Skip to main content

ARE YOU IN THE CHURCH BUILT BY CHRIST?

English
🇵🇭 Tagalog

ARE YOU IN THE CHURCH BUILT BY CHRIST?

Main Text: Matthew 16:18

“And I say also unto thee, That thou art Peter, and upon this rock I will build my church; and the gates of hell shall not prevail against it.”


Beloved, my friend… allow me to speak to you not as an enemy, but as one who cares for your soul. I am not here to attack you. I am not here to argue with you. I am here to ask you something—something simple, yet something that may change everything about your life, your faith, and your eternity.

My friend… what church are you a member of?

Have you ever truly asked yourself that question—not just by name, but by truth? Who built that church you belong to? When did it begin? Was it established in the days of the apostles… or was it started by a man many years later?

And more importantly… can you find that church in the New Testament?

Pause for a moment. Think carefully.

If we open the Bible—not traditions, not history books, not what we were told—but the New Testament itself… will we find the church you belong to written there? Will we find its name? Will we find its teachings? Will we find the apostles worshiping in it?

Or… is it absent?

Beloved, this is not a small question. This is not about preference. This is not about what is familiar. This is about truth.

Because Jesus said, “I will build my church.” Not churches. Not many kinds. Not different versions depending on time or culture. He said—my church.

And He also said, “the gates of hell shall not prevail against it.”

Now let me ask you, my friend… do you believe Him?

Do you believe that the church Christ built still exists today? Or have you been led to believe—perhaps without realizing it—that the church disappeared, that it was lost, that men needed to restore or reinvent it?

If Christ’s church vanished… then did hell prevail?

Think about that.

If the church built by Christ no longer exists, then His promise failed. But can Christ fail? Can the Son of God speak and not accomplish what He has declared?

The Bible says in Hebrews 13:8, “Jesus Christ the same yesterday, and to day, and for ever.” He does not change. His word does not fail.

So if He built His church… and if hell cannot overcome it… then that church must still exist.

The question now becomes very personal.

Are you in it?

Or are you in something else?

My friend, have you ever taken the time—personally, honestly—to search the New Testament and identify the church that belongs to Christ? Not what someone told you. Not what a preacher said. But what the Word of God actually reveals.

In Acts 2:47, the Bible says, “And the Lord added to the church daily such as should be saved.”

Do you see that?

It is the Lord who adds. Not men. Not organizations. Not institutions built centuries later. The Lord Himself adds the saved into His church.

And in Ephesians 4:4, the Scripture declares, “There is one body…”

Only one.

And in Colossians 1:18, “He is the head of the body, the church…”

The church is the body. And in Ephesians 5:23, the Bible says, “Christ is the head of the church: and he is the saviour of the body.”

Now follow this carefully, my friend.

If the church is the body…

and Christ is the Savior of the body…

then the church is not optional.

It is directly connected to salvation.

So who told you that the church is not important?

Who told you that it is enough to have a “personal relationship” with Christ while ignoring the very body He died for?

The Bible never separates Christ from His church.

Never.

And yet today, many are comfortable belonging to churches that cannot be found anywhere in the New Testament—churches with names unknown to the apostles, doctrines never taught by Christ, and origins traced not to Jerusalem in Acts 2, but to men… councils… movements… centuries later.

And my friend… you are not bothered?

You are not troubled by that?

You are not asking, “Why is my church not found in the Bible?”

Beloved, imagine if Abraham obeyed God based on what others said instead of what God commanded. Imagine if Noah built the ark according to his own design instead of God’s instruction. Imagine if Nadab and Abihu offered strange fire before the Lord—oh wait, they did… and God rejected it (Leviticus 10:1–2).

God has always been specific.

And God has always required obedience—not creativity in worship, not innovation in doctrine, but faithfulness to His Word.

So why, my friend, when it comes to the church—the very body of Christ—would God suddenly accept anything man creates?

Why would He?

Let me ask you plainly…

Did you examine the Scriptures to find the church of the New Testament?

Or did you simply accept the church you were born into?

Did you test it?

Did you compare it?

