Skip to main content

Keep On Praying For One Another

English
🇵🇭 Tagalog

KEEP ON PRAYING FOR ONE ANOTHER

(James 5:16; Ephesians 6:18; 1 Thessalonians 5:25)


The Power of Prayer in Our Fellowship

Brethren, the Lord has given us a gift so powerful, so essential, and so neglected by many — the gift of prayer. James 5:16 says: “Confess your faults one to another, and pray one for another, that ye may be healed. The effectual fervent prayer of a righteous man availeth much.” Prayer is not just a private act; it is also a family act. God commands us to pray not only for ourselves but for one another.

Why? Because in Christ we are one body. If one member suffers, all suffer. If one member rejoices, all rejoice (1 Corinthians 12:26). Prayer is the breath of this body — without it, we suffocate. And when we intercede for each other, we show that the love of Christ truly dwells in us.

 

Confess and Intercede

Notice the order in James 5:16 — “Confess your faults one to another, and pray one for another.” Confession humbles us. It reminds us we are not perfect. It tears down pride and opens the door for healing. Prayer then lifts us up. The Greek word translated “confess” (ἐξομολογεῖσθε, exomologeisthe) means “to openly agree, to acknowledge fully.” This is not about boasting in sin, but about honesty before brethren we trust, so they may stand with us in prayer.

When you confess, you are not weak — you are wise. When you pray for the brother or sister who confesses, you are not wasting time — you are moving heaven. The text says “that ye may be healed.” Healing begins when pride bows down and prayer lifts up.

 

The Effectual Fervent Prayer

James continues: “The effectual fervent prayer of a righteous man availeth much.” This phrase in Greek, energeō — where we get “energy” — means active, powerful, working prayer. It is not empty words. It is prayer fueled by faith, prayer rooted in righteousness. Brethren, do we still believe that prayer changes things? That God bends His ear when His children cry out?

Elijah was a man subject to like passions as we are, and he prayed earnestly that it might not rain — and it rained not for three years and six months (James 5:17). Then he prayed again, and heaven gave rain. Do you see? One man praying according to God’s will stopped the skies. Another prayer opened them. If the prayer of one man availed much, what about the united prayers of an entire congregation?

 

Pray Without Ceasing

Paul said in 1 Thessalonians 5:25, “Brethren, pray for us.” And in Ephesians 6:18, “Praying always with all prayer and supplication in the Spirit, and watching thereunto with all perseverance and supplication for all saints.” Notice the words: always… all… all saints. Prayer is not seasonal. It is not occasional. It is constant, persevering, inclusive.

Brethren, do not only pray when trouble comes. Pray before the storm so you may stand in the storm. Do not only pray for yourself. Pray for the brother struggling silently. Pray for the sister carrying burdens unseen. Pray for the preacher, the elders, the young ones, the weak ones. Pray for the lost who have not yet obeyed the gospel.

 

The Enemy Hates a Praying Church

Why does God command us to pray for one another? Because Satan trembles when the church kneels. The devil can resist programs, entertainments, and empty words, but he cannot withstand a praying people. A prayerless church is a powerless church. A prayerful church is a victorious church.

When Peter was in prison, the church prayed without ceasing unto God for him (Acts 12:5). And what happened? Chains fell. Doors opened. Guards were bypassed. An angel led him out. Do you see, brethren? God answers when His people unite in prayer.

 

Application: Keep on Praying

Brethren, what about us today? Do we carry each other’s burdens to the throne of grace, or do we carry gossip? Do we intercede for the weak, or do we criticize them? Do we pray for the lost, or do we simply condemn them?

Let us repent of prayerlessness. Let us renew our commitment to pray for one another. Pray for the sick. Pray for the spiritually weak. Pray for marriages. Pray for the young. Pray for the leaders. Pray for the gospel to have free course. Pray for laborers in the harvest.


The Call to Obedience

But let me also speak to you who are not yet in Christ. How can we pray for you if you refuse to obey the gospel? The prayers of the righteous avail much, but outside of Christ you have no mediator, no access to the Father. Friend, your greatest need is not our prayers, but your obedience.

The Lord calls you to believe in Christ (John 8:24), repent of your sins (Luke 13:3), confess Him before men (Romans 10:9–10), and be baptized for the remission of sins (Acts 2:38). Then, washed in His blood, you will rise to walk in newness of life — and then the church will rejoice to pray with you and for you as a fellow child of God.

