Lesson 7: The Destination of the Church
Key Passages: Ephesians 5:23, 27
Verse 23 — “For the husband is the head of the wife, even as
Christ is the head of the church: and he is the saviour of the body.”
Verse 27 — “That he might present it to himself a glorious
church, not having spot, or wrinkle, or any such thing; but that it should be
holy and without blemish.”
Introduction
What is the end of the church's journey? What awaits the faithful body
of Christ? While the world views the church as a temporary religious
institution, the Bible reveals a far more glorious destiny: the church will be presented
to Christ, “not having spot, or
wrinkle, or any such thing;” (Ephesians 5:27) —as a holy bride—to
dwell with Him forever. This final lesson unveils the eternal destination
of the church and confirms that only those who remain in the body of Christ
will share in His everlasting glory.
Historical Context
Paul's epistle to the Ephesians was written to remind the saints of
their high calling in Christ and to exhort them to live worthy of that calling.
In chapter 5, Paul draws a powerful parallel between marriage and the relationship
of Christ and the church. Christ loved the church, gave Himself for it,
sanctified it, and will one day present it to Himself, glorious and
without blemish.
Biblical Context
The New Testament consistently presents the church as:
- The body of the
saved — Acts 2:47; Eph. 5:23
- The bride of
Christ — Rev. 19:7–8; 2 Cor. 11:2
- The spiritual
temple — 1 Pet. 2:5; Eph. 2:21
- The family of God
— Eph. 2:19; 1 Tim. 3:15
These images all point to the intimate, covenant relationship
between Christ and the church. And this relationship is not just for time—it is
eternal.
Greek Exegesis: “Present” (Eph. 5:27)
Greek: παραστήσῃ (parastēsē) — aorist active subjunctive of
παρίστημι
- Meaning: to cause to
stand beside, to present formally (like a bride to the groom).
- Used also in
Colossians 1:28 — “present every man perfect in Christ Jesus.”
Commentary:
This is not a general gathering of all religious people—it is Christ
personally presenting His church, now glorified and perfected, as His own.
The purity of this church is not based on human achievement, but on her
continued obedience to the truth and cleansing by His blood (Eph. 5:26).
Full Scripture Cross-Referencing
- John 14:2–3 —
“I go to prepare a place for you… I will come again, and receive you unto
myself…”
- 1 Thessalonians
4:16–17 — The faithful will be caught up “to meet the Lord in the
air.”
- Revelation 21:2
— “Prepared as a bride adorned for her husband.”
Doctrinal Note:
The saved are not a scattered group across denominations. They are the
church, the bride, the body. It is this group, and no other, that
Christ will return for.
Doctrinal Significance & Application
- Christ is the
Saviour of the body—only those in the church are saved (Eph. 5:23).
- The glorious
church Christ will receive is without spot—meaning, without
doctrinal corruption or compromise.
- The goal is not just
to worship, but to be ready for His return.
Application Today:
Many view the church as optional, irrelevant, or outdated. But to
Christ, it is His bride, His body, His prized possession.
The question is not, “Do you attend church?” but “Are you in the church that
Jesus will receive?”
Refutation of False Doctrines
✘False
View #1: All sincere believers, regardless of church, will be saved.
📖 Refuted by: Acts 2:47; Eph. 5:23; 1
Cor. 12:13
✞Truth: Salvation is in
Christ, and being in Christ means being in His body, the church.
✘False
View #2: The church is irrelevant; what matters is your personal relationship
with God.
📖 Refuted by: Eph. 3:21; 1 Tim. 3:15
✞Truth: One cannot
have a “relationship with Christ” while rejecting His body.
✘False
View #3: The church is made up of all denominations.
📖 Refuted by: 1 Cor. 1:10–13; John
17:21
✞Truth: Christ is not
divided. His church is one, not many. Denominationalism is division, not
unity.
Conclusion and Exhortation
The church began in the mind of God before the world was made (Eph. 3:10–11). It was built by Christ, purchased with His blood, sustained by the Spirit, and sanctified by the Word. And soon—Christ will return to receive His church, spotless, faithful, glorious.
Be in it. Stay in it. Glorify God through it. For when the trumpet
sounds and the Lord returns, only the saved—the church—will be caught up in
glory. Make your calling and election sure.