Or did you assume it must be right because it feels right?

Jesus said in John 5:39, “Search the scriptures; for in them ye think ye have eternal life: and they are they which testify of me.”

Search.

Not assume. Not inherit. Not follow blindly.

Search.

Because your soul is too valuable to be wrong about this.

Beloved, this is not about leaving something for the sake of leaving. This is about finding what is true. This is about returning—not to tradition—but to the Word of God.

The church we read in the New Testament is not hidden. It is there—clear, visible, defined by Christ, built in Acts 2, guided by the apostles, faithful to the doctrine of Christ.

And the Lord still adds to that church today.

But the question remains…

Will you seek it?

Will you be honest enough to ask, “Am I truly in the church built by Christ?”

Or will you remain where you are… simply because it is comfortable?

My friend, eternity is not built on comfort. It is built on truth.

And truth demands a response.

The gospel is clear. You must believe in Jesus Christ as the Son of God (John 8:24). You must repent of your sins (Luke 13:3). You must confess His name before men (Romans 10:9–10). And you must be baptized for the remission of sins (Acts 2:38), where the Lord adds you to His church.

Not a church of men.

His church.

And if you are a Christian who has drifted—who has settled into tradition without examination—this is your moment to return. To realign. To come back to the authority of Scripture.

Beloved… do not ignore this.

Do not delay this.

For the day is coming when we shall all stand before God—to receive the things done in the body (2 Cor. 5:10). And the question will be—what have we done? Did we seek to be added by the Lord into His church, ‘of which He is also the Saviour’ (Ephesians 5:23)? Or were we found in something else?

And so I ask you, one last time…

When you open the New Testament…

Can you find your church there?


Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.

#ChurchOfChrist #NewTestamentChurch #BiblicalTruth #Matthew1618 #OneBody #Salvation #BibleStudy #TruthMatters #FollowScripture #FaithInChrist #Iglesia #Katotohanan #Kaligtasan #SalitaNgDiyos #SuriinAngBiblia


IKAW BA AY NASA IGLESIANG ITINAYO NI CRISTO?

Pangunahing Talata: Mateo 16:18

“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.”


Mga kapatid… mga kaibigan… pakinggan ninyo ako sandali. Hindi ako narito para kalabanin kayo. Hindi ako narito para makipagtalo. Nandito ako para magtanong—isang tanong na maaaring magbago ng lahat tungkol sa inyong pananampalataya at sa inyong kaluluwa.

Kaibigan… anong iglesia ang kinabibilangan mo?

Naitanong mo na ba talaga iyan sa sarili mo—hindi lang sa pangalan nito, kundi sa katotohanan? Sino ang nagtayo ng iglesiang iyan? Kailan ito nagsimula? Nasa panahon ba ito ng mga apostol… o itinatag ito ng tao makalipas ang maraming taon?

At mas mahalaga… makikita mo ba ang iglesiang iyan sa Bagong Tipan?

Teka po, sandal lang. Pag-isipan mong mabuti ito.

Kung bubuksan natin ang Biblia—hindi tradisyon, hindi kasaysayan, hindi sabi-sabi—kundi ang Bagong Tipan mismo… makikita ba natin doon ang iglesiang kinabibilangan mo? Nandoon ba ang pangalan nito? Nandoon ba ang mga aral nito? Nandoon ba ang mga apostol na sumasamba dito?

O… wala?

Mga kapatid, hindi ito maliit na tanong. Hindi ito tungkol sa kagustuhan ng sinoman. Hindi ito tungkol sa nakasanayan. Ito ay tungkol sa katotohanan.

Sapagkat sinabi ni Jesus, “itatayo ko ang aking iglesia.” Hindi mga iglesia. Hindi iba-iba depende sa panahon. Hindi ayon sa gusto ng tao. Sinabi Niya—aking iglesia.

At sinabi rin Niya, “ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.”

Ngayon tanungin kita, kaibigan… naniniwala ka ba sa Kaniya?

Naniniwala ka ba na ang iglesiang itinayo ni Cristo ay umiiral pa hanggang ngayon? O baka hindi mo namamalayan, naniwala ka sa sinasabi ng iba na nawala ito… na naglaho… na kinailangang ibalik o buuin muli ng tao?

