INTRODUCTION
1 Corinthians 11:2–16
INTRODUCTION
Among the
many teachings of the apostle Paul, few have been more debated, neglected, or
misunderstood in modern times than his words in 1 Corinthians 11:2–16
concerning the veil. For some, this passage is dismissed as an artifact of
ancient Corinthian culture. For others, it is embraced but with little
understanding of its depth and significance. And for still others, it is a
source of contention, avoided in preaching and practice because it seems “too
controversial.”
Yet the
inspired Word leaves us no room to treat this as an optional matter. Paul
begins his instruction by commending the Corinthians for keeping the ordinances
as delivered (1 Cor. 11:2) and ends by affirming that what he has taught is the
uniform practice of all the churches of God (v. 16). Between those verses, he
builds a layered argument that appeals not to culture but to creation order,
headship, the witness of angels, and the testimony of nature
itself.
This
introduction makes clear that the question before us is not whether veiling was
practiced in the first century—it certainly was—but whether the principle
behind it was temporary or timeless. If Paul’s reasoning is bound to creation
and to the order God established from the beginning, then the veil cannot be
dismissed as a local custom. It stands as a visible expression of an eternal
truth: that God is the head of Christ, Christ is the head of man, and man is
the head of woman (1 Cor. 11:3).
In this
study, we will approach the question with a single guiding conviction: Scripture
interprets Scripture. We will not lean on denominational traditions, human
speculation, or cultural trends. Instead, we will carefully exegete the
inspired text, consider the Greek terms Paul used, survey the testimony of the
early church, answer common objections, and show how this teaching fits into
the broader theological framework of God’s order.
The
question, “Is the wearing of the veil a salvation issue?” will also be
addressed directly. The answer lies not in the cloth itself but in what the
cloth represents—submission to God’s Word and God’s order. For while the veil
may not be listed as a condition of initial salvation, willful rejection of
apostolic teaching places one’s faith on dangerous ground (1 Cor. 14:37; James
4:17).
This book
is written for two audiences:
·
For brethren in Christ, that they may see
that the veil is not cultural or optional, but a commandment of the Lord
through His apostle.
·
For seekers outside the church, that they
may see how consistent, harmonious, and authoritative the Scriptures are, even
on issues often thought minor.
May this
introduction prepare your heart and mind for the chapters that follow. As you
read, remember the call of the Bereans who “searched the scriptures daily,
whether those things were so” (Acts 17:11).
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#ChristianWomen #VeilInPrayer #HeadCovering #1Corinthians11 #BibleDoctrine #ChurchPractice #CreationOrder #ObedienceToGod #CristianongBabae #BeloSaPanalangin
PANIMULA
1 Corinto 11:2–16
PANIMULA
Sa lahat ng
mga aral ng apostol Pablo, kakaunti lamang ang mas pinagtatalunan,
napapabayaan, o hindi naiintindihan sa panahon ngayon kaysa sa kaniyang sinabi
sa 1 Corinto 11:2–16 tungkol sa pagsusuot ng belo. Para sa ilan, itinuturing
nila itong bahagi lang ng kultura ng sinaunang Corinto. Para naman sa iba,
tinatanggap nila ito pero hindi lubos na nauunawaan ang lalim at kahalagahan
nito. At may ilan din na iniiwasang ituro o isagawa ito dahil para sa kanila,
ito ay “masyadong kontrobersyal.”
Ngunit ang
kinasihang Salita ng Diyos ay hindi nagbibigay ng puwang para ituring ito na
opsyonal lang. Sinimulan ni Pablo ang kaniyang pagtuturo sa pamamagitan ng
pagpuri sa mga taga-Corinto dahil sa kanilang pag-iingat sa mga ordinansang
itinuro sa kanila (1 Cor. 11:2), at tinapos niya ito sa pagsasabing ang kanyang
itinuro ay sinusunod sa lahat ng mga iglesia ng Diyos (talata 16). Sa pagitan
ng dalawang pahayag (talata) na ito, naglatag si Pablo ng matibay na
dahilan—hindi nakabatay sa kultura, kundi sa kaayusan ng paglalang, sa pagkapang-ulo
(headship), sa patotoo ng mga anghel, at maging sa mismong patunay ng
kalikasan.
Kaya
malinaw na ang tanong ay hindi kung ginagamit nga ba ang belo noong unang
siglo—sapagkat totoo ngang isinusuot ito—kundi kung ang prinsipyo sa likod nito
ay pansamantala lang o panghabang-panahon. At kung ang pangangatwiran ni Pablo
ay nakaugat sa kaayusan ng Diyos mula pa sa paglalang, kung gayon ang belo ay
hindi lamang lokal na kaugalian. Ito ay isang nakikitang tanda ng walang
hanggang katotohanan: na ang Diyos ang ulo ni Cristo, si Cristo ang ulo ng
lalaki, at ang lalaki ang ulo ng babae (1 Cor. 11:3).
Sa
pag-aaral na ito, aatakihin natin ang usapin sa isang tiyak na paninindigan:
ang Kasulatan ay nagpapaliwanag ng Kasulatan. Hindi tayo aasa sa mga tradisyon
ng denominasyon, sa haka-haka ng tao, o sa mga uso ng kultura. Sa halip,
pag-aaralan nating mabuti ang mismong teksto ng Biblia, titignan ang mga
salitang Griego na ginamit ni Pablo, sisilipin ang patotoo ng unang iglesia,
sasagutin ang karaniwang mga pagtutol, at ipapakita kung paano ang katuruang
ito ay akma sa mas malawak na plano at kaayusan ng Diyos.
Sasagutin
din natin ang tanong na, “Ang pagsusuot ba ng belo ay usapin ng kaligtasan?”
Ang sagot ay hindi nakabatay sa mismong tela ng belo, kundi sa kahulugan
nito—ang pagpapasakop sa Salita ng Diyos at sa Kanyang kaayusan. Sapagkat
bagaman ang belo ay hindi nakalista bilang kundisyon ng unang pagkaligtas, ang
sadyang pagtanggi sa aral ng mga apostol ay naglalagay sa pananampalataya ng
tao sa mapanganib na kalagayan (1 Cor. 14:37; Santiago 4:17).
Isinulat
ang serye na ito para sa dalawang uri ng mambabasa:
·
Para sa mga kapatid kay Cristo, upang makita
nila na ang belo ay hindi pangkultura o opsyonal lamang, kundi isang utos ng
Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang apostol.
·
Para sa mga naghahanap na wala pa sa iglesia,
upang makita nila na ang Kasulatan ay buo, magkakaugnay, at may kapamahalaan—kahit
sa mga bagay na madalas ituring ng tao na maliit.
Nawa’y
ihanda ng panimulang ito ang iyong puso at isipan sa mga susunod na kabanata.
At sa iyong pagbabasa, alalahanin ang halimbawa ng mga taga-Berea na “araw-araw nilang sinusuri ang mga kasulatan,
kung tunay nga ang mga bagay na ito” (Gawa 17:11).
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#ChristianWomen #VeilInPrayer #HeadCovering #1Corinthians11 #BibleDoctrine #ChurchPractice #CreationOrder #ObedienceToGod #CristianongBabae #BeloSaPanalangin

