The Watchman’s Burden
Text: Ezekiel 3:17–19
The Watchman’s Burden
Brethren, and dear friends who may be seeking the truth — the Lord spoke to Ezekiel and said:
"Son of man, I have made thee a watchman unto the house of Israel: therefore hear the word at my mouth, and give them warning from me.
When I say unto the wicked, Thou shalt surely die; and thou givest
him not warning, nor speakest to warn the wicked from his wicked way, to save
his life; the same wicked man shall die in his iniquity; but his blood will I
require at thine hand.
Yet if thou warn the wicked, and he turn not from his wickedness,
nor from his wicked way, he shall die in his iniquity; but thou hast delivered
thy soul.” (Ezek. 3:17–19)
This is not just Ezekiel’s story. This is a warning to all of us
who know God’s word. We are watchmen. And with that role comes a burden — a
burden of souls.
God’s Calling Is Personal
The Lord said, “I have made thee a watchman.” Brethren, notice —
it was God who made him a watchman. Ezekiel did not volunteer for a title. He
was appointed by the Almighty. In the Hebrew, the word for “watchman” (צָפָה – tsaphah)
means one who looks out, who keeps vigil, who stays alert. A watchman cannot
afford to be sleepy. He cannot be distracted. He cannot be silent when danger
approaches.
If you are a Christian today, the Lord has placed you in that role —
not in a ceremonial sense, but as a real spiritual sentinel. We have
been given the charge to guard not walls of stone, but souls that are eternal.
And God expects us to be alert to sin’s approach and to warn with His word.
Silence Is Not Innocence
God told Ezekiel that if he saw the wicked man in danger and failed to
warn him, that man would still die in his sin — but his blood would be
required at the watchman’s hand. Brethren, that means silence is not
neutral. Silence is deadly. When we know someone is walking toward destruction
and we keep our mouths shut because we fear their reaction, or because it is “awkward,”
God says, “His blood will I require at thine hand.”
Think of Paul’s words in Acts 20:26–27: “I am pure from the blood of
all men. For I have not shunned to declare unto you all the counsel of God.”
Paul could say that because he warned, he taught, he pleaded. He did not
withhold the truth to protect himself.
The Danger of Delayed Warnings
Brethren, danger does not always come with sirens. Sometimes it comes
quietly — a false doctrine that sounds loving, a sin that seems small, a
neglect of God’s assembly that becomes a habit. If we see it creeping in
someone’s life and we wait, thinking, “I’ll talk to them later,” we may
find that later never comes. Proverbs 27:6 says, “Faithful are the wounds of
a friend.” It may hurt them to hear our warning, but it will save them far
more than flattery ever could.
Our Duty Is to Speak, Not to Force
The Lord told Ezekiel: if you warn the wicked and they refuse to turn,
they will die in their sin — but thou hast delivered thy soul. Brethren,
our responsibility is to speak the truth in love (Eph. 4:15). We cannot make
someone obey. But we can make sure we are not guilty of withholding the message
that could save them.
Sometimes we fear that warning others will make them hate us. But if we
truly love them, we will risk their anger to save their soul. Better to have
them upset now and repent later, than to have them smile at us now and curse us
in eternity.
The Blood on Our Hands
This passage is graphic — God uses the image of blood on the hands.
Brethren, picture standing before the Lord on judgment day, and He shows us
faces — people we knew, people we loved — and He says, “You never warned
them.” The guilt will not just be theirs. It will be ours too.
But imagine the joy if the Lord shows us people who say, “You spoke
to me, and I obeyed. I am here because you cared enough to warn me.” That
is the reward of a faithful watchman.
The Watchman’s Call to You
Friend, if you are not yet in Christ, this sermon is my warning to you.
The wages of sin is death (Rom. 6:23). You are in danger — not of missing out
on church life, but of eternal separation from God in hell. And God’s warning
is clear: repent, turn from your sin, obey the gospel.
The gospel is not just “believe in Jesus” — it is believe, repent of
sins (Acts 17:30), confess Christ as Lord (Rom. 10:9–10), and be baptized for
the remission of sins (Acts 2:38; 22:16). That is the only way to be saved and
added by the Lord to His church (Acts 2:47).
And brethren, if you are already in Christ but have been silent,
afraid, or indifferent to warning the lost — repent. Return to your post as a
watchman. Speak up. Pray for courage. Souls are at stake.
Final Plea
Brethren, the night is far spent. The trumpet must sound. Danger is
real. Eternity is near. God has made us watchmen, not spectators. If we keep
silent, we will be held accountable. But if we warn faithfully, even if the
world rejects us, our Lord will say, “Well done, thou good and faithful
servant.”
Today, you have heard the warning. If you are cut to the heart like
those in Acts 2:37, do not delay. Ask, “What shall I do?” — and then obey what
God has already answered in His word. For tomorrow is not promised.