Kung nawala ang iglesia ni Cristo… ibig sabihin ba nanaig ang hades?

Pag-isipan mo iyan.

Kung ang iglesiang itinayo ni Cristo ay hindi na umiiral ngayon, ibig sabihin nabigo ang Kaniyang pangako. Pero maaari bang mabigo si Cristo? Maaari bang magsalita ang Anak ng Dios at hindi matupad ang Kaniyang sinabi?

Sabi sa Hebreo 13:8, “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.” Hindi Siya nagbabago. Ang Kaniyang salita ay hindi nabibigo.

Kaya kung itinayo Niya ang Kaniyang iglesia… at kung hindi ito kayang daigin ng hades… kung gayon, ang iglesiang iyon ay umiiral pa rin hanggang ngayon.

Ngayon, pahintulutan  mo akong gawin nating personal ang tanong.

Ikaw ba ay naroon?

O ikaw ay nasa iba?

Kaibigan, naglaan ka na ba ng panahon—personal na pagsusuri, at tapat—para hanapin sa Bagong Tipan kung alin ang iglesiang kay Cristo? Hindi yung sinabi lang sa’yo. Hindi yung narinig mo lang sa isang mangangaral. Kundi kung ano mismo ang sinasabi ng Salita ng Dios bunga ng sarili mong pagsasaliksik.

Sa Gawa 2:47, sinasabi, “At idinaragdag ng Panginoon sa iglesia araw-araw yaong nangaliligtas.”

Napansin mo ba ito?

Ang Panginoon ang nagdadagdag. Hindi tao. Hindi organisasyon. Hindi mga grupong naitatag makalipas ang daan-daang taon. Ang Panginoon mismo ang naglalagay ng mga naliligtas sa Kaniyang iglesia.

At sa Efeso 4:4, malinaw na sinasabi, “May isang katawan…”

Isa lang.

At sa Colosas 1:18, “At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia…”

Ang iglesia ay katawan. At sa Efeso 5:23, sinasabi, “si Cristo ang ulo ng iglesia, na siya rin ang Tagapagligtas ng katawan.”

Sundan mo ito mabuti, kaibigan.

Kung ang iglesia ang katawan…

at si Cristo ang Tagapagligtas ng katawan…

kung gayon, ang iglesia ay hindi optional.

Kaugnay ito ng kaligtasan.

Kaya sino ang nagsabi sa’yo na hindi mahalaga ang iglesia?

Sino ang nagturo sa’yo na sapat na ang “personal relationship” habang binabalewala ang katawan na pinag-alayan ni Cristo ng Kaniyang dugo?

Hindi kailanman pinaghiwalay ng Biblia si Cristo at ang Kaniyang iglesia.

Kailanman ay hindi.

Pero ngayon, maraming tao ang komportable na kabilang sa mga iglesiang hindi mo naman mababasa sa Bagong Tipan—mga iglesiang ang pangalan ay hindi kilala ng mga apostol, mga aral na hindi itinuro ni Cristo, at ang pinagmulan ay hindi sa Jerusalem sa Gawa 2 kundi sa mga tao… sa mga konseho… sa mga kilusan… makalipas ang maraming taon.

At ikaw, kaibigan… hindi ka nababahala?

Hindi ka nababagabag?

Hindi mo ba tinatanong, “Bakit wala sa Biblia ang iglesiang kinabibilangan ko?”

Mga kapatid at kaibigan, isipin ninyong mabuti ito…

Paano kung si Abraham ay sumunod sa sabi ng tao imbes na sa utos ng Dios?

Paano kung si Noe ay gumawa ng daong ayon sa sarili niyang disenyo?

Paano kung sina Nadab at Abihu ay naghandog ng apoy na hindi iniutos ng Dios—teka, ginawa nila ito, anong nangyari?! Tinanggihan sila ng Dios (Levitico 10:1–2).

Ang Dios ay laging tiyak sa Kanyang mga sinabi.

