“I The LORD Will Hasten It In His Time”
(Isaiah 60:22)
God’s Timing Is Always Perfect
Brethren and friends, hear the Word of the Lord: “I the LORD will
hasten it in his time” (Isa. 60:22). What a promise! The word hasten
means to make it happen quickly, to bring it to pass without delay when the
right time comes. It does not mean God is slow, nor that He has forgotten. It
means His clock is not like ours. “One day is with the Lord as a thousand
years, and a thousand years as one day” (2 Pet. 3:8). He is never late. He
is never early. He is always on time.
The God Who Keeps His Word
Think about the promise of a Savior. From the moment man sinned, God
spoke of One to come — “the seed of the woman” (Gen. 3:15). Centuries
passed. Nations rose and fell. Prophets preached and were rejected. Yet, when
the right moment came, Paul says, “But when the fulness of the time was
come, God sent forth his Son” (Gal. 4:4). Brethren, if God kept that
promise in His time, do you doubt He will keep the promises yet before us? He
said Christ would come the first time, and He did. He says Christ will come the
second time — and He will.
God’s Time Is Not Our Time
You may be waiting for answers in your life. Maybe your prayers seem
unheard. Maybe you think God has forgotten you. Brethren, He has not. The Lord
said, “I will hasten it in his time.” Not your time. Not my time. His
time. He knows when you are ready. He knows what will glorify Him best. “Wait
on the LORD: be of good courage, and he shall strengthen thine heart” (Ps.
27:14). Do not give up. Do not grow weary. Trust His timing, for He makes all
things beautiful in His time (Eccl. 3:11).
When God’s Time Comes, Nothing Can Stop It
Look again at the text. The LORD Himself says, “I will hasten it.”
Who can hinder the Almighty? When the appointed time arrived for Israel to
leave Egypt, no Pharaoh could hold them back. When the day of Pentecost was
fully come, not even the unbelief of men could prevent the outpouring of the
Spirit and the establishment of Christ’s church (Acts 2:1–4, 47). When Christ
returns, no scoffer, no skeptic, no atheist, no hypocrite will delay Him one
second. “For the Lord himself shall descend from heaven with a shout” (1
Thess. 4:16).
The Urgency of God’s Time for You
But brethren, here is where it pierces the heart: God’s time for you
is not endless. The prophet said, “Seek ye the LORD while he may be found,
call ye upon him while he is near” (Isa. 55:6). There is a window of mercy
— but it will not stay open forever. Felix trembled under Paul’s preaching and
said, “Go thy way for this time; when I have a convenient season, I will
call for thee” (Acts 24:25). That convenient season never came. How many
souls today are waiting for a “better time” — not knowing that God’s time is now?
Now Is the Accepted Time
Hear the apostle Paul: “Behold, now is the accepted time; behold, now
is the day of salvation” (2 Cor. 6:2). Not tomorrow. Not next week. Today.
God says, “I will hasten it in his time” — and His time for your soul’s
salvation is now. Will you harden your heart, or will you obey while the door
of grace is open?
The Call to Obedience
Brethren and friends, what must you do? The same answer was given in
Acts 2:37–38, when men, cut to the heart, asked, “Men and brethren, what
shall we do?” The reply was clear: “Repent, and be baptized every one of
you in the name of Jesus Christ for the remission of sins.” That is how the
Lord adds you to His church (Acts 2:41, 47). That is how you pass from death to
life.
And to you, brethren already in Christ: if you have drifted, if sin has
crept in, if you have been waiting to “get serious later” — God is telling you,
later may never come. His time is now. Repent, confess, and return to
Him, for He is faithful and just to forgive (1 John 1:9).
Conclusion: His Time Will Come — Are You Ready?
The day is coming when God will hasten the final act of history. The
trumpet will sound. The dead will rise. Judgment will be set. “For we must
all appear before the judgment seat of Christ” (2 Cor. 5:10). Brethren,
that day will not delay. The question is not if it comes, but when.
And when it does, will you be ready?
The Lord says, “I the LORD will hasten it in his time.” His time
may be today. Will you obey Him now?
