When A Just Man Falleth
Text: Proverbs 24:16
Falling Is Not the End
Brethren, the Word of God says, “For a just man falleth seven times,
and riseth up again: but the wicked shall fall into mischief” (Prov. 24:16). Notice, the verse does
not say if a just man falls, but when. Even those who are
righteous in Christ will stumble, make mistakes, and face weakness. The
difference between the just and the wicked is not whether they fall—it is what
they do afterward. The just man rises again. The wicked stays down.
Have you fallen, brethren? Have you sinned, slipped, or grown cold in
faith? God’s Word tells you: falling is not the end—unless you choose to stay
there.
The Nature of Falling
To “falleth” here comes from the Hebrew word naphal, meaning to
collapse, stumble, or be cast down. It does not describe a life of deliberate
sin but moments of weakness, of being overtaken. Paul speaks of this in Galatians 6:1: “Brethren, if a man
be overtaken in a fault, ye which are spiritual, restore such an one in the
spirit of meekness; considering thyself, lest thou also be tempted.”
Every one of us has been overtaken at some point. Peter fell when he
denied the Lord three times (Matt. 26:75). David fell when he sinned with
Bathsheba (2 Sam. 11). Yet both
repented and rose again. Falling exposes our need for God’s mercy and our utter
dependence on His strength.
The Power of Rising Again
The just man does not rise by his own power. He rises because the Lord
upholds him. “Though he fall, he shall not be utterly cast down: for the
LORD upholdeth him with his hand” (Psalm
37:24). Brethren, do you see the comfort here? God does not forsake His
children when they stumble. He extends His hand, waiting for you to grasp it
and stand again.
Think of the prodigal son in Luke
15. He fell deep into sin, but when he came to himself and arose to return
to his father, he found open arms, forgiveness, and restoration. Rising again
is always possible—if you turn back to God.
The Danger of Staying Down
But contrast this with the wicked. The verse says, “but the wicked
shall fall into mischief.” The
Hebrew word for “mischief” (ra‘)
means calamity, ruin, destruction. When the wicked fall, they stay down. Why?
Because pride keeps them from repentance. John
3:19 tells us, “men loved darkness rather than light, because their
deeds were evil.”
If you fall and do not rise in repentance, you are not walking as the
just but as the wicked. Remaining in sin is dangerous—it hardens the heart,
blinds the eyes, and leads to eternal ruin.
Brethren, Examine Yourselves
So I ask you, brethren, where are you now? Have you fallen and are
still lying in guilt, shame, or hidden sin? Or have you risen again in
repentance, confession, and renewed obedience? “Examine yourselves, whether
ye be in the faith” (2 Cor. 13:5).
God does not expect sinless perfection, but He does expect humble submission
and perseverance.
The gospel call is not to stay down in defeat but to walk in newness of
life (Rom. 6:4). Christ died and
rose again, so that you may die to sin and rise to righteousness. That is why
baptism is described as burial and resurrection (Rom. 6:3–5). And that is why
repentance for the Christian is described as “remembering, repenting, and doing
the first works” (Rev. 2:5).
A Call to Action
Friend, if you are not yet in Christ, you remain in the fall of sin.
The only way to rise is to obey the gospel—believe in Jesus (Mark 16:16), repent of your sins (Acts 17:30), confess His name (Rom. 10:9–10), and be baptized for the
remission of your sins (Acts 2:38).
Then God Himself will add you to the body of the saved (Acts 2:47).
And to you, brethren who have already obeyed, if you have fallen back
into sin, do not remain down. Rise again! Confess your faults, repent, and pray
for forgiveness (1 John 1:9; James 5:16).
God is faithful to restore you if you humble yourself today.
Eternal Perspective
Brethren, heaven is not for the flawless—it is for the faithful. God’s
people are not those who never stumble, but those who refuse to stay down. “Be
thou faithful unto death, and I will give thee a crown of life” (Rev. 2:10).
So I ask you, right now—will you rise? Will you repent? Will you obey
the Lord today? Let not pride or delay keep you down. For the just man falleth
seven times, but riseth up again. Rise today… and keep rising until the day
when Christ comes to take you home.
Brethren, what will you do with this message? Will you rise—or will you
stay down? The Lord is calling. Answer Him now.
