Lesson 6: The Worship of the Church
Key Passage: John 4:23–24
“But the hour cometh, and now is,
when the true worshippers shall worship the Father in spirit and in truth: for
the Father seeketh such to worship him.
God is a Spirit: and they that worship
him must worship him in spirit and in truth.”
Introduction
Worship is not about personal preference, emotion, or cultural
tradition—it is about what God desires. Jesus declared that true
worshippers must worship the Father “in spirit and in truth.” This
statement forever defines the standard for acceptable worship. In a world where
churches compete for attention with entertainment, performance, and innovation,
the Lord's church must return to New Testament worship—as revealed by
the Holy Spirit, not imagined by men. This lesson will expose the pattern, the
purpose, and the purity of true worship.
Historical Context
In John 4, Jesus speaks to a Samaritan woman at Jacob’s well. The
Samaritans worshiped in Mount Gerizim, while the Jews worshiped in Jerusalem.
This conversation occurred under the Old Covenant, yet Jesus points forward to
a new kind of worship—no longer tied to a physical place, but centered
in spirit and truth. This marked a radical shift: worship would no longer
be about geography, but about heart and obedience to divine truth.
Biblical Context
The New Testament reveals five distinct acts of worship
practiced by the early church—authorized by God, consistent with truth, and
conducted with reverent spirit:
1. Singing (A cappella, congregational)
- Ephesians 5:19
— “Speaking to yourselves in psalms and hymns and spiritual songs… singing
and making melody in your heart to the Lord.”
- Colossians 3:16
— “...singing with grace in your hearts to the Lord.”
- Hebrews 13:15
— “...the fruit of our lips giving thanks to his name.”
No New Testament passage authorizes instrumental music in worship.
Singing is vocal, spiritual, and directed from the heart to
God.
2. Praying
- Acts 2:42 —
“And they continued stedfastly in... prayers.”
- 1 Timothy 2:1–8
— Prayers of intercession, supplication, thanksgiving.
- 1 Thessalonians
5:17 — “Pray without ceasing.”
Prayer is communication with God led by a faithful man—always offered
in Jesus’ name (John 16:23).
3. Preaching and Teaching
- Acts 20:7 —
Paul preached when disciples gathered on the first day of the week.
- 2 Timothy 4:2
— “Preach the word...”
- 1 Corinthians
14:26 — Edification must be the purpose of every message.
The pulpit is not for motivational speaking or entertainment—it is for the
proclamation of God’s Word.
4. Giving (Freewill Offering)
- 1 Corinthians
16:1–2 — “Upon the first day of the week... let every one of you lay
by him in store...”
- 2 Corinthians 9:7
— “...God loveth a cheerful giver.”
Giving is not fundraising, selling, or coercion. It is the freewill,
purposeful offering of Christians on every Lord’s day.
5. Lord’s Supper (Communion)
- Acts 20:7 —
“Upon the first day of the week… to break bread…”
- 1 Corinthians
11:23–29 — Detailed instructions for proper observance.
The Lord’s Supper is a weekly memorial of Christ’s
death—consisting of unleavened bread and fruit of the vine—partaken by the
saints on every Sunday, not quarterly or annually.
Greek Exegesis: "Worship" (John 4:24)
Greek: προσκυνέω (proskuneō)
- From pros
(“toward”) and kuneō (“to kiss”) — means to bow in reverence,
to express homage or adoration.
- Always directed
toward a superior, esp. God.
Remember:
Worship is not self-expression—it is God-centered reverence. The
Greek structure makes clear that worship must be both spiritual in nature
and anchored in truth. Either component missing results in vain worship
(Matt. 15:9).
Full Scripture Cross-Referencing
- Matthew 15:8–9
— “In vain they do worship me, teaching for doctrines the commandments of
men.”
- Acts 2:42 —
They continued “steadfastly” in apostolic worship.
- Hebrews 10:25
— “Not forsaking the assembling of ourselves together…”
Doctrinal Note:
Biblical worship must be authorized, consistent, and offered
with reverence. Innovations such as clapping, praise dancing, drama,
instruments, and emotion-driven performances are without divine authority.
Doctrinal Significance & Application
- Worship is not
optional—it is what the Father seeks (John 4:23).
- We must not worship
according to what pleases us, but according to what God has
revealed.
- Acceptable worship requires
reverent spirit and scriptural truth.
Application Today:
The modern church is tempted to chase popularity by altering
worship—adding bands, drama, emotionalism, or casual attitudes. But God has
not changed. To worship in spirit and truth is to obey the revealed New
Testament pattern—without subtraction or addition.
Refutation of False Doctrines
✘False
View #1: Instrumental music is acceptable in worship.
📖 Refuted by:
Eph. 5:19; Col. 3:16; Heb. 13:15
✞Truth: The New
Testament authorizes only singing—from the heart. Instruments are foreign
to apostolic worship.
✘False
View #2: We may take the Lord’s Supper monthly or quarterly.
📖 Refuted
by: Acts 20:7; 1 Cor. 11:26
✞Truth:
Early Christians partook weekly, every first day of the week.