Invitation:
- If you believe that
Jesus is the Christ, repent of your sins, confess Him before men, and be
baptized into His death that you may rise to new life (Rom. 6:3–4).
- If you are already a
Christian but have grown cold, repent and return. Do not delay.
Brethren, His time is sure. His promise is true. The question that
remains is: Will you be ready when He hastens it?
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#Isaiah6022 #GodsTiming #HastenItInHisTime #Sermon #ChurchOfChrist #SalvationNow #Acts237 #ObedienceToTheGospel
“Akong Panginoon, Ay Papapangyarihin Kong Madali Sa Kapanahunan”
(Isaias 60:22)
Ang Panahon ng Diyos ay Laging Ganap
Mga kapatid at mga kaibigan, pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon: “…Akong
Panginoon, ay papapangyarihin kong madali sa kapanahunan.” (Isa. 60:22).
Anong dakilang pangako! Ang salitang papapangyarihin ay nangangahulugang
padadaliin, ipatutupad, at isasakatuparan nang walang pagkabalam kapag dumating
na ang tamang panahon. Hindi ibig sabihin na ang Diyos ay nahuhuli, ni
nakakalimot. Ang kahulugan: ang orasan ng Diyos ay hindi katulad ng atin. “Ang
isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang isang libong
taon ay katulad ng isang araw” (2 Ped. 3:8). Siya’y hindi nahuhuli. Siya’y
hindi napapaaga. Siya’y laging nasa tamang oras.
Ang Diyos na Tapat sa Kaniyang Salita
Isipin ninyo ang pangako tungkol sa Tagapagligtas. Mula nang magkasala
ang tao, ipinahayag na ng Diyos ang darating na binhi ng babae (Gen. 3:15). Dumaan ang mga dantaon. Bumangon at bumagsak
ang mga bansa. Nangaral ang mga propeta at sila’y itinakwil. Subalit nang
dumating ang takdang panahon, sinabi ni Pablo: “Datapuwa’t nang dumating ang
kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak” (Gal. 4:4). Mga kapatid,
kung tinupad ng Diyos ang pangakong iyon sa Kaniyang oras, duda ba tayo na
tutuparin Niya rin ang mga pangakong nasa hinaharap? Dumating ang Cristo sa
unang pagkakataon ayon sa salita ng Diyos; Siya rin ay darating sa ikalawa ayon
sa salita ng Diyos.
Hindi Panahon Natin, Kundi Panahon ng Diyos
Marahil ikaw ay naghihintay ng kasagutan sa iyong panalangin. Marahil
pakiramdam mo ay hindi ka pinapansin ng Diyos. Mga kapatid, hindi Siya
nakalilimot. Ang sabi Niya: “papapangyarihin kong madali sa kapanahunan.”
Hindi sa oras mo. Hindi sa oras ko. Sa oras Niya. Alam Niya kung kailan ka
handa. Alam Niya kung anong oras Siya maluluwalhati. “Magantay ka sa
Panginoon: ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso” (Awit
27:14). Huwag kang bibitiw. Huwag kang manghihina. Magtiwala ka sa oras ng
Diyos, sapagkat ginagawa Niya ang lahat na maganda sa kaniyang kapanahunan
(Ecles. 3:11).
Kapag Dumating ang Panahon ng Diyos, Walang Makapipigil
Muli nating pakinggan: “Akong Panginoon, ay papapangyarihin.”
Sino ang makahahadlang sa Makapangyarihan? Nang dumating ang oras para ilabas
ang Israel mula sa Egipto, walang Faraon ang nakapigil. Nang sumapit ang araw
ng Pentecostes, kahit hindi maniwala ang marami, walang nakapigil sa pagbuhos
ng Espiritu at pagtatatag ng iglesia ni Cristo (Gawa 2:1–4, 47). At kapag
dumating si Cristo sa ikalawang pagkakataon, walang manglilibak, walang
ateista, walang mapagkunwari ang makapagpapabagal kahit isang saglit. “Sapagka't
ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw” (1 Tes.
4:16).
