Christian Women and the Veil in Prayer (Ch. 8)
A Bible Doctrinal Exposition of 1 Corinthians 11
CHAPTER 8
A Word of Exhortation
Doctrinal
truth, no matter how airtight, must reach the heart. If it remains only in the
mind, it risks becoming mere theory. Paul did not write 1 Corinthians 11 for
scholars to debate but for brethren to obey. Therefore, after laying out the
case from Scripture, creation, angels, nature, and universal practice, it is
time to speak plainly:
…Brethren, what will we do with these things?
8.1 The Test of Obedience
James says,
“Be ye doers of the word, and not hearers only, deceiving your own selves”
(James 1:22). The head covering is one of those commands that reveals whether
we are truly submissive to the Lord or whether we are seeking loopholes.
·
To dismiss it as cultural is to set aside
apostolic authority.
·
To minimize it as trivial is to judge God’s Word
by our own measure.
·
To obey it, however, is to confess that even in
the smallest matters, Christ is Lord.
Obedience
here is not about fabric but faith.
8.2 The Heart of Submission
The veil’s
meaning is profound: it is a symbol of humility, of willing submission to God’s
order. In a world that exalts self-expression, the covering proclaims: “Not
my will, but Thine be done.”
When a
woman veils herself in prayer, she is not exalting man. She is honoring Christ,
who Himself submitted to the Father (1 Cor. 11:3). This is a beautiful
confession, not a shameful burden.
8.3 The Danger of Contention
Paul
anticipated quarrels: “But if any man seem to be contentious, we have no
such custom, neither the churches of God” (v.16).
Contention on
this point reveals a deeper problem: pride. Some do not want to be told what to
do, even by Scripture. But to resist God’s order is to resist God Himself.
Brethren,
we cannot plead ignorance. The Word has spoken. To persist in resistance is not
a matter of opinion but of rebellion.
8.4 Encouragement for the Faithful
To the
sisters who faithfully veil in prayer — know that your obedience is precious in
God’s sight. You are living testimonies of humility, order, and reverence.
Though the world may scoff, heaven rejoices. Angels see your submission and
glorify God.
To the
brethren who teach and uphold this truth — do not grow weary. Though you may
face ridicule, remember Paul’s words: “Be steadfast, unmovable, always
abounding in the work of the Lord” (1 Cor. 15:58).
8.5 A Word to the Doubtful
Some
hesitate: “But is this really necessary?” The same question could be
asked of baptism, the Lord’s Supper, or the command to sing without
instruments. The real issue is not necessity but authority.
When God
speaks, our only safe response is obedience. To delay or question is to stand
on dangerous ground.
8.6 The Spiritual Dimension
This matter
is not isolated from salvation. While one may not lose salvation for ignorance,
willful rejection is another matter. Jesus warned: “Why call ye me, Lord,
Lord, and do not the things which I say?” (Luke 6:46).
The veil
tests our hearts: will we honor Christ as Head, or will we elevate our
reasoning above His Word?
8.7 Doctrinal Insight Box
Ø
The veil tests whether we submit to God’s Word
in all things.
Ø
Obedience in small matters reveals the heart of
true discipleship.
Ø
Contention over the veil is not about cloth, but
about pride vs. humility.
8.8 A Call to Repentance and Renewal
If you have
set aside this teaching, repent. Confess before the Lord that you have followed
culture instead of His Word. Begin again with a heart ready to obey.
To the
church: restore this teaching in love, not with harshness, but with clarity and
conviction. Let the world see that the people of God do not bend to fashion,
but to Scripture.
8.9 Conclusion: The Path of Blessing
Brethren,
the veil is not a burden but a blessing. It keeps us anchored in God’s order,
distinguishes the church from the world, and glorifies Christ as our Head.
Let us not
be hearers only but doers. Let us embrace the beauty of God’s order, even when
the world mocks. For in the end, we seek not the approval of men but of God.