“Come unto me, all ye that labour
and are heavy laden, and I will give you rest. Take my yoke upon you, and learn
of me; for I am meek and lowly in heart: and ye shall find rest unto your
souls. For my yoke is easy, and my burden is light.” (Mat 11:28-30)
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#Sermon #Proverbs2416 #WhenAJustManFalleth #BibleSermon #RiseAgain #Repentance #FaithInAction #GospelTruth #Christians #churchOfChrist #PagbangonSaKasalanan
Kapag Ang Matuwid Ay Nabuwal
Teksto: Kawikaan 24:16
Ang Pagkabuwal Ay Hindi Katapusan
Mga kapatid, ang sabi ng Salita ng Diyos: “Sapagka't ang matuwid ay
nabubuwal na makapito, at bumabangon uli: nguni't ang masama ay nabubuwal sa
kasakunaan” (Kawikaan 24:16).
Pansinin ninyo, hindi sinabing kung mabubuwal ang matuwid, kundi ay nabubuwal. Samakatuwid, maging
ang mga banal kay Cristo ay nadarapa, nagkakamali, at nagiging mahina. Ang
kaibahan ng matuwid sa masama ay hindi kung papaano sila nabubuwal, kundi kung ano ang nangyayari pagkatapos nila mabuwal.
Ang matuwid ay bumabangon muli. Ang masama ay nananatiling bagsak.
Ikaw ba, kapatid, ay nabuwal na? Nagkasala, nanghina, o nanlamig sa
pananampalataya? Ang sabi ng Salita: ang pagbagsak ay hindi katapusan—maliban
na piliin mong manatili sa pagkakabagsak.
Ang Kalikasan ng Pagkabuwal
Ang salitang “nabubuwal” dito ay mula sa salitang
Hebreo na naphal, na ang ibig
sabihin ay madapa, bumagsak, o mapahiga. Hindi ito tumutukoy sa sinasadyang
pamumuhay sa kasalanan, kundi sa mga sandali ng kahinaan—kapag nadadala. Sabi
ni Pablo: “Mga kapatid, kung ang sinoman ay mahulog sa alinmang kasalanan,
kayong mga espiritual ay magsaayos sa ganito ng may espiritu ng kaamuan; na ikaw
ay mag-ingat sa iyong sarili baka ikaw naman ay matukso” (Galacia 6:1).
Lahat tayo’y nadadala minsan. Si Pedro ay nabuwal nang ikaila niya ang
Panginoon nang makaitlo (Mateo 26:75).
Si David ay nabuwal sa kasalanan kay Bath-sheba (2 Samuel 11). Gayunman, kapwa sila’y nagsisi at bumangon muli. Ang
pagkabuwal ay nagpapakita ng ating pangangailangan sa awa ng Diyos at sa
Kaniyang lakas.
Ang Kapangyarihan ng Pagbangon Muli
Hindi bumabangon ang matuwid sa sariling lakas. Siya ay bumabangon
dahil ang Panginoon ang umaalalay. “Bagaman siya'y mabuwal, hindi siya lubos
na ibabagsak: sapagka't inaalalayan siya ng Panginoon ng kaniyang kamay” (Awit 37:24). Kapatid, nakikita mo ba
ang pag-aliw dito? Hindi iniiwan ng Diyos ang Kaniyang mga anak kapag sila’y
nadadapa. Iniunat Niya ang Kaniyang kamay, hinihintay na hawakan mo at ikaw ay
tumindig muli.
Isipin ninyo ang alibughang anak sa Lucas 15. Siya’y bumagsak nang malalim sa kasalanan, ngunit nang
siya’y matauhan at bumalik sa kaniyang ama, sinalubong siya ng bukas na mga
bisig, pagpapatawad, at pagbabalik. Laging posible ang muling pagbangon—kung
babalik ka sa Diyos.
Ang Panganib ng Pananatili sa Pagkabagsak
Ngunit salungat dito ang masama. Sabi ng talata, “nguni’t ang masama
ay nabubuwal sa kasakunaan.” Ang
salitang Hebreo na ra‘ ay
nangangahulugang kapahamakan, pagguho, pagkasira. Kapag bumagsak ang masama,
nananatili siyang bagsak. Bakit? Sapagka’t hinaharangan sila ng kapalaluan na
magsisi. Sabi sa Juan 3:19: “At
ito ang kahatulan, na ang ilaw ay naparito sa sanglibutan, at inibig ng mga tao
ang kadiliman kaysa ilaw; sapagka't masasama ang kanilang mga gawa.”
