TRUST IN THE LORD WITH ALL THINE HEART
(Proverbs 3:5 — “Trust in the Lord with all thine heart; and lean not unto thine own understanding.”)
A CALL FROM THE EDGE OF HUMAN LIMITS
Brethren and friends, every one of us
reaches a point where our wisdom fails — a moment when the weight of life
presses so hard that our understanding is no longer enough. It is in those
moments that Proverbs 3:5 does not whisper; it thunders into our hearts:
“Trust in the Lord with all thine heart;
and lean not unto thine own understanding.”
This is not a gentle suggestion.
It is a command.
A lifeline.
A holy rebuke to human pride and a divine invitation into God’s perfect wisdom.
Because there will come a day — in
sickness, in sorrow, in crisis, in death — when your own understanding will
collapse beneath your feet.
And only the Lord will remain.
The question is not whether God can be
trusted.
The question is whether you will
trust Him — fully, completely, and without reservation.
WHAT IT REALLY MEANS TO TRUST IN THE LORD
Let us open this verse phrase by
phrase.
“Trust in the Lord…”
The Hebrew word for trust is בָּטַח
(bāṭaḥ) — meaning to rely on, to lie helpless, to place full weight upon.
This is not a casual trust.
It is surrender.
It is leaning the entire weight of your soul upon God because no other
foundation can hold you.
“…with all thine heart”
Not part.
Not half.
Not when convenient.
All.
God demands a whole-hearted
trust — a trust that refuses to hold back the secret fears, the hidden doubts,
the quiet plans we keep as “backup options” in case God does not answer the way
we want.
“…and lean not unto thine own understanding.”
This is where most stumble.
Our understanding is limited, temporary, emotional, and often flawed.
God says:
Stop leaning on your logic.
Stop leaning on your interpretation.
Stop leaning on your feelings.
Stop leaning on your plan.
Your understanding is a crutch made of
straw — it will break when life presses hard.
But God’s wisdom is eternal, infallible, perfect, and sure.
WHEN MEN TRUST THEMSELVES — AND FALL
Scripture lays bare the tragedy of
human self-reliance.
Jeremiah 10:23 says:
“It is not in man that walketh to direct his steps.”
Proverbs 14:12 warns:
“There is a way which seemeth right unto a man, but the end thereof are the
ways of death.”
Men destroy themselves not because they
have no wisdom, but because they trust their own wisdom more than God’s.
Eve leaned on her own understanding —
and fell.
Saul leaned on his own understanding — and lost the kingdom.
Uzzah leaned on his own understanding — and died beside the ark.
Peter leaned on his own understanding — and sank beneath the waves.
Brethren, leaning on your understanding
is spiritual suicide.
THE SIN OF SELF-TRUST AND THE LIE OF
SELF-SUFFICIENCY
This single verse destroys two of the
most dangerous doctrines men hold today:
1. “I can figure out my own way to God.”
Many say, “I don’t need the Bible… I
don’t need baptism… I don’t need doctrine.”
They lean on their own understanding — and reject God’s.
But Romans 10:17 says faith comes by hearing
God’s Word, not by trusting your own opinion.
2. “Faith only is enough — obedience is optional.”
If trust is real, it produces action.
Every example of faith in Scripture moves:
• Noah built
• Abraham offered
• Israel passed through the Red Sea
• The blind man went and washed
• The men in Acts 2 were baptized
Faith that trusts always obeys.
Faith that does not obey is not trust — it is deception.
GOD’S APPROVAL RESTS ON THOSE WHO TRUST HIS WISDOM
When a believer stops leaning on his
own understanding and commits fully to God, heaven responds.
• Abraham trusted — and God called him
His friend.
• Joseph trusted — and God turned prison into a throne room.
• Daniel trusted — and the lions could not open their mouths.
• The apostles trusted — and the world was turned upside down.
God has never failed a man who trusted
Him.
Not once.
Not ever.
Not in all of Scripture.
And He will not begin with you.
TRUE TRUST OBEYS — HALF TRUST REBELS
Many say, “I trust God,” but still
refuse to obey God’s commands.
They trust God with their lips
but lean on themselves with their lives.