“Therefore, brethren, stand fast, and hold
the traditions which ye have been taught, whether by word, or our epistle.”
(2 Thess. 2:15)
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#ChristianWomen #VeilInPrayer #HeadCovering #1Corinthians11 #BibleDoctrine #ChurchPractice #CreationOrder #ObedienceToGod #CristianongBabae #BeloSaPanalangin
Cristianong Kababaihan at ang Belo sa Panalangin (Ch. 8)
Isang Doktrinal na Palalahad sa 1 Corinto 11
KABANATA 8
Isang Panawagan ng Pagtuturo at Paghikayat
Ang
katotohanan ng doktrina, gaano man katibay, ay dapat makarating sa puso. Kung
ito’y mananatili lang sa isip, magiging teorya lamang ito. Ang isinulat ni
Pablo sa 1 Corinto 11 ay hindi para lang pagtalunan ng mga iskolar, kundi para
sundin ng mga kapatid. Kaya pagkatapos ilahad ang batayan mula sa Kasulatan, sa
paglalang, sa mga anghel, sa kalikasan, at sa unibersal na gawain ng iglesia,
panahon na para magsalita nang tuwiran:
Mga kapatid, ano
ang gagawin natin sa mga bagay na ito?
8.1 Ang
Pagsubok ng Pagsunod
Sabi ni
Santiago: “Datapuwa’t maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig
lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili” (Sant. 1:22). Ang utos
tungkol sa belo ay isa sa mga bagay na sumusubok kung tayo’y tunay na
nagpapasakop sa Panginoon o kung naghahanap tayo ng butas para makaiwas.
·
Kung itatabi natin ito bilang “kultura lang,”
inaalis natin ang awtoridad ng mga apostol.
·
Kung ituturing natin ito bilang “maliit na
bagay,” sinusukat natin ang salita ng Diyos ayon sa sariling pamantayan.
·
Ngunit kung susundin natin ito, ipinahahayag
natin na kahit sa pinakamaliit na bagay, si Cristo ang Panginoon.
Ang
pagsunod dito ay hindi tungkol sa tela kundi tungkol sa pananampalataya.
8.2 Ang
Puso ng Pagpapasakop
Malalim ang
kahulugan ng belo: ito’y tanda ng kababaang-loob, ng kusang pagpapasakop sa
kaayusan ng Diyos. Sa mundong itinataas ang sariling kagustuhan, ipinahahayag
ng belo: “Hindi ang aking kalooban, kundi ang Iyo.”
Kapag ang
babae’y nagbelo sa panalangin, hindi niya pinararangalan ang tao, kundi si
Cristo — na Siya ring nagpasakop sa Ama (1 Cor. 11:3). Ito ay isang maganda at
mahalagang pagpapahayag, hindi isang pabigat.
8.3 Ang
Panganib ng Pagtatalo
Inasahan na
ni Pablo ang pagtutol: “Datapuwa't kung tila mapagtunggali ang sinoman,
walang gayong ugali kami, ni ang iglesia man ng Dios.” (v.16).
Ang
pagtatalo sa bagay na ito ay nagpapakita ng mas malalim na problema — pagmamataas.
Marami ang ayaw masabihan, kahit ng Kasulatan. Ngunit ang pagtutol sa kaayusan
ng Diyos ay pagtutol sa Diyos mismo.
Mga
kapatid, hindi na tayo makakaasa sa kamangmangan. Nagsalita na ang Dios. Ang
patuloy na pagtanggi ay hindi usapin ng opinyon, kundi ng paghihimagsik.
8.4
Pagpapalakas sa mga Tapat
Sa mga
kapatid na babae na tapat na nagbebelo sa panalangin — tandaan ninyo na ang
inyong pagsunod ay mahalaga sa paningin ng Diyos. Kayo ay mga buhay na patotoo
ng kababaang-loob, kaayusan, at paggalang. Kahit pagtawanan ng mundo, ang
langit ay nagagalak. Nakikita ng mga anghel ang inyong pagpapasakop at
niluluwalhati nila ang Diyos.