Ang Kapanahunan ng Diyos Para sa Iyo
Ngunit dito, mga kapatid, ito’y tumatagos sa puso: ang panahon ng pag-aantay
ng Diyos para sayo ay hindi walang hanggan. Ang sabi ng propeta: “Inyong
hanapin ang Panginoon samantalang siya'y masusumpungan, magsitawag kayo sa
kaniya samantalang siya'y malapit” (Isa. 55:6). May takdang panahon ng awa
— ngunit hindi iyon palaging bukas. Si Felix ay nanginig sa pangangaral ni
Pablo at nagsabi: “Ngayo'y humayo ka; at pagkakaroon ko ng kaukulang panahon
ay ipatatawag kita.” (Gawa 24:25). Ang “kaukulang panahon” na iyon
ay hindi na dumating. Ilan kaya ngayon ang naghihintay ng mas “magandang panahon”
— ngunit hindi alam na ang oras ng Diyos ay ngayon?
Ngayon ang Panahon ng Kaligtasan
Sabi ni apostol Pablo: “Narito, ngayon ang panahong ukol; narito,
ngayon ang araw ng kaligtasan” (2 Cor. 6:2). Hindi bukas. Hindi sa susunod
na linggo. Ngayon. Sabi ng Diyos, “papapangyarihin kong madali sa
kapanahunan” — at ang panahon Niya para sa iyong kaligtasan ay ngayon.
Tatanggihan mo ba Siya, o tatalima habang bukas pa ang pintuan ng biyaya?
Ang Panawagan sa Pagsunod
Mga kapatid at mga kaibigan, ano ang dapat mong gawin? Ang parehong
sagot na ibinigay noong Pentecostes nang sila’y masaktan sa puso at nagtanong, “Mga
kapatid, anong gagawin namin?” (Gawa 2:37). Ang tugon ay malinaw: “Mangagsisi
kayo, at mangagbautismo ang bawa’t isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa
ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan” (Gawa 2:38). Sa gayon ding paraan,
ay idaragdag ka ng Panginoon sa Kaniyang iglesia (Gawa 2:41, 47).
At sa inyo na mga kapatid na nasa loob na ni Cristo: kung kayo’y
lumamig, kung pumasok muli ang kasalanan, kung kayo’y naghihintay pa ng “mas
tamang panahon” upang maglingkod nang tapat — sinasabi ng Diyos, baka hindi
na dumating ang bukas. Ang oras Niya ay ngayon. Magsisi, ipahayag, at
magbalik-loob sapagkat Siya’y tapat at banal upang magpatawad (1 Juan 1:9).
Panghuli: Darating ang Kaniyang Oras — Handa Ka Ba?
Darating ang araw na padadaliin ng Diyos ang huling yugto ng
kasaysayan. Tutunog ang pakakak. Magsisibangon ang mga patay. Magkakaroon ng
paghuhukom. “Sapagka’t tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng
hukuman ni Cristo” (2 Cor. 5:10). Ang araw na iyon ay hindi maaantala. Ang
tanong ay hindi kung darating, kundi kailan. At kapag dumating iyon,
handa ka ba?
Sabi ng Panginoon: “Akong Panginoon, ay papapangyarihin kong madali
sa kapanahunan.” Maaaring ngayon na ang oras Niya. Handa ka bang sumunod
ngayon?
Paanyaya:
- Kung naniniwala ka
na si Jesus ang Cristo, magsisi ka sa iyong mga kasalanan, ipahayag Siya
sa harap ng mga tao, at magpabautismo upang mapasama sa Kaniyang kamatayan
at muling pagkabuhay (Rom. 6:3–4).
- Kung ikaw ay
Kristiano na ngunit lumayo, magsisi at magbalik-loob. Huwag mo nang
ipagpaliban.
Mga kapatid, tiyak ang oras ng Diyos. Tapat ang Kaniyang pangako. Ang
tanong na natitira ay: Handa ka ba kapag padadalihin Niya ito?
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#Isaiah6022 #GodsTiming #HastenItInHisTime #Sermon #ChurchOfChrist #SalvationNow #Acts237 #ObedienceToTheGospel