overseers...”
- Titus 1:5 — “Ordain elders in every city, as I had
appointed thee...”
- 1 Peter 5:2–3
— “Feed the flock of God... not as
being lords over God’s heritage...”
Doctrinal Note:
Elders must be men, must be married, and must have faithful
children (Titus 1:6). Women, single men, and unqualified individuals are
not authorized to hold this role.
Doctrinal Significance & Application
- Each local church is
autonomous, self-governing under Christ, with no earthly
headquarters or governing boards.
- Elders shepherd
the flock among them—not other congregations or distant works.
- Deacons serve under
the elders in practical needs.
- Evangelists preach,
teach, and sometimes appoint elders (Titus 1:5), but they do not
rule over the church.
- Church organization
is not tradition—it is divine order.
Application Today:
Any church not patterned after this divine model is departing from New
Testament Christianity. We must resist denominational titles, unscriptural
positions (e.g., pope, cardinal, archbishop), and the unscriptural elevation of
evangelists as “lead pastors.”
Refutation of False Doctrines:
✘False View #1: A single pastor can lead a church.
📖
Refuted by: Acts 14:23; Titus 1:5; Philippians 1:1
✞Truth:
Leadership in the church is always plural elders, not a one-man system.
✘False View #2: Women can serve as pastors or elders.
📖
Refuted by: 1 Timothy 2:12; 3:2; Titus 1:6
✞Truth:
Elders must be husbands of one wife and apt to teach, roles not
given to women.
✘False View #3: The church can be led by denominational
headquarters or synods.
📖
Refuted by: 1 Peter 5:2; Acts 20:28
✞Truth:
Each local church is autonomous, accountable to Christ alone, not to any
hierarchy.
Conclusion and Exhortation
God is not the author of confusion but of peace—and His church is no
exception (1 Cor. 14:33). The divine pattern for church organization is simple,
beautiful, and wise. It is not to be altered by culture, convenience, or
tradition.
Exhortation:
Let us reject the denominational confusion of the religious world and
restore the pattern found in Scripture. Let every congregation strive for
biblical organization, raise up qualified elders and deacons, and respect
Christ as the only head of the church. Anything less is rebellion—anything more
is presumption.
“Hold fast the form of sound
words…” — 2 Timothy 1:13 (KJV)
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#ChurchLeadership #EldersAndDeacons #BiblicalChurchStructure #ChurchAutonomy #ChristIsHead #KaayusanNgIglesia #MatatandaAtDiakono #PamumunoSaIglesia #CristoAngUlo #TamangPadron #Elders #Deacons #Bishops #Pastors #ChurchOrganization #Church #ChurchOfChrist
Aralin 4: Ang Organisasyon ng Iglesia
Pangunahing Talata: Filipos 1:1
“Si Pablo at si Timoteo, na mga
alipin ni Jesucristo, sa lahat ng mga banal kay Cristo Jesus na nasa Filipos, na
kasama ng mga obispo at mga diakono:”
Panimula
Iba-iba ang estruktura ng mga modernong iglesia ngayon—may iisa lang na
“pastor,” ang iba naman ay pinamumunuan ng mga lupon, kardinal, o papa. May
ilang may pandaigdigang pamunuan, habang ang iba ay parang demokratikong
samahan. Ngunit pinahihintulutan ba ng Dios ang tao na siya ang magtakda ng
organisasyon ng iglesia? Hindi kailanman. Ang Bagong Tipan ay nagbibigay ng maliwanag
at banal na padron (pattern) ng kaayusan para sa lokal na iglesia. Ilalahad
sa araling ito ang padron na ito, ihahambing sa gawa ng tao, at tayo’y pinananawagang
sumunod lamang sa nasusulat (1 Cor. 4:6).
Pangkasaysayang Konteksto
Ang iglesia sa Filipos ay itinatag sa ikalawang paglalakbay ni Pablo
(Gawa 16:12–40). Nang isulat ni Pablo ang liham na ito (bandang A.D. 61), ang
iglesia ay dumaan na sa pagsasaayos at mayroon nang mga obispo
(maramihan, plural) at mga diakono. Ipinapakita nito na ang modelo ng
Bagong Tipan para sa pamumuno sa iglesia ay sa kanyang local lamang, maramihan, at may banal na
kwalipikasyon. Ang sulat sa mga taga-Filipos ay nakatuon sa isang
lokal na iglesia—hindi sa isang rehiyonal o denominasyonal na pamunuan.
Kontekstong Biblikal:
Si Cristo ang Tanging Ulo ng Iglesia:
- Efeso 1:22–23
— “At pinasuko ang lahat ng mga
bagay sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang ibinigay na pangulo sa
lahat ng mga bagay sa iglesia…”
- Colosas 1:18
— “At siya ang ulo ng katawan, sa
makatuwid baga'y ng iglesia…”
Mayroon lamang isang Ulo at isang katawan—si Jesucristo
at ang Kanyang iglesia. Walang tao o lupon ang may karapatang pamunuan
ang buong iglesia.
Organisasyon sa Lokal na Iglesia:
Kapag naging ganap ang isang lokal na iglesia, ito ay nagkakaroon ng:
- Matatandang
lalaki (obispo, pastor) — Gawa 14:23; Tito 1:5; 1 Pedro 5:1–4
- Diakono (mga
lingkod) — 1 Timoteo 3:8–13
- Ebanghelista
(mangangaral) — 2 Timoteo 4:5; Efeso 4:11
- Mga banal (mga
miyembro) — Roma 1:7; Filipos 1:1
Ang mga salitang “matatanda,” “obispo,” at “pastor” ay tumutukoy
sa iisang tungkulin (Gawa 20:17, 28; Tito 1:5–7). Ang mga ito ay dapat
may kwalipikasyon at laging maramihan sa bawat lokal na iglesia
(Gawa 14:23; Filipos 1:1).