 

Final Plea

Brethren, keep on praying for one another. When you feel weak, pray. When you see another stumble, pray. When you rejoice, pray. When you mourn, pray. Keep on praying until we stand together before the throne where prayer shall turn into eternal praise.

The question is: will you start praying as God commands? Will you humble yourself, confess your faults, and intercede for others? Or will you leave this place with lips silent and hearts cold?

Today, God calls us. Let us bow, let us kneel, let us lift one another before His throne. And if you need to obey the gospel, do not delay. “Behold, now is the accepted time; behold, now is the day of salvation” (2 Corinthians 6:2).

 

Invitation Hymn / Call:

Brethren, if your heart has been pricked like those in Acts 2:37, do not resist. Come in faith, come in repentance, come to Christ in baptism, or come in repentance as a Christian who needs prayer. The church is ready to pray for you and with you.


Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.

#PrayForOneAnother #KeepOnPraying #James516 #EffectualPrayer #ChurchOfChrist #BibleTruth #ChristianLiving #NTpattern #Panalangin


IPAGPATULOY ANG PAGDARASAL PARA SA ISA’T ISA

(Santiago 5:16; Efeso 6:18; 1 Tesalonica 5:25)


Ang Kapangyarihan ng Panalangin sa Ating Pagsasama

Mga kapatid, ang Panginoon ay nagbigay sa atin ng isang kaloob na napakalakas, napakahalaga, subalit, madalas napapabayaan — ang panalangin. Sabi ng Santiago 5:16: “Ipahayag ninyo ang inyong mga kasalanan sa isa’t isa, at ipanalangin ng isa’t isa, upang kayo’y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid.” Ang panalangin ay hindi lamang pribadong gawain; ito rin ay gawain para sa pamilya. Iniuutos ng Diyos na hindi lamang tayo manalangin para sa ating sarili kundi para rin sa isa’t isa.

Bakit? Sapagkat sa kay Cristo ay iisang katawan tayo. Kung ang isang sangkap ay nagdurusa, lahat ay nagdurusa. Kung ang isang sangkap ay nagagalak, lahat ay nagagalak (1 Corinto 12:26). Ang panalangin ang hininga ng katawan na ito — kung wala nito, tayo ay nauupos. At kapag ipinapanalangin natin ang isa’t isa, ipinakikita natin na ang pag-ibig ni Cristo ay tunay na nananahan sa atin.

 

Ipahayag at Ipanalangin

Pansinin ang pagkakasunod sa Santiago 5:16 — “Ipahayag ninyo ang inyong mga kasalanan sa isa’t isa, at ipanalangin ng isa’t isa.” Ang pagpapahayag ay nagpapakumbaba sa atin. Pinapaalala nitong hindi tayo sakdal. Binabasag nito ang kapalaluan at binubuksan ang pintuan ng kagalingan. Ang panalangin naman ang siyang nagbabangon sa atin.

Ang salitang Griyego para sa “ipahayag” (exomologeisthe) ay nangangahulugang “tapat na umamin, buong pusong ipahayag.” Hindi ito pagbubuhat ng sariling kasalanan na parang ipinagmamalaki, kundi pagiging tapat sa kapatid na maaasahan upang siya ay makapanalangin kasama natin.

Kapag nagpahayag ka, hindi ka mahina — ikaw ay matalino. Kapag ipinanalangin mo ang kapatid na naghayag, hindi ito sayang — ikaw ay kumikilos sa katuwiran ng langit. Sabi ng talata: “upang kayo’y magsigaling.” Ang kagalingan ay nagsisimula kapag yumuyuko ang kapalaluan at inaangat ng panalangin ang nadapa.

 

Ang Maningas na Panalangin

Dagdag ni Santiago: “Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid.” Ang “maningas” sa salitang Griyego (energeō) ay nangangahulugang aktibo, gumagawa, makapangyarihan. Hindi ito simple na salita. Ito ay panalanging pinapagalaw ng pananampalataya, nakaugat sa katuwiran. Mga kapatid, naniniwala pa ba tayo na ang panalangin ay nakapagbabago ng kalagayan? Na ang Diyos ay nagtutuon ng Kanyang tainga kapag dumadaing ang Kanyang mga anak?