Sa mga
kapatid na nagtuturo at nagtataguyod ng katotohanang ito — huwag kayong
manghina. Kahit pagtawanan, alalahanin ang mga salita ni Pablo: “Kaya nga,
mga kapatid kong minamahal, kayo'y magsitatag, huwag makilos, na laging
sumasagana sa gawa ng Panginoon,” (1 Cor. 15:58).
8.5
Isang Panawagan sa mga Nagdududa
May ilan
ang nag-aatubili: “Kailangan ba talaga ito?” Ngunit ang parehong tanong
ay maaring itanong sa bautismo, sa Hapunan ng Panginoon, o sa utos na umawit
nang walang instrumento. Ang tunay na usapin ay hindi “kailangan ba ito?” kundi
“may awtoridad ba ang Diyos na magsabi nito?”
Kapag ang
Diyos ang nagsalita, ang tanging ligtas na tugon ay pagtalima. Ang pag-antala o
pagduda ay mapanganib na alternatibo.
8.6 Ang
Espirituwal na Aspeto
Hindi ito
hiwalay sa kaligtasan. Maaaring hindi agad mawalan ng kaligtasan ang isang
hindi nakakaalam, ngunit iba ang sinasadyang pagtanggi. Binalaan ni
Jesus: “Bakit tinatawag ninyo akong Panginoon, Panginoon, at hindi ninyo
ginagawa ang mga bagay na aking sinasabi?” (Luk. 6:46).
Sinusubok
ng belo ang ating puso: pararangalan ba natin si Cristo bilang Ulo, o itataas
natin ang sariling pag-iisip higit sa Kanyang Salita?
8.7 Buod
ng Doctrinal Insight
·
Ang belo ay sumusubok kung tayo’y nagpapasakop
sa salita ng Diyos sa lahat ng bagay.
·
Ang pagsunod sa maliliit na bagay ay nagpapakita
ng tunay na pagiging alagad.
·
Ang pagtatalo tungkol sa belo ay hindi tungkol
sa tela, kundi tungkol sa pagmamataas laban sa kababaang-loob.
8.8
Panawagan sa Pagsisisi at Pagbabalik
Kung
itinabi mo ang aral na ito, magsisi. Aminin sa harap ng Panginoon na sumunod ka
sa kultura at hindi sa Kanyang salita. Magsimula muli na may pusong handang
sumunod.
Sa iglesia:
ibalik ang pagtuturong ito nang may pag-ibig, hindi sa kahigpitan, kundi sa
malinaw at matibay na pagtuturo. Ipakita sa mundo na ang bayan ng Diyos ay
hindi sumusunod sa uso, kundi sa Kasulatan.
8.9 Konklusyon:
Ang Daan ng Pagpapala
Mga
kapatid, ang belo ay hindi pabigat kundi pagpapala. Pinapanatili tayo nito sa
kaayusan ng Diyos, inihihiwalay tayo sa mundo, at niluluwalhati si Cristo
bilang ating Ulo.
Huwag
tayong maging tagapakinig lamang kundi maging tagatupad. Yakapin natin ang
kagandahan ng kaayusan ng Diyos, kahit pagtawanan ng mundo. Sapagkat sa huli,
hindi ang papuri ng tao ang ating hinahanap, kundi ang papuri ng Diyos.
“Kaya
nga, mga kapatid, kayo'y mangagpakatibay, at inyong panghawakan ang mga aral na
sa inyo'y itinuro, maging sa pamamagitan ng salita, o ng aming sulat.” (2
Tes. 2:15)
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#ChristianWomen #VeilInPrayer #HeadCovering #1Corinthians11 #BibleDoctrine #ChurchPractice #CreationOrder #ObedienceToGod #CristianongBabae #BeloSaPanalangin