“To him be glory in the church by Christ Jesus throughout all ages,
world without end. Amen.” — Ephesians 3:21
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#ChurchOfChrist #BiblicalChurch #BrideOfChrist #ChurchDestiny #NewTestamentChurch #BibleTruth #KJVOnly #SoundDoctrine #EndTimeTruth #HeavenlyGlory #IglesiaNiCristo #TamangIglesia #KasintahanNiCristo #PatutunguhanNgIglesia #Kaluwalhatian #Efeso521 #BibliaLamang #KatotohananSaBiblia
Aralin 7: Ang Patutunguhan ng Iglesia
Talata: Efeso 5:23, 27
Talata 23 — “Sapagka't ang
lalake ay pangulo ng kaniyang asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng
iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.”
Talata 27 — “Upang ang
iglesia ay maiharap niya sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis ni
kulubot man, o anomang gayong bagay; kundi ito'y nararapat maging banal at
walang kapintasan.”
Panimula
Ano ang hangganan ng paglalakbay ng iglesia? Ano ang naghihintay sa
tapat na nasa katawan ni Cristo? Habang ang mundo ay tumitingin sa iglesia
bilang pansamantalang relihiyosong samahan, ang Biblia ay nagpapahayag ng higit
na maluwalhating katotohanan: ang iglesia ay ihaharap kay Cristo,
pinapaging-banal, “maluwalhati, na walang
dungis o kulubot o anomang gayong bagay;” (Efeso 5:27)—bilang banal na
kasintahan—upang manahan na kasama Niya magpakailanman. Ang panghuling
araling ito ay naglalantad ng walang hanggang hantungan ng iglesia at
pinatutunayan na tanging ang mga nanatili sa katawan ni Cristo ang magtatamo ng
kaluwalhatiang iyon.
Konteksto Ayon sa Kasaysayan
Ang sulat ni Pablo sa mga taga-Efeso ay isinulat upang ipaalala sa mga alagad
ang kanilang banal na pagkatawag kay Cristo at hikayatin silang lumakad na
karapat-dapat dito. Sa kabanata 5, inihalintulad ni Pablo sa “pag-aasawa”
ang relasyon ni Cristo at ng iglesia. Inibig ni Cristo ang iglesia,
ibinigay ang Kaniyang sarili para rito, nilinis ito, at darating ang panahon na
ihaharap Niya ito sa Kaniyang sarili, maluwalhati at walang dungis.
Kontekstong Biblikal
Ang Bagong Tipan ay laging inilalarawan ang iglesia bilang:
- Katawan ng mga
iniligtas — Gawa 2:47; Efeso 5:23
- Kasintahan ni
Cristo — Apoc. 19:7–8; 2 Cor. 11:2
- Templo ng Dios
— 1 Pedro 2:5; Efeso 2:21
- Pamilya ng Dios
— Efeso 2:19; 1 Tim. 3:15
Ang lahat ng larawang ito ay nagpapakita ng malapit at tipanang
ugnayan sa pagitan ni Cristo at ng iglesia. At ang ugnayang ito ay hindi
pansamantala kundi walang hanggan.
Pag-aaral ng Salitang Griyego na Ginamit: “Iharap” (Efeso 5:27)
Griyego: παραστήσῃ (parastēsē) — anyong aorist, aktibo,
subjunctive ng παρίστημι
- Kahulugan: ilagay sa
tabi, iharap ng pormal (tulad ng ikakasal na babae sa kanyang lalake).
- Ginamit din sa
Colosas 1:28 — “maiharap ang bawa't tao na sakdal kay Cristo Jesus.”
Tandaan:
Ito ay hindi pagtitipon ng lahat ng relihiyosong tao—ito ay personal
na pagharap ni Cristo sa Kaniyang iglesia, na ngayo'y niluwalhati at
ginawang sakdal. Ang kadalisayan ng iglesia ay hindi bunga ng sariling gawa
kundi ng tuloy-tuloy na pagtalima sa katotohanan at pagkalinis sa pamamagitan
ng Kaniyang dugo (Efeso 5:26).
Buong Pagpapatibay mula sa Kasulatan
- Juan 14:2–3 —
“...ako'y paroroon upang kayo'y
ipaghanda ng dakong kalalagyan... ako'y paririto uli, at kayo'y
tatanggapin ko sa aking sarili...”