Kung ikaw ay bumagsak at hindi bumangon sa pagsisisi, hindi ka
lumalakad bilang matuwid kundi bilang masama. Ang pananatili sa kasalanan ay
mapanganib—pinatitigas nito ang puso, binubulag ang mata, at nagdadala sa
walang hanggang kapahamakan.
Mga Kapatid, Suriin Natin ang Ating Sarili
Kaya tinatanong ko kayo, kapatid: Nasaan ka ngayon? Ikaw ba’y nabuwal
at nananatili sa hiya, pagkakasala, o sa tagong kasalanan? O bumangon ka na ba
sa pagsisisi, pagtatapat, at panibagong pagsunod? “Siyasatin ninyo ang
inyong sarili, kung kayo’y nasa pananampalataya” (2 Cor. 13:5). Hindi hinihingi ng Diyos ang ganap na walang
pagkukulang, ngunit hinihingi Niya ang mapagpakumbabang pagsuko, pagsisisi at
pagtitiyaga.
Ang pagtawag ng ebanghelyo ay hindi para manatiling bagsak sa pagkabigo,
kundi lumakad sa panibagong buhay (Roma
6:4). Namatay at muling nabuhay si Cristo, upang tayo’y mamatay sa
kasalanan at muling mabuhay sa katuwiran. Kaya’t ang bautismo ay inilalarawan
bilang paglilibing at pagkabuhay na mag-uli (Roma 6:3–5). At para sa mga Kristiano, ang pagsisisi ay
inilalarawan na alalahanin “kung saan ka
nahulog, at magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa;” (Apocalipsis 2:5).
Isang Panawagan ng Aksyon
Kaibigan, kung wala ka pa kay Cristo, ikaw ay nananatili pa sa
pagbagsak ng kasalanan. Ang tanging paraan upang bumangon ay sundin ang
ebanghelyo—sumampalataya kay Jesus (Mar.
16:16), magsisi sa iyong mga kasalanan (Gawa 17:30), ipahayag ang Kaniyang pangalan (Roma 10:9–10), at magpabautismo sa kapatawaran ng iyong mga
kasalanan (Gawa 2:38). At idadagdag
ka ng Diyos Mismo sa katawan ng mga ligtas (Gawa 2:47).
At sa inyo, mga kapatid na nasa kay Cristo na, kung kayo’y nabuwal muli
sa kasalanan, huwag manatiling buwal. Bumangon muli! Ipahayag ang inyong mga
kasalanan, magsisi, at manalangin para sa kapatawaran (1 Juan 1:9; Santiago 5:16). Tapat ang Diyos na ibalik ka kung
magpapakumbaba ka ngayon.
Walang Hanggang Pananaw
Mga kapatid, ang langit ay hindi para sa mga walang kapintasan—ito’y
para sa mga tapat hanggang wakas. Ang bayan ng Diyos ay hindi yaong hindi
nadadapa kailanman, kundi yaong hindi kailanman nananatiling bagsak. “Maging
tapat ka hanggang sa kamatayan, at ibibigay ko sa iyo ang putong ng buhay”
(Apoc. 2:10).
Kaya tinatanong ko kayo ngayon—babangon ka ba? Magsisisi ka ba? Susunod
ka ba sa Panginoon ngayon? Huwag hayaang ang kapalaluan o pag-antala ang
magpabagsak sa iyo. Sapagka’t ang matuwid ay nabubuwal na makapito, ngunit
bumabangon uli. Bumangon ka ngayon… at patuloy na bumangon hanggang sa
pagbabalik ni Cristo upang dalhin ka sa Kanyang tahanang inihanda para sa walang
hanggan.
Mga kapatid, anong gagawin ninyo sa mensaheng ito? Babangon ba kayo—o
mananatiling bagsak? Ang Panginoon ay tumatawag. Sagutin Siya ngayon.
“Magsiparito sa akin, kayong
lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking
papagpapahingahin. Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin;
sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang
kapahingahan ng inyong mga kaluluwa. Sapagka't malambot ang aking pamatok, at
magaan ang aking pasan.” (Mat
11:28-30)
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#Sermon #Proverbs2416 #WhenAJustManFalleth #BibleSermon #RiseAgain #Repentance #FaithInAction #GospelTruth #Christians #churchOfChrist #PagbangonSaKasalanan