Jesus asked, “Why call ye me, Lord, Lord, and do not the things which I say?”
(Luke 6:46)
A man who will not obey does not trust
God — he trusts himself.
True trust says:
• If God says repent — I repent.
• If God says confess — I confess.
• If God says be baptized — I am
baptized.
• If God says worship in spirit and in
truth — I obey.
• If God says remain faithful — I hold
fast.
Trust that refuses obedience is not
trust — it is hypocrisy.
THE SERIOUS QUESTION: WHAT ARE YOU LEANING ON?
Friend, look at your life honestly:
• Are you leaning on your emotions?
• Your plans?
• Your career?
• Your intellect?
• Your wealth?
• Your traditions?
• Your version of what you think God wants?
Or are you leaning on the Lord — fully,
wholly, completely?
Your answer will determine your
eternity.
TODAY — TRUST GOD AND OBEY THE GOSPEL
If you are not yet in Christ:
• Believe in the Lord Jesus Christ
(Mark 16:16)
• Repent of your sins (Acts 2:38)
• Confess His name (Romans 10:9–10)
• Be baptized for the remission of sins (Acts 22:16)
If you have drifted away, trusting
yourself again more than God — return now.
Humble yourself.
Lay down your pride.
Trust the Lord with all your heart.
CLOSING APPEAL — LEAN ON GOD BEFORE YOUR
UNDERSTANDING FAILS YOU
Brethren and friends, someday you will
reach a valley so dark, a trial so heavy, a day so difficult that your wisdom
will fail you completely.
When that day comes, only those who have learned to trust in the Lord will
stand.
So trust Him now.
Obey Him now.
Lean on Him now.
Before your understanding collapses…
Before pride destroys you…
Before death arrives without warning…
Before eternity seals your soul forever…
“Trust in the Lord with all thine
heart; and lean not unto thine own understanding.”
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#Proverbs35 # Sermon #TrustInTheLord #FaithOverUnderstanding #LeanNotOnYourOwnUnderstanding #WalkByFaithNotBySight #GodsWisdom #BiblicalSermon #GospelTruth #ChurchOfChrist #ScripturePower #ChristianLife #WordOfGod #BibleVerseOfTheDay #FaithThatObeys #ObedientFaith #MagtiwalaSaDiyos #Kawikaan35 #FaithAndObedience #PagtitiwalaSaPanginoon #TiwalaHindiSarilingUnawa #SalitaNgDiyos
TUMIWALA KA SA PANGINOON NG BUONG PUSO MO
(Kawikaan 3:5 — "Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan:")
PANAWAGAN MULA SA DULO NG ATING KAYA
Mga kapatid at kaibigan, dumarating sa buhay ang sandaling kahit anong
galing mo, talino mo, o karanasan mo — hindi na sapat. Isang oras na
bumibigat ang buhay nang lampas sa kaya mong ipaliwanag. Doon, biglang
tumatagos ang Kawikaan 3:5, hindi bulong, kundi parang kulog na bumabagsak sa
puso:
“Magtiwala ka sa Panginoon… at huwag kang manalig sa iyong sariling
kaalaman.”
Hindi ito mungkahi.
Hindi ito pampalakas-loob lamang.
Ito ay utos, paalala, at babala.
Dahil darating ang araw na ang sariling pag-unawa mo ay mababasag,
matutumba, at mawawala.
At ang Diyos lamang ang matitira.
Ang tanong ay hindi: “Mapagkakatiwalaan ba ang Diyos?”
Kundi:
“Handa ka bang magtiwala — nang buong-buo?”
ANO BA TALAGA ANG IBIG SABIHIN NG MAGTIWALA SA PANGINOON?
Himayin natin ang talata.
“Magtiwala ka sa Panginoon…”
Ang salitang Hebreo para sa magtiwala ay bāṭaḥ —
nangangahulugang sumandal nang buong bigat, magbigay ng lubusang pag-asa,
parang batang walang hawak kundi ang kamay ng Ama.
Hindi ito simpleng “Opo, nagsisimba naman ako.”
Ito ay pag-abot ng buong buhay mo sa Diyos — dahil alam mong wala ka nang iba.
“…ng iyong buong puso”
Hindi kalahati.
