PREFACE
The Purpose Of This Lecture Series
PREFACE
The purpose
of this lecture series is simple yet vital: to let the Scriptures speak plainly on a
matter that many today either neglect or dismiss—the wearing of the veil by
Christian women in prayer.
Through the
centuries, the people of God have struggled not only with false doctrines
introduced by men but also with the temptation to reduce the commands of God to
mere matters of culture, convenience, or opinion. This study is not born out of
a desire to argue for traditions of men but out of a commitment to uphold the
inspired Word of God, which alone is our standard of faith and practice.
In 1
Corinthians 11:2–16, the apostle Paul presents a teaching that is not cultural,
temporary, or optional. His reasoning is rooted in headship, creation order,
angelic witness, and the practice of all the churches of God. To dismiss such
teaching as irrelevant is to misunderstand the authority of apostolic doctrine.
This work
is presented in the hope of helping brethren see more clearly that the veil is
not an incidental matter. It is a divine ordinance that manifests obedience,
reverence, and submission to God’s eternal order. While the veil itself does
not save, the heart that willingly submits to apostolic instruction
demonstrates the kind of faith that abides in Christ.
It is also
my prayer that this study will speak not only to members of the Lord’s church
but also to those outside, who may be curious about what the Bible truly says
on this subject. Let the Scriptures, not culture, not tradition, not human
reasoning, be our guide.
May every
reader approach these pages with the spirit of the Bereans—“searching the
scriptures daily, whether those things were so” (Acts 17:11). If we are
willing to be doers of the Word, not hearers only (James 1:22), then we will
find in God’s instructions both clarity and blessing.
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#ChristianWomen #VeilInPrayer #HeadCovering #1Corinthians11 #BibleDoctrine #ChurchPractice #CreationOrder #ObedienceToGod #CristianongBabae #BeloSaPanalangin
PAUNANG SALITA
Ang Layunin Ng Seryeng Ito
PAUNANG SALITA
Ang layunin
ng seryeng ito ay simple ngunit napakahalaga: hayaan nating ang Kasulatan mismo
ang magsalita nang malinaw tungkol sa isang bagay na sa panahong ito ay
kadalasang binabalewala o itinatanggi—ang pagsusuot ng belo ng mga babaeng
Kristiyano sa pananalangin.
Sa loob ng
maraming siglo, ang bayan ng Diyos ay nakipagbuno hindi lamang laban sa mga
maling doktrinang ipinapasok ng mga tao kundi pati na rin sa tukso na gawing
usapin lamang na kultura, kaginhawahan, o opinyon ang mga utos ng Diyos. Ang
pag-aaral na ito ay hindi nagmula sa pagnanais na ipagtanggol ang mga tradisyon
ng tao, kundi mula sa matibay na paninindigan na itaguyod ang kinasihang Salita
ng Diyos, na Siya lamang ating pamantayan ng pananampalataya at pamumuhay.
Sa 1
Corinto 11:2–16, inilahad ng apostol Pablo ang isang katuruan na hindi panlupa,
hindi pansamantala, at hindi opsyonal. Ang kanyang pangangatuwiran ay nakaugat
sa pagkakasunud-sunod ng pagkapang-ulo, sa kaayusan ng paglalang, sa mga anghel
na saksi, at sa nakasanayang gawain ng lahat ng mga iglesia ng Diyos. Ang
pagturing sa katuruang ito bilang walang saysay o hindi mahalaga ay isang
maling pagkaunawa sa kapangyarihan ng doktrinang apostoliko.
Inilalahad
ang gawaing ito na may pag-asang makatulong sa mga kapatid upang higit na
makita na ang belo ay hindi isang bagay na di-mahalaga. Ito ay isang banal na
utos na nagpapakita ng pagsunod, paggalang, at pagpapasakop sa walang hanggang
kaayusan ng Diyos. Bagama’t ang belo mismo ay hindi nakapagliligtas, ang pusong
kusang nagpapasakop sa turo ng mga apostol ay nagpapakita ng uri ng
pananampalatayang nananatili kay Cristo.
Panalangin
ko rin na ang pag-aaral na ito ay magsilbing tinig hindi lamang sa mga kasapi
ng iglesia ng Panginoon kundi maging sa mga nasa labas, na maaaring mausisa
kung ano nga ba talaga ang sinasabi ng Biblia tungkol sa paksang ito. Hayaan
nating ang Kasulatan—hindi kultura, hindi tradisyon, hindi pangangatwirang
pantao—ang maging ating patnubay.
Nawa’y
lapitan ng bawat mambabasa ang mga pahinang ito na may diwa ng mga taga-Berea—“sinisiyasat araw-araw ang mga kasulatan,
kung tunay nga ang mga bagay na ito” (Gawa 17:11). Sapagkat kung tayo’y
handang maging tagatupad ng Salita, at hindi tagapakinig lamang (Santiago
1:22), matatagpuan natin sa mga tagubilin ng Diyos ang malinaw na pag-unawa at
dakilang pagpapala.
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#ChristianWomen #VeilInPrayer #HeadCovering #1Corinthians11 #BibleDoctrine #ChurchPractice #CreationOrder #ObedienceToGod #CristianongBabae #BeloSaPanalangin