Call on the Name of the Lord
The Bible’s Definition
I. Introduction
The phrase “calling on the name of the Lord” appears in both Old
and New Testaments. Many today misuse it to mean simply “say a prayer” or “call
God’s name aloud” to be saved. But the Bible shows that this “calling” is not
an empty vocal act. It is a covenantal appeal to God, made through obedience
to His revealed will.
In this study, we will let Scripture define this phrase — from its Old
Testament roots to its New Testament fulfillment — and show how it refutes the
modern “sinner’s prayer” doctrine.
I. Greek Parsing of “Call”
The Greek verb in Romans 10:13 (For whosoever shall call upon the
name of the Lord shall be saved) is ἐπικαλέω (epikaleō),
meaning:
“to invoke for aid,
appeal to for help, call upon” — especially in the sense of making an official request or petition
to one in authority.
In biblical use, this appeal is covenantal — made by God’s
prescribed means, not by self-invented methods.
III. Old Testament Foundation
The New Testament phrase comes from Joel 2:32:
“And it shall come to
pass, that whosoever shall call on the name of the LORD shall be delivered: for
in mount Zion and in Jerusalem shall be deliverance…”
Key Observations:
- The
deliverance is located — “in mount Zion and in Jerusalem” —
representing God’s covenant people.
- The
“calling” is part of a covenant relationship; it involves worship,
sacrifice, and faithfulness.
- OT worshipers “called” on God by approaching Him according to His law (cf. Psalm 116:17; Genesis 4:26).
Example — Psalm 116:17:
“I will offer to thee the sacrifice of
thanksgiving, and will call upon the name of the LORD.”
Here, “call” is tied
to obedient action — offering the commanded sacrifice.
IV. New Testament Fulfillment
1. Quoted by Peter on Pentecost
In Acts 2:21, Peter quotes Joel:
“And it shall come to
pass, that whosoever shall call on the name of the Lord shall be saved.”
But how did Peter explain this “calling”? He didn’t say “pray this
prayer.” Instead, he preached the death, burial, and resurrection of Christ
(vv. 22–36), leading the hearers to conviction:
“Men and brethren,
what shall we do?” (v.37)
Peter’s inspired answer:
“Repent, and be
baptized every one of you in the name of Jesus Christ for the remission of
sins…” (v.38)
Thus, their “calling” took the form of repenting and being baptized — God’s appointed way to appeal to Him for salvation.
2. The Result
· Acts 2:41 — “Then they that gladly received
his word were baptized…”
· Acts 2:47 — “…And the Lord added to the
church daily such as should be saved.”
The sequence is clear:
Hearing → Believing → Repenting → Being Baptized → Saved/Added by the Lord.
V. Direct Link: Calling and Baptism
The Bible explicitly ties “calling on the Lord” to baptism:
Acts 22:16 — “And now why tarriest thou? arise, and be baptized, and wash away
thy sins, calling on the name of the Lord.”
Here, the present participle “calling” shows that baptism itself
is the moment of appeal to God for salvation.
This matches 1 Peter 3:21 — baptism is “the answer [appeal] of a good conscience toward God.”
VI. Refutation of the “Sinner’s Prayer” Doctrine
The modern teaching that one is saved by “just calling Jesus’ name in
prayer” ignores the inspired explanation:
- No
example in Scripture shows an alien sinner praying for salvation without
obeying the Gospel.
- Every
conversion account in Acts includes baptism into Christ (Acts 8:12,
38; 10:48; 16:33; 18:8).
- Even Saul of Tarsus, after meeting Jesus, was still in his sins until he was baptized (Acts 22:16).
Romans 10:13 does not stand alone; it is explained by Romans 10:14–17:
- Calling
requires believing (v.14)
- Believing
requires hearing the Gospel (v.14)
- Hearing
requires a preacher (v.14–15)
- Faith
comes by hearing the word of God (v.17)
When that preached word is obeyed, the “calling” happens.
VII. Pattern of “Calling” in Scripture
Pattern: Obedience in faith → God responds with salvation or blessing
- Noah
— Genesis 6:22; 7:1
- Abraham
— Genesis 22:16–18
- Cornelius
— Acts 10:1–6, 31, 44
- Lydia
— Acts 16:14–15
In every case, God’s attention followed obedience, not mere verbal appeal.