Come now — while the door of mercy is still open.
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#Ezekiel31719 #Watchman #Bantay #ChurchOfChrist #Kaligtasan #Repentance #GospelObedience #WarningFromGod #BiblicalPreaching #AD1905Bible #PangangaralNgKatotohanan #ChristianDuty #SoulWinning #PananagutanSaDugo #PagbabalikLoob #Kaluluwa
Ang Pasanin ng Bantay
Teksto: Ezekiel 3:17–19
Ang Pasanin ng Bantay
Mga kapatid, at mga kaibigan na naghahanap ng katotohanan — ang sabi ng
Panginoon kay Ezekiel:
"Anak ng tao, ginawa kitang bantay sa sangbahayan ni Israel;
kaya't pakinggan mo ang salita sa aking bibig, at bigyan mo sila ng babala mula
sa akin.
Pagka aking sabihin sa masama, Tunay na ikaw ay mamamatay; at hindi
mo siya binigyan ng babala, o nagsalita upang pagbalaan ang masama sa kaniyang
masamang lakad, upang iligtas ang kaniyang buhay; ang gayong masamang tao ay
mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't ang kaniyang dugo ay sisingsingilin ko
sa iyong kamay.
Gayun ma'y kung iyong pagbalaan ang masama, at hindi siya humiwalay
sa kaniyang kasamaan, o sa kaniyang masamang lakad, siya ay mamamatay sa
kaniyang kasamaan; nguni't iniligtas mo ang iyong kaluluwa.” (Ezek.
3:17–19, ADB1905)
Hindi lang ito kwento ni Ezekiel. Ito ay babala sa ating lahat
na nakakaalam ng salita ng Diyos. Tayo ay mga
bantay. At kasabay ng papel na ito ay ang pasanin — pasanin ng mga
kaluluwa.
Personal ang Tawag ng Diyos
Sabi ng Panginoon, “Ginawa kitang bantay.” Mga kapatid, pansinin
ninyo — ang Diyos ang nagtalaga sa kaniya (Ezekiel). Hindi ito sariling pasya o
nagboluntaryo si Ezekiel para magkaroon ng titulo. Siya ay itinalaga ng
Makapangyarihang Dios.
Sa wikang Hebreo, ang salitang “bantay” (tsaphah) ay nangangahulugang nagbabantay, nakamasid, gising
at handang magbabala. Ang bantay ay hindi puwedeng antukin. Hindi puwedeng wala
sa pokus o sa wisyo. Hindi puwedeng manahimik kapag may panganib na dumarating.
Kung ikaw ay Kristiano ngayon, inilagay ka ng Panginoon sa papel na ito
— bantay
— hindi gaya ng pagtatalaga ng may
magarbong seremonya, kundi bilang tunay na espirituwal na bantay sa
Kanyang sambahayan. Hindi pader ang binabantayan natin, kundi mga kaluluwang may
hahantungang walang hanggan. At inaasahan ng Diyos na tayo’y gising sa panahon
na nagbabanta ang paglapit ng kasalanan at magbigay babala sa mga tao tungkol dito
ayon sa Kaniyang salita.
Ang Pananahimik ay Hindi Pagiging Inosente
Sinabi ng Diyos kay Ezekiel na kung nakita niya ang mga liko na nasa
panganib at hindi niya ito binalaan, mamamatay pa rin sila sa kanilang kasalanan — pero ang kaniyang dugo ay
sisingsingilin sa kamay ng bantay. Mga kapatid, ibig sabihin, ang
pananahimik ay hindi kapakinabangan. Ang pananahimik ay nakamamatay. Kapag alam
natin na may taong papunta sa kapahamakan at pinipili nating manahimik dahil sa
takot sa reaksyon nila o dahil “nakakailang,”
sabi ng Diyos, “Ang kaniyang dugo ay sisingsingilin ko sa iyong kamay.”
Isipin ninyo ang sinabi ni Pablo sa Gawa 20:26–27: “Ako'y malinis sa
dugo ng lahat ng tao. Sapagka't hindi ako huminto na ipahayag sa inyo ang buong
pasiya ng Dios.” Malinis si Pablo dahil siya’y nagbabala, nagturo, at
nanawagan. Hindi niya itinago ang katotohanan para protektahan ang sarili.
Ang Panganib ng Naantalang Babala
Mga kapatid, hindi laging may tunog ng sirena ang panganib. Madalas nga
dumarating ito nang tahimik — gayang ng mga maling aral na nababalat-kayuan ng
pag-ibig, mga kasalanan na sinasabing “maliit lang naman,” o ang pagliban sa
pagtitipon na nagiging ugali ng ilan. Kung makita natin itong unti-unting
pumapasok sa buhay ng isang tao at sinabi natin sa sarili, “Saka ko na kakausapin,” baka
dumating ang araw na wala nang “saka na.”