✘False
View #3: Worship should be exciting, innovative, and culturally engaging.
📖 Refuted by:
Matt. 15:9; John 4:24
✞Truth:
Worship must be in truth, not according to culture or carnal appeal.
Conclusion and Exhortation
God is not worshiped by accident, convenience, or entertainment. He is
worshiped when His people come before Him in humility, obeying the pattern
revealed in His Word. To alter worship is to insult His holiness. To preserve
it is to honor His will.
Exhortation:
Let us be the true worshippers the Father is seeking. Let us cast out
the innovations of men and return to the pure, reverent, joyful, biblical
worship of the New Testament church. Worship is not about us—it is all
about Him.
“Let us have grace, whereby we may serve God acceptably with reverence
and godly fear.”
— Hebrews 12:28 (KJV)
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#TrueWorship #WorshipInSpiritAndTruth #NTWorship #BiblicalWorship #ChurchOfChrist #TunayNaPagsamba #PagsambaSaEspirituAtKatotohanan #PagsambaNgIglesia #IglesiaSaBibliya #WalangInstrumento
Aralin 6: Ang Pagsamba ng Iglesia
Pangunahing Talata: Juan 4:23–24
“Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na ang mga tunay na
mananamba ay sasamba sa Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng
Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.
Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang
magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.”
Panimula
Ang pagsamba ay hindi ayon sa kagustuhan ng tao, damdamin, o
tradisyon—ito’y ayon sa kalooban ng Dios. Idineklara ni Jesus na ang tunay
na mananamba ay kinakailangang sumamba “sa espiritu at sa katotohanan.” Ang
pahayag na ito ang panghabambuhay na pamantayan ng katanggap-tanggap na
pagsamba. Sa mundong ginagawang entertainment
o aliwan at animo’y palabas ang pagsamba, ang iglesia ng Panginoon ay
kailangang tumalima sa padron ng Bagong Tipan—hindi batay sa imahinasyon
ng tao, kundi ayon sa kalooban ng Dios. Tatalakayin sa araling ito ang padron,
layunin, at kadalisayan ng tunay na pagsamba.
Ang Konteksto Ayon sa Kasaysayan
Sa Juan 4, kinausap ni Jesus ang isang babaeng Samaritana sa may balon
ni Jacob. Ang mga Samaritano ay sumasamba sa Bundok Gerizim; ang mga Judio
naman sa Jerusalem. Ngunit sinabi ni Jesus na dumarating na ang panahon na ang
tunay na pagsamba ay hindi na batay sa lugar, kundi nakasentro sa
espiritu at katotohanan. Isa itong malaking pagbabago—hindi na lugar ang
batayan, kundi puso at pagtalima sa katotohanan ng Dios.
Kontekstong Biblikal
Ang Bagong Tipan ay nagpapakita ng limang tiyak at banal na gawaing
pang-samba ng iglesia—ipinag-utos ng Dios, nakaugat sa katotohanan, at
isinasagawa nang may paggalang:
1. Pag-awit (Walang instrumento, sabayang tinig)
- Efeso 5:19 —
“Na kayo’y mangagusapan ng mga salmo
at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu… na nagsiawit at nangagsiawit
sa inyong puso sa Panginoon.”
- Colosas 3:16
— “...na nagsiawit na may biyaya sa
inyong puso sa Dios.”
- Hebreo 13:15
— “...ang bunga ng mga labi na
nagpapahayag ng kaniyang pangalan.”
Wala ni isang talata sa Bagong Tipan na nag-aatas ng paggamit ng
instrumento sa pagsamba. Ang pag-awit ay mula sa puso, para sa Dios,
at walang kasamang tugtugin.
2. Panalangin
- Gawa 2:42 — “At sila'y nangagpatuloy sa... mga
pananalangin.”
- 1 Timoteo 2:1–8
— Mga panalangin ng pagsusumamo, pamamagitan, at pasasalamat.
- 1 Tesalonica 5:17
— “Manalangin kayong walang patid.”
Ang panalangin ay pakikipag-usap sa Dios, na pinangungunahan ng
lalaking matapat—laging sa pangalan ni Jesus (Juan 16:23).
3. Pangangaral at Pagtuturo
- Gawa 20:7 —
Nangaral si Pablo nang magtipon ang mga alagad sa unang araw ng sanlinggo.
- 2 Timoteo 4:2
— “Ipangaral mo ang salita…”
- 1 Corinto 14:26
— Ang lahat ay para sa ikatitibay.
Ang pulpito ay hindi para sa entertainment o motivational speaking,
kundi para sa malinis na pangangaral ng Salita ng Dios.
4. Pagbibigay o Ambagan (Kusang-loob na paghahandog)
- 1 Corinto 16:1–2
— “Sa unang araw ng sanglinggo...
magbukod ang bawa’t isa sa inyo…”
- 2 Corinto 9:7
— “...ang Dios ay umiibig sa
nagbibigay na masaya.”
Hindi ito fundraising, bentahan, o sapilitang bigay. Ang pagbibigay ay kusang-loob,
masaya, at ayon sa kapasidad—tuwing Linggo.