- 1 Tesalonica
4:16–17 — Ang mga tapat ay sasalubungin ang Panginoon sa hangin.
- Apocalipsis 21:2
— “...nahandang gaya ng isang
kasintahang babae na nagagayakan dahil sa kaniyang lalake.”
Tandaan:
Ang mga iniligtas ay hindi mula sa mga hiwa-hiwalay na mga denominasyon
ng tao. Sila ay ang iglesia na itinayo ng ating Panginoong Jesuscristo,
ang kasintahan, ang katawan. Ito ang grupong ililigtas ni Cristo—at wala
nang iba.
Makabuluhang Aplikasyon ng Doctrina:
- Si Cristo ang
Tagapagligtas ng katawan—samakatuwid, tanging ang mga nasa iglesia Niya
lamang ang ligtas (Efeso 5:23).
- Ang maluwalhating
iglesia na tatanggapin ni Cristo ay walang dungis—ibig sabihin,
walang hidwang doktrina o kompromiso.
- Ang layunin ay hindi
lamang pagsamba, kundi maihanda ang sarili sa Kaniyang
pagbabalik.
Sa Kasalukuyan:
Marami ang tinitingnan ang iglesia na di-kailangan, hindi mahalaga, o
lipas na. Ngunit kay Cristo, ito ay Kaniyang kasintahan, katawan,
kayamanang espirituwal. Ang tanong ay hindi lang “Sumasamba ka ba?”
kundi “Nasa iglesia ka ba na tatanggapin ni Cristo?”
Pagpapabulaan sa mga Maling Aral
✘Maling
Pananaw #1: Lahat ng tapat na mananampalataya, anuman ang iglesia, ay
maliligtas.
📖 Pinabubulaanan
ng Kasulatan: Gawa 2:47; Ef. 5:23; 1 Cor. 12:13
✞Katotohanan:
Kaligtasan ay nasa kay Cristo, at ang pagiging kay Cristo ay
nangangahulugang nasa Kaniyang katawan—ang iglesia.
✘Maling
Paniniwala #2: Hindi mahalaga ang iglesia; mahalaga ang personal na relasyon sa
Dios.
📖 Pinabubulaanan
ng Kasulatan: Ef. 3:21; 1 Tim. 3:15
✞Katotohanan: Hindi
maaaring may “relasyon kay Cristo” habang tinatanggihan ang Kaniyang katawan.
✘Maling
Pananaw #3: Ang iglesia ay binubuo ng lahat ng denominasyon.
📖 Pinabubulaanan
ng Kasulatan: 1 Cor. 1:10–13; Juan 17:21
✞Katotohanan: Si
Cristo ay hindi nahahati. Ang Kaniyang iglesia ay iisa, hindi marami.
Ang denominasyonalismo ay pagkakabaha-bahagi, hindi pagkakaisa.
Konklusyon at Panawagan
Ang iglesia ay nagsimula sa isipan ng Dios bago pa nilikha ang
sanlibutan (Ef. 3:10–11). Ito'y itinayo ni Cristo, binili sa pamamagitan ng Kaniyang
dugo, pinalakas ng Espiritu, at pinabanal ng Kaniyang salita. At malapit na—si
Cristo ay babalik upang tanggapin ang Kaniyang iglesia na walang dungis, tapat,
at maluwalhati.
Nasa loob ka ba? Nanatili ka ba? Ipinamumuhay mo ba ang pagiging bahagi
mo sa iglesia? Sapagka’t sa pagbalik ng Panginoon, tanging ang iglesia ang
dadalhin Niya sa kaluwalhatian. Maging tapat. Maging handa. Maging banal.
“Ay sumakaniya nawa ang
kaluwalhatian sa iglesia at kay Cristo Jesus sa buong panahon magpakailan man.
Siya nawa.” — Efeso 3:21
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#ChurchOfChrist #BiblicalChurch #BrideOfChrist #ChurchDestiny #NewTestamentChurch #BibleTruth #KJVOnly #SoundDoctrine #EndTimeTruth #HeavenlyGlory #IglesiaNiCristo #TamangIglesia #KasintahanNiCristo #PatutunguhanNgIglesia #Kaluwalhatian #Efeso521 #BibliaLamang #KatotohananSaBiblia