Si Elias ay taong may damdaming gaya rin natin, at siya’y nanalangin ng buong sigasig na huwag umulan — at hindi nga umulan sa loob ng tatlong taon at anim na buwan (Santiago 5:17). Pagkatapos ay nanalangin siyang muli, at ang langit ay nagbigay ng ulan. Nakikita ba natin ito? Isang tao lamang, ngunit nang manalangin siya ayon sa kalooban ng Diyos, tumigil ang langit. Nang manalangin muli, bumukas ang langit. Kung ang panalangin ng isa ay nakagawa ng marami, gaano pa kaya kung ang buong iglesia ay sama-samang mananalangin?

 

Manalangin Nang Walang Patid

Sabi ni Pablo sa 1 Tesalonica 5:25, “Mga kapatid, idalangin ninyo kami.” At sa Efeso 6:18, “Na magsipanalangin kayo sa lahat ng panahon na may boong panalangin at daing sa Espiritu, at mangagpuyat sa ganito na may buong pagtitiis at dalangin dahil sa lahat ng mga banal.” Pansinin ninyo: sa lahat ng panahonlahat ng panalanginpara sa lahat ng mga banal. Ang panalangin ay hindi sa pana-panahon lamang o kung may panahon lamang. Hindi ito paminsan-minsan lamang. Ito ay palagian, may pagtitiis, at para sa lahat ng kapatid.

Mga kapatid, huwag lamang tayong manalangin kapag dumarating ang unos. Manalangin tayo bago pa dumating ang unos, upang matibay tayong makapanindigan. Huwag lamang manalangin para sa sarili. Ipanalangin mo ang kapatid na tahimik na naghihirap. Ipanalangin mo ang kapatid na may pasan na hindi nakikita. Ipanalangin mo ang mangangaral, ang mga matatanda sa iglesia, ang mga kabataan, ang mahihina. Ipanalangin mo ang mga nawawala at hindi pa sumusunod sa ebanghelyo.

 

Kinasusuklaman ng Diyablo ang Isang Iglesia na Nanalangin

Bakit iniutos ng Diyos na ipanalangin natin ang isa’t isa? Sapagkat nanginginig si Satanas kapag ang iglesia ay lumuluhod. Kayang labanan ng diyablo ang mga gawang-taong programa, kasayahan, at hungkag na salita, ngunit hindi niya kayang pigilan ang bayan ng Diyos na nananalangin. Ang iglesiang hindi nananalangin ay walang kapangyarihan. Ang iglesiang nananalangin ay palaging matagumpay.

Nang si Pedro ay nasa bilangguan, ang iglesia ay nanalangin ng walang patid sa Diyos para sa kaniya (Gawa 12:5). At ano ang nangyari? Nalaglag ang tanikala. Nabuksan ang mga pinto. Nalampasan ang mga bantay. Inilabas siya ng anghel. Nakikita ba ninyo, mga kapatid? Sumusagot ang Diyos kapag ang Kanyang bayan ay nagkakaisa sa panalangin.

 

Pagsasabuhay — Ipagpatuloy ang Pananalangin

Mga kapatid, paano naman tayo kumikilos ngayon? Dinadala ba natin ang pasanin ng isa’t isa sa trono ng biyaya, o tsismis ang dinadala natin? Ipinapanalangin ba natin ang mahina, o hinahatulan natin sila? Ipinapanalangin ba natin ang mga nawawala, o hinahayaan na lamang natin silang mapahamak?

Magsisi tayo sa pagiging pabaya sa panalangin. Muling itanim sa ating puso ang panata na ipagdasal ang isa’t isa. Ipanalangin ang maysakit. Ipanalangin ang mahihina sa espiritu. Ipanalangin ang mga pamilya. Ipanalangin ang mga kabataan. Ipanalangin ang mga namumuno sa bayan. Ipanalangin ang mga naglilingkod sa Panginoon. Ipanalangin ang malayang paglaganap ng ebanghelyo. Ipanalangin ang mga manggagawa sa ani.

 

Ang Panawagan sa Pagsunod

Ngunit kausapin ko rin kayo na wala pa kay Cristo. Paano ka namin ipapanalangin kung tinatanggihan mo ang pagsunod sa ebanghelyo? Ang mga panalangin ng matuwid ay malaki ang nagagawa, ngunit kung ikaw ay nasa labas kay Cristo at patuloy na tumatanggi sa panawagan ng ebanghelyo, wala kang tagapamagitan, wala kang daan patungo sa Ama. Kaibigan, ang pinakamalaki mong pangangailangan ay hindi lamang ang aming panalangin, kundi ang iyong pagtalima.