Hindi kung kailan mo gusto.
Hindi kapag may trabaho lang ang Panginoon sa buhay mo.
Buong puso.
Buong tiwala.
Buong pagsuko.
Ibig sabihin: walang tinatagong duda, walang planong “B”, walang safety
net kapag hindi mo nagustuhan ang sagot ng Diyos.
“…at huwag kang manalig sa iyong sariling kaalaman.”
Ito ang problema ng marami na madalas ikapahamak ng kaluluwa.
Ang sarili nating pag-unawa ay:
• limitado
• pabago-bago
• naaapektuhan ng emosyon
• madalas mali
Kaya sabi ng Diyos:
Huwag kang sumandal sa sarili mong diskarte.
Huwag kang mag-pasya base sa nararamdaman mo.
Huwag kang umasa sa lohika mo.
Huwag mong gawing Diyos ang sarili mong isip.
Dahil ang “manalig sa iyong sariling kaunawaan” ay parang tungkod na
gawa sa dayami — babagsak kapag bumigat ang buhay. Ngunit ang karunungan ng
Diyos ay matatag, walang mali, walang palya, at hindi kailanman sasablay.
KAPAG TAO AY MANANALIG SA KANYANG SARILING KAUNAWAAN — LAGI ITONG
MABIBIGO
Saksi ang Kasulatan sa pagkawasak ng mga nagtitiwala sa sarili:
Sinabi ng Jeremias 10:23:
“Hindi nasa tao ang magtuwid ng kaniyang mga hakbang.”
Babala ng Kawikaan 14:12:
“May isang daang tila matuwid sa paningin ng tao, ngunit ang dulo nito ay
kamatayan.”
Ang tao ay bumabagsak hindi dahil kulang siya sa talino…
kundi dahil mas nagtitiwala siya sa sarili kaysa sa Diyos.
Si Eba — nagtiwala sa sariling unawa, at bumagsak.
Si Saul — nagtiwala sa sariling plano, at nawala ang kaharian.
Si Uzza — nagtiwala sa sariling pakiramdam, at siya’y namatay.
Si Pedro — nagtiwala sa sariling lakas, at siya’y lumubog.
Kapag ang tao ay sumandal sa sarili, siya’y talo o babagsak bago
pa magsimula.
ANG KASALANAN NG PANANALIG SA SARILING KAUNAWAAN AT ANG MALING ARAL
NG “Sapat na ang Paniniwala”
Binabasag ng talatang ito — Kawikaan 3:5 — ang dalawang mapanganib na
paniniwala ng tao ngayon:
1. “Kaya ko naman intindihin ang sarili kong daan papunta sa Diyos.
Ako na ang bahala.”
Marami ang nagsasabing:
“Hindi ko kailangan ang Biblia… hindi ko kailangan ang bautismo… hindi ko
kailangan ang utos ng Diyos.”
Ang mga ganitong pahayag ay umaasa sa sariling unawa, hindi sa salita ng Diyos.
Hindi.
Hindi natin kayang i-shortcut, i-edit, o i-imagine ang kaligtasan.
Malinaw ang sabi ng Roma 10:17:
“Ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig ng Salita ng Diyos.”
Hindi sa opinion.
Hindi sa pakiramdam o emosyon.
Hindi sa sariling paliwanag o pagkaunawa.
2. “Basta may faith ka lang, okay na — kahit walang pagsunod.” — Ang
maling turo ng ‘faith only’ o ‘pananampalataya lamang.’
Kung ang pananampalataya ay tunay, ito’y may gawa o tumatalima.
• Si Noe — nagtayo ng daong
• Si Abraham — inialay si Isaac
• Ang Israel — tumawid sa Dagat na Pula
• Ang bulag — naghugas sa Siloe
• Ang mga tao sa Gawa 2 — nagpabautismo
Ang pananampalataya ng walang pagtalima ay hindi pananampalataya —
ito’y panlilinlang o palusot lang.
HINDI BINIBIGO NG DIYOS ANG MGA NAGTITIWALA SA
Kapag ang tao ay tumigil sa pag-asa sa sarili at buong-pusong sumandig
at ipinagkatiwala ang buhay sa Diyos — kumikilos at may tugon ang langit.