Sabi sa Kawikaan 27:6, “Tapat ang mga sugat ng kaibigan.”
Maaaring masaktan sila sa ating babala, pero kung ito naman ang makapagliligtas
sa kanila, mas mabuti pa ito kaysa papuri na magdadala sa kanila sa
kapahamakan!
Tungkulin Nating Mangaral, Hindi Mamilit
Sinabi ng Panginoon: “kung iyong pagpaunahan ang masama, at siya'y
hindi humiwalay sa kaniyang kasamaan, o sa kaniyang masamang lakad man, siya'y
mamamatay sa kaniyang kasamaan; nguni't iyong iniligtas ang iyong kaluluwa.” Mga
kapatid, tungkulin nating magsabi ng katotohanan sa pag-ibig (Ef. 4:15). Hindi natin kayang pilitin ang sinuman na
sumunod. Pero kaya nating tiyakin na hindi tayo magiging guilty sa pagsabi
ng mensaheng makapagliligtas sa kanila.
Madalas nating ikinakatakot na kapag nagbabala tayo, kamumuhian nila tayo.
Pero kung tunay nating mahal sila, handa tayong harapin ang pagka-inis nila
ngayon upang mailigtas sila sa walang hanggang parusa. Mas mabuti na magalit
sila ngayon at magsisi sa huli, kaysa ngumiti sila ngayon at sumpaing kasama
tayo sa walang-hanggan pagdurusa.
Ang Dugo sa Ating mga Kamay
Malinaw ang larawan ito — dugo
sa kamay ng bantay. Mga kapatid, isipin ninyo ang pagtayo sa harap ng Diyos
sa araw ng paghuhukom, at ipakita Niya sa atin ang mga mukha — mga taong kilala
natin, minahal natin — at sasabihin Niya, “Hindi mo sila binalaan.”
Hindi lang sila ang may kasalanan. Kasama tayo.
Pero isipin din ang kagalakan kung ipapakita Niya ang mga taong
magsasabi, “Sinabihan mo ako, at sumunod ako. Narito ako dahil may nagmahal
sa akin at nagbabala.” Iyan ang gantimpala ng tapat na bantay.
Ang Tawag ng Bantay para sa Iyo
Kaibigan, kung hindi ka pa kay Cristo, ang pangaral na ito ay babala
para sa iyo. Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (Roma 6:23). Nasa panganib
ka — hindi lang ang hindi pagbibigay pansin na maidagdag ka sa iglesia, kundi
ng walang hanggang pagkakahiwalay sa Diyos sa impiyerno. At malinaw ang babala
ng Diyos: magsisi, tumalikod sa kasalanan, at sumunod sa ebanghelyo.
Ang ebanghelyo ay hindi lang “maniwala kay Jesus” — ito rin ay
pagsisisi sa kasalanan (Gawa 17:30), pagpapahayag na si Cristo ang Panginoon
(Roma 10:9–10), at pagpapabautismo sa ikapagpapatawad ng kasalanan (Gawa 2:38;
22:16). Iyan lang ang daan upang maligtas at idagdag ka ng Panginoon sa
Kaniyang iglesia (Gawa 2:47).
At mga kapatid, kung kayo’y nasa kay Cristo na pero nanahimik, natatakot,
o naging pabaya sa pagbibigay-babala sa mga nawawala — magsisi. Bumalik sa
inyong tungkulin bilang bantay. Mangaral. Manalangin para sa lakas ng loob.
Nasa bingit ng kamatayan ang mga maraming kaluluwa.
Huling Panawagan
Mga kapatid, malapit nang matapos ang gabi. Kailangan nang hipan ang
trumpeta. Totoo ang panganib. Malapit na ang walang hanggan. Ginawa tayo ng
Diyos na mga bantay, hindi mga tagapanood. Kung tayo’y mananahimik, pananagutan
natin ito. Pero kung tayo’y tapat na magbibigay babala sa mga tao, kahit
tanggihan tayo ng mundo, maririnig natin mula sa ating Panginoon, “Magaling,
tapat at mabuting alipin.” (Mateo
25:21).
Ngayon, narinig mo ang babala. Kung nasaktan ang iyong puso gaya ng sa
Gawa 2:37, huwag magpaliban. Itanong, “Ano ang gagawin ko?” — at sundin
ang malinaw nang sagot ng Diyos sa Kaniyang salita. Sapagkat ang bukas ay hindi
tiyak. (Hebreo 9:27)
Lumapit ka ngayon — habang bukas pa ang pinto ng awa.
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#Ezekiel31719 #Watchman #Bantay #ChurchOfChrist #Kaligtasan #Repentance #GospelObedience #WarningFromGod #BiblicalPreaching #AD1905Bible #PangangaralNgKatotohanan #ChristianDuty #SoulWinning #PananagutanSaDugo #PagbabalikLoob #Kaluluwa