Tinatawag ka ng Panginoon na sumampalataya kay Cristo (Juan 8:24), magsisi sa iyong mga kasalanan (Lucas 13:3), ipahayag Siya sa harap ng mga tao (Roma 10:9–10), at magpabautismo sa kapatawaran ng mga kasalanan (Gawa 2:38). Pagkatapos, sa dugo ni Cristo, ika’y mabubuhay na may bagong buhay — at sa araw na ito, may kagalakan ang mga anghel sa langit, at kagalakan para sa iglesia na ipanalangin ka bilang kapatid.

 

Huling Pakiusap

Mga kapatid, ipagpatuloy ang pananalangin para sa isa’t isa. Kapag ikaw ay mahina, manalangin. Kapag may kapatid na nadapa, manalangin. Kapag nagagalak, manalangin. Kapag nagdadalamhati, manalangin. Ipagpatuloy ang pananalangin hanggang tayo’y magsama-sama sa trono ng Diyos kung saan ang panalangin ay magiging walang hanggang pagpupuri.

Ang tanong: magsisimula ka bang manalangin gaya ng iniutos ng Diyos? Magpapakumbaba ka ba, magpapahayag, at magdadasal para sa iba? O lalabas ka ba rito na tahimik ang labi at malamig ang puso?

Ngayon, tinatawag tayo ng Diyos. Yumuko tayo, lumuhod tayo, itaas natin ang isa’t isa sa Kanyang trono. At kung kailangan mong sumunod sa ebanghelyo, huwag kang magpaliban. “Narito, ngayon ang panahong ukol; narito, ngayon ang araw ng kaligtasan” (2 Corinto 6:2).

 

Awit ng Paanyaya

Mga kapatid, kung ang inyong puso ay nasaktan gaya ng mga nasa Gawa 2:37, huwag ninyong labanan. Lumapit sa pananampalataya, lumapit sa pagsisisi, lumapit kay Cristo sa bautismo, o lumapit bilang Kristiyanong kailangan ng panalangin. Ang iglesia ay handang manalangin para sa inyo at kasama ninyo.


Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.

#PrayForOneAnother #KeepOnPraying #James516 #EffectualPrayer #ChurchOfChrist #BibleTruth #ChristianLiving #NTpattern #Panalangin


Popular posts from this blog

The Origin and Error of “Once Saved, Always Saved” (OSAS): A Biblical Exposé

English 🇵🇭 Tagalog The Origin and Error of “Once Saved, Always Saved” (OSAS) A Biblical Exposé An Authoritative Study Using the King James Bible Introduction: A Question of Eternal Security The doctrine of Once Saved, Always Saved (OSAS) asserts that once a person is saved, they can never lose their salvation, regardless of future behavior, apostasy, or rebellion. It is often linked with the phrase “eternal security” in Protestant theology. This study examines the origin, evaluates the biblical claims, and provides a full refutation using only the Scripture as the final and only authority. I. Historical Roots of OSAS (A Brief Context) Though many today assume OSAS to be an apostolic doctrine, its systematized form arose from John Calvin's doctrine of Perseverance of the Saints (TULIP), later popularized by Baptist theologians like Charles Stanley and modern evangelical churches. However, early church fathers such as Tertullian, Orige...

The Promise and Importance of Christ’s Church

English 🇵🇭 Tagalog     Next ⟶ The Promise and Importance of Christ’s Church "And I say also unto thee, That thou art Peter, and upon this rock I will build my church; and the gates of hell shall not prevail against it." — Matthew 16:18 (KJV) Introduction The Church of Christ is not a product of human invention or denominational evolution. It is the fulfillment of a divine promise — a structure built not by human hands, but by the Lord Himself. In a time when religious confusion is widespread and thousands of conflicting churches exist, we must return to the simple, authoritative statement of Jesus: “I will build my church.” (Matt. 16:18) These words mark the beginning of a divine blueprint. This was not a vague intention, nor a mystical concept. Jesus was referring to a real, identifiable, and traceable body of people — the church — that He Himself would build, own, and preserve. “I Will Build My Church” — A Divine...