• Si Abraham — tinawag na kaibigan ng Diyos
• Si Jose — mula bilanggo naging pangalawa sa hari
• Si Daniel — hindi nagalaw ng mga leon
• Ang mga apostol — inuga ang buong mundo
Hindi pa kailanman binigo ng Diyos sa sinumang nagtitiwala sa Kanya.
ANG TUNAY NA PAGTITIWALA AY TUMATALIMA — ANG KALAHATING TIWALA AY
PAGREBELDE
Maraming nagsasabing, “Nagtitiwala ako sa Diyos,” pero ayaw sumunod sa
utos ng Diyos.
Sabi ng Panginoon:
“At bakit tinatawag ninyo ako, Panginoon, Panginoon, at di ninyo ginagawa ang
mga bagay na aking sinasabi?” (Lk. 6:46)
Kung ayaw mong sumunod, ang tiwala mo ay hindi sa Diyos — kundi sa
sarili mo.
Ang totoong pagtitiwala ay nagsasabing:
• Kung sabi ng Diyos na magsisi — magsisisi ako
• Kung sabi ng Diyos na magpahayag — magpapahayag ako
• Kung sabi ng Diyos na magpabautismo — magpapabautismo ako
• Kung sabi ng Diyos na sumamba nang tama — susundin ko
• Kung sabi ng Diyos na manatiling tapat — mananatili ako
Ang tiwalang hindi sumusunod ay hindi tiwala — pagpapanggap.
ANG TANONG: KANINO KA BA TALAGA NAKASANDIG NAGTITIWALA NGAYON?
Kapatid, kaibigan… maging tapat ka sa iyong sarili:
• Sa iyong emosyon
• Sa iyong plano?
• Sa iyong talino?
• Sa iyong trabaho?
• Sa iyong kayamanan?
• Sa iyong tradisyon?
• Sa sarili mong interpretasyon o pagkaunawa?
O sa Panginoon — nang buong puso?
Ang sagot mo ang magtatakda ng iyong walang hanggang kapalaran.
NGAYON NA — MAGTIWALA SA DIYOS AT SUMUNOD SA EBANGHELYO
Kung hindi ka pa nasa kay Cristo:
• Sumampalataya (Marcos 16:16)
• Magsisi (Gawa 2:38)
• Ipahayag ang Kanyang pangalan (Roma 10:9–10)
• Magpabautismo sa kapatawaran ng mga kasalanan (Gawa 22:16)
Kung ikaw ay lumayo o tumalikod, kung mas pinili mong sandalan ang
sarili kaysa sa Diyos — bumalik ka na ngayon.
Magpakumbaba.
Isuko ang sarili.
Ilagak ang puso mo muli sa Diyos.
Magtiwala nang buong-buo.
PANGWAKAS NA PANAWAGAN — SUMANDAL O MAGTIWALA LAMANG SA DIYOS
Darating ang araw ng pagsubok, sakit, dilim, o kamatayan na dudurog sa
sariling unawa ng tao.
At sa araw na iyon, ang tanging tatayo
ay yung mga natutong magtiwala sa Diyos ngayon pa lang.
Kaya ngayon magtiwala.
Ngayon sumunod.
Ngayon magpasakaop sa Diyos.
Bago ka madaig ng sariling unawa…
Bago sirain ng pride ang kaluluwa mo…
Bago dumating ang biglaang kamatayan…
Bago tuluyang magsara ang pinto ng awa…
Bago mahuli ang lahat…
“Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig
sa iyong sariling kaunawaan:”
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#Proverbs35 # Sermon #TrustInTheLord #FaithOverUnderstanding #LeanNotOnYourOwnUnderstanding #WalkByFaithNotBySight #GodsWisdom #BiblicalSermon #GospelTruth #ChurchOfChrist #ScripturePower #ChristianLife #WordOfGod #BibleVerseOfTheDay #FaithThatObeys #ObedientFaith #MagtiwalaSaDiyos #Kawikaan35 #FaithAndObedience #PagtitiwalaSaPanginoon #TiwalaHindiSarilingUnawa #SalitaNgDiyos