VIII. Conclusion and Call to Action
Biblically, “calling on the name of the Lord” is not simply
uttering His name or reciting a prayer. It is an obedient appeal to God
according to His revealed will, culminating in repentance and baptism into
Christ for the remission of sins.
To “call” in the Bible’s sense is to submit to God’s plan of
salvation. Anything less is not the calling God promises to answer.
“Not every one that
saith unto me, Lord, Lord, shall enter into the kingdom of heaven; but he that
doeth the will of my Father which is in heaven.” — Matthew 7:21
Today, you can truly “call” on Him — not by inventing your own way, but by gladly
receiving His word, repenting of your sins, being baptized into Christ, and
living faithfully. Then, the Lord Himself will add you to His church and keep
you in His care.
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#CallOnTheNameOfTheLord #BiblicalCalling #PlanOfSalvation #Acts238 #TrueGospel #RepentAndBeBaptized #ObedienceToGod #BibleTruth #Salvation
Tumawag sa Pangalan ng Panginoon
Ang Kahulugan Ayon sa Biblia
I. Panimula
Ang pariralang “tumawag sa pangalan ng Panginoon” ay makikita sa
parehong Lumang Tipan at Bagong Tipan. Marami ngayon ang gumagamit nito sa
hidwang pamamaraan upang sabihing sapat na ang “manalangin” o “banggitin ang
pangalan ng Diyos” para maligtas. Ngunit ipinapakita ng Biblia na ang pagtawag
na ito ay hindi isang hungkag na pagbigkas lamang nito. Ito ay isang pakikipagtipan
o apela sa Diyos sa pamamagitan ng pagtalima sa Kaniyang ipinahayag na kalooban.
Sa pag-aaral na ito, hahayaan natin ang Kasulatan ang magpaliwanag ng pariralang ito — mula sa ugat nito sa Lumang Tipan hanggang sa katuparan sa Bagong Tipan — at ipapakita kung paano nito sinisira ang makabago at hidwang doktrina ng “sinner’s prayer.”
II. Pagsusuri sa Griyego ng “Tumawag”
Ang salitang Griyego sa Roma 10:13 (Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng
Panginoon ay mangaliligtas.) ay ἐπικαλέω (epikaleō, isinalin na
“nagsisitawag”), na ang ibig sabihin ay:
“humiling ng tulong,
dumulog o mag-apela” — lalo na sa diwa ng isang pormal na kahilingan sa may kapangyarihan.
Sa gamit ng Biblia, ang apelang ito ay palaging ayon sa tipan — ginagawa ayon sa itinakda ng Diyos, hindi sa sariling paraan ng tao.
III. Pundasyon sa Lumang Tipan
Ang pariralang ito ay mula sa Joel 2:32:
“At mangyayari na ang
sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas, sapagka't sa bundok ng
Sion at sa Jerusalem doroon yaong nangakatanan,…”
Mahahalagang Puna:
- Ang
kaligtasan ay may lokasyon — “sa bundok ng Sion at sa Jerusalem”
— kumakatawan sa bayan ng Diyos.
- Ang
“tumawag” ay bahagi ng relasyon
sa tipan; kasama rito ang pagsamba, paghahandog, at katapatan.
- Sa Lumang Tipan, ang mga sumasamba ay “tumatawag” sa Diyos sa pamamagitan ng paglapit sa Kaniya ayon sa Kaniyang kautusan (cf. Awit 116:17; Genesis 4:26).
Halimbawa — Awit 116:17:
“Aking ihahandog sa
iyo ang hain na pasalamat, at tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.”
Dito, ang “pagtawag” ay may kasamang pagsasagawa
ng utos — paghahandog ayon sa ipinag-utos.
IV. Katuparan sa Bagong Tipan
1. Binanggit ni Pedro sa Pentecostes
Sa Gawa 2:21, binanggit ni Pedro ang Joel:
“At mangyayari na ang
sinomang tumawag sa pangalan ng Panginoon, ay maliligtas.”
Ngunit paano ipinaliwanag ni Pedro ang “pagtawag” na ito? Hindi niya
sinabi, “manalangin kayo ng panalanging ito.” Sa halip, ipinangaral niya ang
kamatayan, pagkalibing, at pagkabuhay na maguli ni Cristo (vv. 22–36), na
nagdala sa mga nakikinig sa pagsisisi:
“Mga kapatid, anong
gagawin namin?” (v.37)
Ang sagot ni Pedro:
“Mangagsisi kayo, at
mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa
ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan;…” (v.38)
Kaya’t ang kanilang “pagtawag” ay sa pamamagitan ng pagsisisi at pagbautismo — ang paraan ng Diyos upang sila’y humingi ng kaligtasan.