5. Hapunan ng Panginoon (Banal na Pag-alala)
- Gawa 20:7 — “Nang unang araw ng sanlinggo, nang
kami'y nangagkakatipon upang pagputolputulin ang tinapay…”
- 1 Corinto
11:23–29 — Mga tagubilin kung paano ito isasagawa nang may paggalang.
Ito’y pag-alaala sa kamatayan ni Cristo hanggang sa dumating
Siya sa pamamagitan ng pagpuputol ng tinapay na walang lebadura at at pag-inom
ng katas ng ubas—sa unang araw ng
sanlinggo—hindi buwanan o minsanan lamang.
Pag-aaral ng Salitang Griyego na Gunamit: "Pagsamba" (Juan 4:24)
Griyego: προσκυνέω (proskuneō)
- Mula sa pros (“papalapit”) at kuneō (“halik”) — nangangahulugang
yumuko na may paggalang, magbigay ng pagpaparangal.
Tandaan:
Ang pagsamba ay pagbibigay-galang at papuri sa Dios, hindi pabalat-kayong
pagpapahayag. Dapat itong mula sa espiritu at ayon sa katotohanan.
Kung may anomang kakulangan o pagdaragdag dito, ito’y walang kabuluhang
pagsamba (Mateo 15:9).
Buong Pagpapatibay mula sa Kasulatan
- Mateo 15:8–9
— “Sa bibig sila'y iginagalang ako,
datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin… sa walang kabuluhan ay
sumasamba sila sa akin…”
- Gawa 2:42 — “sila'y nagsipanatiling matibay sa turo
ng mga apostol.”
- Hebreo 10:25
— “Na huwag nating pabayaan ang
ating pagkakatipon…”
Dapat Unawaing Doktrina:
Ang pagsamba sa Dios ay dapat awtorisado ng Dios, kapareho ng
una sa Bagong Tipan, at may paggalang. Ang mga bagong imbensyon gaya
ng palakpakan, sayaw, drama, banda, at emosyonal na palabas ay walang
kapahintulutan sa Bagong Tipan.
Mahalagang Aral at Aplikasyon
- Ang pagsamba ay hindi
opsyonal—kundi sa espiritu at
katotohanan—ito ang hinahanap mismo ng Ama (Juan 4:23).
- Hindi tayo dapat
sumamba ayon sa ating kagustuhan, kundi ayon sa inihayag ng Dios.
- Ang
katanggap-tanggap na pagsamba ay mula sa pusong may paggalang at ayon
sa Kasulatan.
Aplikasyon:
Sa panahon ngayon, binabago ng maraming iglesia ang pagsamba upang
“makatawag-pansin” ng mga tao—dinadagdagan ng drama, musika, palabas, at emosyon.
Ngunit hindi nagbabago ang Dios. Ang tunay na pagsamba ay yaong ayon
sa espiritu at katotohanan, gaya ng itinuro ng mga apostol noong una.
Pagpapabulaan sa mga Maling Aral
✘Maling
Aral #1: Maaaring gumamit ng instrumento sa pagsamba.
📖 Pinabulaanan
ng: Ef. 5:19; Col. 3:16; Heb. 13:15
✞Katotohanan: Ang
Bagong Tipan ay tanging pag-awit ang inaatas. Ang instrumento ay wala
sa turo ng mga apostol.
✘Maling
Aral #2: Maaaring isagawa ang Hapunan ng Panginoon buwanan o minsan lamang.
📖 Pinabulaanan
ng: Gawa 20:7; 1 Cor. 11:26
✞Katotohanan: Ang mga
unang Kristiano ay lingguhang nakikibahagi—tuwing unang araw ng
sanlinggo.
✘Maling
Aral #3: Dapat maging masaya, makabago, at nakaaaliw ang pagsamba.
📖 Pinabulaanan
ng: Mateo 15:9; Juan 4:24
✞Katotohanan:
Ang pagsamba ay dapat ayon sa katotohanan, hindi sa kultura o aliwan
(entertainment).
Konklusyon at Panawagan
Ang tunay na pagsamba ay hindi aksidente, hindi aliwan, at hindi ayon
sa mundo. Ito ay pagsamba na may paggalang at pagtalima. Ang Dios ay
banal, at ang pagsamba sa Kanya ay dapat ihandog sa banal na paraan.
Maging tunay na mananamba tayo na siyang hinahanap ng Ama.
Iwaksi ang mga imbensyon ng tao, at manatili sa dalisay, may paggalang, at
pagsamba gaya ng iglesia sa Bagong Tipan. Ang pagsamba ay hindi tungkol sa atin—ito’y lahat tungkol sa Dios.
“…magkaroon tayo ng biyayang sa
pamamagitan nito ay makapaghahandog tayong may paggalang at katakutan ng
paglilingkod na nakalulugod sa Dios: ” — Hebreo 12:28
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#TrueWorship #WorshipInSpiritAndTruth #NTWorship #BiblicalWorship #ChurchOfChrist #TunayNaPagsamba #PagsambaSaEspirituAtKatotohanan #PagsambaNgIglesia #IglesiaSaBibliya #WalangInstrumento