Sermon: “For Now I Know” — God’s Response To Faith With Works
Text: Genesis 22:12
God’s
Words Are For Us, Not For Him
Brethren,
when we read, “for now I know that thou fearest God,” we must remember
that God did not write the Scriptures for Himself—He wrote them for us (Romans
15:4; 2 Timothy 3:16). The Lord has always been all-knowing (Psalm 139:1–4;
Isaiah 46:10). He knew Abraham’s heart before Abraham even moved. But God chose
to phrase it this way—“for now I know”—to communicate something to us. It is
not that God gained new knowledge, but that He demonstrated in a way we can
understand that true faith is proven by obedience.
Faith
Is Only Real When It Acts
Notice,
brethren, Abraham was already a man of faith before Genesis 22. Hebrews 11:8
says he obeyed when he was called to go out. But here, his faith reached its
highest test—offering Isaac, his only son. Faith alone in the mind would not
have satisfied God. James 2:21–24 confirms this: “Was not Abraham our father
justified by works, when he had offered Isaac his son upon the altar? … Seest
thou how faith wrought with his works, and by works was faith made perfect?”
The Spirit ties James 2 directly to Genesis 22. That means God is showing us:
faith is not perfected until it obeys.
“Now I
Know” Is God’s Testimony of Approval
When God
said, “now I know,” He was not confessing ignorance. He was pronouncing
approval. It was as if God stamped Abraham’s obedience with a seal that said:
“This is true faith.” The statement is for our assurance—that God notices
obedience and that He responds when we act on His Word. If Abraham had refused,
there would be no such declaration. Brethren, do we see it? God responds to
obedience, not to empty belief.
The Deathblow
to Faith-Only Doctrine
Those who
preach “faith only” stumble at this passage. Abraham did not simply say, “I
believe, Lord.” He rose up early, saddled his ass, took Isaac, and stretched
forth his hand with the knife (Genesis 22:3,10). God said “now I know” only
after Abraham’s action, not before. That means faith without obedience is dead
(James 2:26). The Bible does not teach “faith only”—it teaches a working faith
that moves the believer to obey. Just as Noah “moved with fear, prepared an
ark” (Hebrews 11:7), and Israel “by faith… passed through the Red sea”
(Hebrews 11:29), so Abraham “by faith… offered up Isaac” (Hebrews
11:17). Always, faith acts.
God’s
Assured Response to Our Obedience
Brethren,
here is the comfort: when we obey God, He responds. “Now I know” is
written for us to understand that God recognizes and rewards those who act upon
His Word. Hebrews 11:6 says He is “a rewarder of them that diligently seek
him.” On the other hand, when men hear but do not act, the Lord says, “I
never knew you” (Matthew 7:23). Do we see the parallel? Obedience leads God
to say, “now I know you.” Disobedience leads Him to say, “I never knew you.”
Those
Whom God Truly Knows, He Adds to His Church
Brethren,
notice the contrast. To the disobedient, Jesus will say, “I never knew you.”
But to the obedient, the Word says, “And the Lord added to the church daily
such as should be saved” (Acts 2:47). Who were they? They were the ones who
gladly received the word, repented, and were baptized in the name of Jesus
Christ for the remission of sins (Acts 2:38,41). God “knew” them in the sense
of approving and accepting their faith expressed in obedience. That is why they
were added—not by men, not by vote, not by joining, but by the Lord Himself. And
why? Because He now knew them as His own.
A Call
to Obedient Faith
Friends and brethren, the question is: what would God say about you today? Has your faith moved you to obey the gospel—believing, repenting, confessing Christ, and being baptized for the remission of sins (Mark 16:16; Acts 2:38)? Or have you been content with “faith only”? Remember, Abraham’s faith was accepted only when it acted. God is waiting to say, “Now I know you fear Me”—but He will only say it if you obey.
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#ChurchOfChrist #ObedientFaith #Genesis22 #FaithAndWorks #KJVOnly #Acts247 #BibleTruth #RefutingFaithOnly
Sermon: “Talastas Ko Ngayon” — Tugon ng Diyos sa Pananampalatayang May Gawa
Teksto: Genesis 22:12
Ang
Salita ng Diyos ay Para sa Atin, Hindi Para sa Kaniya
Mga
kapatid, nang sinabi ng Diyos, “sapagka't talastas ko ngayon, na ikaw ay
natatakot sa Dios,” dapat nating tandaan na ang Kasulatan ay hindi isinulat
para sa Diyos kundi para sa atin (Roma 15:4; 2 Timoteo 3:16). Ang Panginoon ay
palaging lubos na nakakaalam (Awit 139:1–4; Isaias 46:10). Alam na Niya ang
puso ni Abraham bago pa ito kumilos. Subalit ginamit ng Diyos ang ganitong
pananalita—“talastas ko ngayon”—upang magturo sa atin ng isang aral na
mauunawaan natin: ang tunay na pananampalataya ay pinatutunayan lamang sa
pamamagitan ng pagtalima.
Tunay
ang Pananampalataya Kapag Ito’y May Pagtalima
Pansinin
ninyo, mga kapatid, si Abraham ay taong may pananampalataya na bago pa ang
Genesis 22. Sinasabi ng Hebreo 11:8 na siya ay sumunod nang siya’y tawagin.