2. Ang Kinalabasan
- Gawa
2:41 — “Yaon ngang
nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan:…”
- Gawa 2:47 — “…At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas.”
Malinaw ang pagkakasunod:
Pakikinig → Pananampalataya → Pagsisisi → Pagpapabautismo → Kaligtasan / Pagdaragdag ng Panginoon.
V. Tuwirang Ugnayan: Pagtawag at Bautismo
Tahasan na ikinabit ng Biblia ang “pagtawag sa Panginoon” sa bautismo:
Gawa 22:16 — “At ngayon bakit ka tumitigil? magtindig ka, at ikaw ay
magbautismo, at hugasan mo ang iyong mga kasalanan, na tumatawag sa kaniyang
pangalan.”
Dito, ang pangkasalukuyang pandiwang “tumatawag” ay nagpapakita na ang bautismo mismo ang sandali ng pag-apela sa Diyos para sa kaligtasan.
Katulad ito ng 1 Pedro 3:21 — ang bautismo ay “paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios.”
VI. Pagpapabulaan sa Doktrina ng “Sinner’s Prayer”
Ang modernong turo na maliligtas ang tao sa pamamagitan ng “pagsasabi
lang ng panalangin” ay hindi naaayon sa paliwanag ng Biblia:
- Wala
ni isang halimbawa sa Kasulatan na ang makasalanan ay naligtas sa
panalangin lamang nang hindi sumunod sa Ebanghelyo.
- Lahat
ng halimbawa ng pagbabalik-loob sa Gawa ay may bautismo kay Cristo
(Gawa 8:12, 38; 10:48; 16:33; 18:8).
- Maging si Saul, matapos makita si Jesus, ay nasa kasalanan pa hanggang siya’y nabautismuhan (Gawa 22:16).
Ang Roma 10:13 ay hindi hiwalay; ipinaliwanag ito ng Roma
10:14–17:
- Ang pagtawag
ay nangangailangan ng pananampalataya (v.14)
- Ang
pananampalataya ay nangangailangan ng pakikinig sa Ebanghelyo
(v.14)
- Ang
pakikinig ay nangangailangan ng mangangaral (v.14–15)
- Ang
pananampalataya ay sa pamamagitan ng pakikinig sa salita ng Dios
(v.17)
Kapag ang salitang ito ay sinunod, saka nangyayari ang “pagtawag.”
VII. Padron ng “Pagtawag” sa Kasulatan
Padron: Pagsunod sa pananampalataya → Tumutugon ang Diyos ng kaligtasan o
pagpapala
- Noe
— Genesis 6:22; 7:1
- Abraham
— Genesis 22:16–18
- Cornelio
— Gawa 10:1–6, 31, 44
- Lydia
— Gawa 16:14–15
Sa lahat ng kaso, ang pansin ng Diyos ay kasunod ng pagtalima, hindi ng anomang pagbigkas lamang.
VIII. Konklusyon at Panawagan
Ayon sa Biblia, ang “tumawag sa pangalan ng Panginoon” ay hindi
basta pagbanggit sa Kaniyang pangalan o pagbigkas ng isang panalangin. Ito ay pagsunod
na apela sa Diyos ayon sa Kaniyang itinakdang paraan, na nagtatapos sa
pagsisisi at pagbautismo kay Cristo para sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Ang tunay na “pagtawag” ay pagsuko sa plano ng Diyos para sa
kaligtasan. Anumang mas taliwas rito ay hindi ang pagtawag na tinutugunan
ng Diyos.
“Hindi ang bawa't
nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit;
kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.” — Mateo 7:21
Ngayon, maaari kang tunay na “tumawag” sa Kanya — hindi sa sariling paraan, kundi sa
pagtanggap sa Kaniyang salita, pagsisisi sa iyong mga kasalanan,
pagpapabautismo kay Cristo, at pamumuhay nang tapat. At ang Panginoon Mismo ang
magdaragdag sa iyo sa Kaniyang iglesia at mag-iingat sa iyo.
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#CallOnTheNameOfTheLord #BiblicalCalling #PlanOfSalvation #Acts238 #TrueGospel #RepentAndBeBaptized #ObedienceToGod #BibleTruth #Salvation