At ang Dios ay laging naghahanap ng pagsunod—hindi imbensyon, hindi sariling paraan, kundi pagsunod sa Kaniyang salita.

Kaya unawain mo ito, pagdating sa iglesia—ang mismong katawan ni Cristo—tatanggapin ba ng Dios ang anumang gawa o inimbento ng tao?

Bakit hindi Niya tatanggapin? (cf. Mat. 15:13)

Tanungin kita nang direkta…

Sinuri mo ba ang Biblia para hanapin ang iglesiang nasa Bagong Tipan?

O tinanggap mo lang ang iglesiang kinagisnan mo?

Sinubok mo ba ito?

Inihambing mo ba sa iglesia na nasa Bagong Tipan?

O naniwala ka lang dahil iyon ang naramdaman mo?

Sinabi ni Jesus sa Juan 5:39, “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan…”

Saliksikin.

Hindi basta tanggap lang. Hindi basta makinig lang. Hindi basta paniwalaan at sundin agad (cf. Gawa 17:11). Saliksikin sabi ng Panginoon.

Oo, mga kaibigan, saliksikin.

Dahil napakahalaga ng iyong kaluluwa para magkamali ka dito.

Mga kapatid, hindi ito tungkol sa pag-lisan lang. Ito ay tungkol sa paghahanap ng katotohanan. Ito ay tungkol sa pagbabalik—hindi sa tradisyon—kundi sa Salita ng Dios.

Ang iglesiang mababasa sa Bagong Tipan ay hindi nakatago. Nandoon ito—malinaw, tiyak, itinayo ni Cristo, nagsimula sa Gawa 2, pinangunahan ng mga apostol, at nananatili sa aral ni Cristo.

At hanggang ngayon, ang Panginoon ay nagdadagdag pa rin sa iglesiang iyon.

Pero ang tanong…

Hahanapin mo ba ito?

Magiging tapat ka ba na itanong sa sarili mo, “Ako ba ay nasa iglesiang itinayo ni Cristo?”

O mananatili ka na lang kung nasaan ka… dahil komportable ka na?

Kaibigan, ang walang hanggan ay hindi nakabatay sa komportable. Ito ay nakabatay sa katotohanan.

At ang katotohanan ay humihingi ng tugon.

Malinaw ang ebanghelyo. Kailangan mong sumampalataya kay Jesucristo bilang Anak ng Dios (Juan 8:24). Kailangan mong magsisi sa iyong mga kasalanan (Lucas 13:3). Kailangan mong ipahayag si Cristo sa harap ng mga tao (Roma 10:9–10). At kailangan mong magpabautismo sa ikapagpapatawad ng kasalanan (Gawa 2:38), kung saan idinadagdag ka ng Panginoon sa Kaniyang iglesia.

Hindi iglesia ng tao.

Kaniyang iglesia.

At kung ikaw ay Cristiano na ngunit napalayo—na napunta sa tradisyon nang hindi sinusuri—ito ang panahon para bumalik. Itama. Ibalik ang sarili sa awtoridad ng Kasulatan.

Mga kapatid… huwag ninyong ipagwalang-bahala ito.

Huwag ninyong ipagpaliban ito.

Sapagkat darating ang araw na haharap tayong lahat sa Dios— upang tumanggap ang bawa't isa ng mga bagay na ginawa (2 Cor. 5:10)—Ano ang ating ginawa? Sinikap ba nating maidagdag din ng Panginoon sa Kanyang iglesia “na siya rin ang tagapagligtas” nito? (Efeso 5:23). O tayo ay kabilang sa iba?

Kaya tanungin mo ang sarili mo, sa huling pagkakataon…

Kapag binuksan mo ang Bagong Tipan…

Makikita mo ba doon ang iglesiang kinabibilangan mo?


Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.

#ChurchOfChrist #NewTestamentChurch #BiblicalTruth #Matthew1618 #OneBody #Salvation #BibleStudy #TruthMatters #FollowScripture #FaithInChrist #Iglesia #Katotohanan #Kaligtasan #SalitaNgDiyos #SuriinAngBiblia