Restoration Movement: The Illusion of Rebuilding What God Preserved

English 🇵🇭 Tagalog There Is Nothing to Restore — Just Preach the Gospel A Doctrinal Exposition Affirming the Ongoing Existence and Perfection of God’s Church Introduction In recent centuries, many sincere believers have spoken of a "restoration movement"—the idea that the true church was lost to history and must now be recovered or re-established. But is this concept biblical? Does Scripture ever indicate that the church built by Christ (Matthew 16:18) would vanish, become corrupted, and need a future restoration? The answer, as revealed in the inspired Word of God, is  no . What God  planned before the foundation of the world  (Ephesians 3:9–11), what Christ  purchased with His own blood  (Acts 20:28), and what was  established in power on Pentecost  (Acts 2),  continues to exist today . While men may depart from the truth, the truth remains. And what we are called to do is not to restore, but to  pre...

The Church Built By Jesus Christ In The New testament - Lesson 1

English 🇵🇭 Tagalog ⟵ Previous Next ⟶ Lesson 1: The Church Planned by God Before the Creation of the Universe Key Passage: Ephesians 3:9–11 “ And to make all men see what is the fellowship of the mystery, which from the beginning of the world hath been hid in God, who created all things by Jesus Christ: To the intent that now unto the principalities and powers in heavenly places might be known by the church the manifold wisdom of God, According to the eternal purpose which he purposed in Christ Jesus our Lord: ” Introduction The concept of the church is often misunderstood—even among believers. To many, it appears to be an afterthought, a temporary institution until Christ returns, or merely a human denomination among many. But the Scriptures teach otherwise. The church was not an accident. It was not a substitute for a failed plan. It was not an invention of man. It was part of God's eternal purpose , rooted i...

The Deathblow to OSAS

English 🇵🇭 Tagalog Romans 6:1-2 — The Deathblow to OSAS with One Simple Question "What shall we say then? Shall we continue in sin, that grace may abound? God forbid. How shall we, that are dead to sin, live any longer therein? - Romans 6:1-2 Can You Keep Sinning and Still Be Saved? Paul Says: Absolutely Not! Some claim, “Once Saved, Always Saved” (OSAS)—but what if one simple question from Paul demolishes that doctrine entirely? In  Romans 6:1-2 , the apostle confronts the dangerous logic that grace gives license to sin. His answer is sharp, unshakable, and Spirit-inspired. This short but powerful passage doesn’t just challenge OSAS—it delivers the deathblow. Ready to face the truth? Q: Who is speaking in Romans 6:1? A:  The apostle  Paul —a faithful Christian, divinely inspired. Q: Who does the word "we" refer to? A:  To  Paul and other Christians . Those already  saved ,  baptized , and  wal...

“And Such Were Some of You”: A Scriptural Mandate for Total Transformation

English 🇵🇭 Tagalog Doctrinal Refutation of LGBTQ+ in Light of 1 Corinthians 6:9–11 “Know ye not that the unrighteous shall not inherit the kingdom of God? Be not deceived: neither fornicators, nor idolaters, nor adulterers, nor effeminate, nor abusers of themselves with mankind, Nor thieves, nor covetous, nor drunkards, nor revilers, nor extortioners, shall inherit the kingdom of God. And such were some of you: but ye are washed, but ye are sanctified, but ye are justified in the name of the Lord Jesus, and by the Spirit of our God.” (1Cor. 6:9-11) I. INTRODUCTION: The Most Critical Battle for the Soul of the Church In the face of a growing movement that seeks to normalize LGBTQ+ identity within the church—arguing that “as long as they don’t practice homosexual sex, it’s acceptable”—we turn to God’s inspired Word , not cultural trends, for the truth. One prominent preacher even argues that effeminate behavior, gay gestures, and homosexual identi...

The Divine Origin and Preservation of the Holy Scriptures

English 🇵🇭 Tagalog The Divine Origin and Preservation of the Holy Scriptures By the Hand of God Introduction This study answers a critical doctrinal question: Is the Bible merely a product of men, or is it truly the work of God’s hand? Through Scripture alone, we will demonstrate that: ·         The origin of every word in the Bible is from God. ·         The process of writing it down was by divine guidance. ·         The preservation of the Scriptures through the ages is a deliberate act of God’s providence. I. THE BIBLE: WRITTEN BY MEN, AUTHORED BY GOD “ All Scripture is  God-breathed  (θεόπνευστος –  theopneustos )…” —  2 Timothy 3:16 A. Theopneustos: The Breath of God Greek:  θεός  ( Theos  – God) +  πνέω  ( pneō  – to breathe) Meaning: Not "inspired" like poetry, but literally  bre...