Pag-aaral ng salitang Griyego na ginamit: "Obispo" (Filipos 1:1)
Griyego: ἐπισκόποις (episkopois) — maramihan ng episkopos
- epi = ibabaw,
skopos = tagamasid → “tagapangasiwa”
- Katumbas ng pastor
(ποιμήν, poimēn) at matanda (πρεσβύτερος, presbuteros)
Tandaan:
Hindi kailanman pinahintulutan ng Dios ang isang taong namumuno
lamang sa iglesia. Ang tungkulin ng obispo ay laging maramihan
(plurality) sa isang lokal na iglesia, at dapat na may mahigpit na
kwalipikasyon (1 Tim. 3:1–7; Tito 1:5–9). Ang maling paggamit sa titulong
“pastor” sa iisang taong hindi kasal o binata o walang kwalipikasyon ay hindi
ayon sa Kasulatan.
Buong Pagpapatibay mula sa Kasulatan
- Gawa 20:28 —
“Ingatan ninyo ang inyong sarili, at
ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga
katiwala…”
- Tito 1:5 — “Maglagay ka ng mga matanda sa bawa’t
bayan, gaya ng iniutos ko sa iyo…”
- 1 Pedro 5:2–3
— “Pakanin ninyo ang kawan ng Dios
na nasa inyo… hindi gaya ng mga pinapapanginoon…”
Puna ng Doktrina:
Ang mga matatanda ay dapat lalaki, may asawa, at may mga
anak na mananampalataya (Tito 1:6). Ang babae, binata, at walang kwalipikasyon ay HINDI karapat-dapat sa
tungkuling ito.
Mahalagang Aral at Aplikasyon
- Ang bawat lokal na
iglesia ay may sariling pamamahala sa ilalim ni Cristo, walang
headquarters sa lupa.
- Ang mga matatanda ay
dapat na mga pastol sa kawan na nasa kanila—hindi sa ibang iglesia
o kawan.
- Ang mga diakono ay
mga tagapaglingkod sa ilalim ng pamumuno ng matatanda.
- Ang mga ebanghelista
ay nangangaral, nagtuturo, at minsan ay nagtatalaga ng matatanda (Tito
1:5), ngunit hindi sila tagapamahala ng iglesia.
- Ang kaayusan ng
iglesia ay hindi tradisyon, kundi utos ng Dios.
Pangkasalukuyang Aplikasyon:
Ang alinmang iglesia na hindi sumusunod sa nakasaad na padron ng Bagong
Tipan ay lumilihis sa tunay na Kristiyanismo. Dapat nating tanggihan ang mga
denominasyonal na titulo, mga posisyon tulad ng papa, obispo sa labas ng
konteksto ng lokal na iglesia, at ang pagpapalabis ng kapangyarihan sa mga
ebanghelista bilang “lead pastors.”
Pagpapabulaan sa mga Maling Aral
✘Maling Aral #1: Maaaring pamunuan ng isang pastor ang buong
iglesia.
📖 Pinabubulaanan ng: Gawa
14:23; Tito 1:5; Filipos 1:1
✞Katotohanan:
Laging maramihan ang pamumuno sa iglesia sa Bagong Tipan—hindi iisa.
✘Maling Aral #2: Maaaring ang mga babae ay maging pastor o obispo.
📖 Pinabubulaanan ng: 1
Timoteo 2:12; 3:2; Tito 1:6
✞Katotohanan:
Ang matatanda ay dapat asawa ng isa lamang babae at marunong magturo—mga
tungkuling hindi ibinigay sa mga babae.
✘Maling Aral #3: Ang iglesia ay dapat pamunuan ng
denominasyonal na sentro o sinodo (synod).
📖 Pinabubulaanan ng: 1 Pedro
5:2; Gawa 20:28
✞Katotohanan:
Ang bawat lokal na iglesia ay may sariling pamamahala at tumatalima kay
Cristo lamang.
✍ Konklusyon at Panawagan
Ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan kundi ng kaayusan (1 Cor. 14:33).
Ang padron ng Bagong Tipan para sa kaayusan ng iglesia ay simple, marilag, at
puspos ng karunungan. Hindi ito maaaring dagdagan o bawasan ng kultura,
kaginhawaan, o tradisyon.
Panawagan:
Talikuran natin ang kaguluhan ng denominasyonalismo at ibalik ang padron
ng Bagong Tipan. Pagsikapan ng bawat iglesia na maitaguyod ang tamang kaayusan,
makapagtalaga ng may-kalayaang matatanda at diakono, at kilalanin si Cristo
bilang nag-iisang Ulo ng iglesia. Ang kulang ay pagsuway; ang sobra ay
kapangahasan.
“Ingatan mo ang mga ulirang mga
salitang magagaling...” — 2 Timoteo 1:13
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#ChurchLeadership #EldersAndDeacons #BiblicalChurchStructure #ChurchAutonomy #ChristIsHead #KaayusanNgIglesia #MatatandaAtDiakono #PamumunoSaIglesia #CristoAngUlo #TamangPadron #Elders #Deacons #Bishops #Pastors #ChurchOrganization #Church #ChurchOfChrist