Ngunit dito, dumating ang sukdulang pagsubok—na ialay si Isaac, ang kaniyang
kaisa-isang anak. Hindi sapat sa Diyos ang pananampalatayang nananatili lamang
sa isipan. Kinukumpirma ito ng Santiago 2:21–24: “Hindi baga ang ating amang
si Abraham ay inaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa, dahil sa kaniyang
inihain si Isaac na kaniyang anak sa ibabaw ng dambana? Nakikita mo na ang
pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa, at sa pamamagitan
ng mga gawa ay naging sakdal ang pananampalataya;” Ang Espiritu Santo mismo
ang nagdugtong ng Santiago 2 sa Genesis 22. Kaya ipinapakita ng Diyos na ang
pananampalataya ay hindi nagiging ganap hanggang ito ay isinasagawa.
“Talastas Ko Ngayon” ay Patotoo ng Diyos sa
Pananampalatayang May Gawa
Nang
sabihin ng Diyos, “talastas ko ngayon,” hindi Siya nagpapahayag ng
kamangmangan. Siya’y nagpapahayag ng Kaniyang pagtanggap. Ito’y pagkumpirma o
pagkilala ng Diyos sa pagtalima ni Abraham na animoy sinabing: “Ito ang tunay
na pananampalataya.” Ang pahayag na ito ay para sa ating katiyakan—na
napapansin ng Diyos ang ating pagsunod at Siya’y tumutugon kapag kumikilos tayo
ayon sa Kaniyang salita. Kung tumanggi si Abraham, walang ganitong pahayag. Mga
kapatid, nakikita ba natin ito? Kinikilala ng Diyos ang pagsunod, hindi ang hungkag na pananampalataya
lamang.
Ang
Matinding Dagok sa Doktrina ng “Pananampalataya Lamang”
Yaong
nagtuturo ng “faith only” ay natitisod sa bahaging ito. Hindi lamang sinabi ni
Abraham, “Sumasampalataya ako, Panginoon.” Siya’y bumangong maaga, sinakyan ang
kaniyang asno, dinala si Isaac, at itinaas ang kaniyang kamay na may kutsilyo
(Genesis 22:3,10). Sinabi lamang ng Diyos na “talastas ko ngayon”
matapos kumilos si Abraham, hindi bago mangyari ito, kundi pagkatapos tumalima.
Ibig sabihin, ang pananampalataya na walang pagtalima ay patay (Santiago 2:26).
Hindi itinuturo ng Biblia ang “faith only”—kundi ang pananampalatayang
gumagawa, na nagtutulak sa tao na sumunod. Kung paanong si Noe “dala ng
banal na takot, ay naghanda ng isang daong” (Hebreo 11:7), at ang Israel “Sa
pananampalataya'y nagsipagdaan sila sa gitna ng Dagat na Mapula” (Hebreo
11:29), gayon din si Abraham “Sa pananampalataya, nang subukin si
Abraham, ay inihandog si Isaac:” (Hebreo 11:17). Lagi, ang pananampalataya ay
may gawa o pagtalima.
Tiyak
na Tugon ng Diyos sa Ating Pagtalima
Mga
kapatid, ito ang kaaliwan para sa atin: kapag tayo’y sumusunod sa Diyos, Siya
ay tumutugon sa bawat pagtalima. “Talastas
ko ngayon,” ay isinulat para maunawaan natin na kinikilala at
ginagantimpalaan ng Diyos ang mga masunurin sa Kaniyang salita. Sabi ng
Hebreo 11:6, Siya ay “ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap.”
Subalit sa mga nakikinig ngunit hindi kumikilos, sinabi ng Panginoon, “Kailan
ma'y hindi ko kayo nangakilala:” (Mateo 7:23). Nakikita ba natin ang
pagkakaiba? Ang masunurin ay sinasabihan ng Diyos, “Talastas ko ngayon.”
Ang di-masunurin ay maririnig: “Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala.”
Yaong
Kaniyang Tunay na Nakilala, Idinagdag Niya sa Kaniyang Iglesia
Mga
kapatid, pansinin ninyo ang kaibahan. Sa mga masuwayin, sasabihin ni Jesus, “Kailan
ma’y hindi ko kayo nangakilala.” Subalit sa mga masunurin, sinabi ng
Kasulatan, “At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas”
(Gawa 2:47). Sino sila? Yaong mga masayang tumanggap ng salita, nagsisi, at
nagpabautismo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo sa ikapagpapatawad ng mga
kasalanan (Gawa 2:38,41). “Nangakilala” sila ng Diyos sa diwa
ng pagtanggap at pag-apruba sa kanilang pananampalatayang ipinakita sa pagtalima.
Kaya’t idinagdag sila—hindi ng tao, hindi sa pamamagitan ng boto, hindi sa
pamamagitan ng pag-anib, kundi ng Panginoon mismo. At bakit? Sapagkat ngayo’y
kinilala Niya sila bilang Kaniyang sariling bayan.
Panawagan
sa Masunuring Pananampalataya
Mga kaibigan at kapatid, ang tanong ay ito: ano ang masasabi ng Diyos tungkol sa iyo ngayon? Ang iyong pananampalataya ba ay nag-uudyok sa iyo na sumunod sa ebanghelyo—sumampalataya, magsisi, ipahayag si Cristo, at magpabautismo upang mapatawad ang iyong mga kasalanan (Marcos 16:16; Gawa 2:38)? O kuntento ka na ba sa “faith only”? Tandaan, tinanggap lamang ang pananampalataya ni Abraham nang ito ay sumunod. Naghihintay ang Diyos upang sabihin, “sapagka't talastas ko ngayon, na ikaw ay natatakot sa Dios,”—ngunit sasabihin lamang Niya ito kung ikaw ay tumalima sa Kanya.
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#ChurchOfChrist #ObedientFaith #Genesis22 #FaithAndWorks #KJVOnly #Acts247 #BibleTruth #RefutingFaithOnly
