Never Forsaken The
Faithfulness of God in Every Season of Life
Text: “I have been young, and now am old; yet have I not seen the righteous forsaken, nor his seed begging bread.” — Psalm 37:25
A Word for the Weary Heart
Brethren, in a world where promises are broken, where jobs are lost,
where sickness comes uninvited, where families sometimes abandon, one question
echoes in many hearts: “Has God forgotten me?” But listen carefully to
the testimony of David, an old man who had walked with God through valleys and
victories alike: “I have been young, and now am old; yet have I not seen the
righteous forsaken.” That is not empty poetry. That is a lifetime of proof.
That is the Spirit of God declaring to us — His people are never abandoned.
The Weight of a Lifetime’s Testimony
David uses the Hebrew word ʿāzab — “to leave behind, to
abandon.” And he says, “Never.” That word is absolute. Never once had God
deserted His faithful ones. This is not a guarantee of riches or an easy life.
It is far greater: the assurance that in the fire, in the famine, in the
darkest night, God never turns His face away from the righteous. Brethren, the righteous
may lose health, wealth, or friends, but they will never lose God’s presence.
Stories That Prove the Point
Think of Joseph. Betrayed, sold, imprisoned — yet the Scripture
repeats, “But the LORD was with Joseph” (Gen. 39:2, 21). He was never
forsaken.
Think of Hagar, cast into the wilderness with her child, ready to die.
Yet the “God who sees” opened her eyes to a well (Gen. 21:19). She was never
forsaken.
Think of Elijah and the widow of Zarephath. In famine, God multiplied
the meal and oil so “the barrel wasted not” (1 Kings 17:16). They were never
forsaken.
Think of Paul in his cold prison cell. “All men forsook me,” he said,
but then added, “Notwithstanding the Lord stood with me, and strengthened
me” (2 Tim. 4:16–17). He was never forsaken.
Brethren, is this not enough witness? Every page of Scripture cries: God
never abandons His own.
Thus Saith the Lord — He Will Not Leave You
Hear these promises and let them sink deep:
“For the LORD loveth judgment, and forsaketh not his saints; they
are preserved for ever” (Ps. 37:28).
“I will never leave thee, nor forsake thee” (Heb. 13:5).
“Lo, I am with you alway, even unto the end of the world” (Matt.
28:20).
These words are covenantal. They are not based on our comfort, but on
His unchanging character. If you belong to Him, you are never abandoned.
When Faith Meets Life’s Trials
So what does this mean for us, brethren?
When money runs out — trust Him. “Seek ye first the kingdom of God,
and his righteousness; and all these things shall be added unto you” (Matt.
6:33).
When friends betray you — remember, “When my father and my mother
forsake me, then the LORD will take me up” (Ps. 27:10).
When you feel invisible — know that God saw Hagar’s tears, and He sees
yours too — “The LORD is there” (Ezek. 48:35).
When death itself comes near — say with David, “Yea, though I walk
through the valley of the shadow of death, I will fear no evil: for thou art
with me” (Ps. 23:4). Brethren, not even death is a place where God forsakes
His own.
A Call to the Faithful
So, beloved, hold fast. Don’t let the storm shake you. Don’t let the
silence fool you. God is with you in the dark as much as in the daylight. Make
Psalm 37:25 your cry of faith: “I have been young, and now am old; yet have
I not seen the righteous forsaken.” Keep walking in righteousness. Keep
praying. Keep serving. You are never alone.
A Warning to the Wayward
But let me speak plainly: this promise is not for the rebellious.
Scripture says, “The face of the LORD is against them that do evil” (Ps.
34:16). If you deny Him, He will deny you (2 Tim. 2:12). If you continue in
sin, you walk alone — not because God abandoned you, but because you have
abandoned Him. Yet even now, if you repent, He will take you back. God has
never forsaken a penitent heart.
The Blessing of Trusting Him
What do we gain when we live in this promise? Peace in the storm (Phil.
4:7). Confidence in provision (Ps. 37:19). Security in suffering (Isa. 43:2).
Hope for tomorrow (Lam. 3:22–23). And above all, the joy of knowing that “The
LORD is good, a strong hold in the day of trouble; and he knoweth them that
trust in him” (Nah. 1:7).
Final Invitation
So I ask you, brethren, seekers, friends: Will you walk alone, or will
you walk with God who never forsakes? Will you trust Him with your life, your
soul, your eternity?
To the sinner: Believe, repent, confess Christ, and be baptized for the
remission of sins.
To the Christian who has drifted: Come home.
To the faithful: Press on.
Because at the end of your days, when you too can say, “I was young,
and now am old,” may your testimony echo David’s: Never forsaken.
Amen.
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#Sermon #NeverForsaken #FaithfulnessOfGod #Psalm3725 #GodsPromises #ChristianHope #TrustInTheLord #HindiPinabayaan #GodIsFaithful #PananaligSaDiyos #KristiyanongPamumuhay #BiblicalHope #SermonTagalog #TagalogPreaching
Kailanman Hindi Pinabayaan
Ang Katapatan ng Diyos sa Bawat Panahon ng Buhay
Teksto: “Ako'y naging bata, at ngayo'y matanda; gayon ma'y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan, ni ang kaniyang lahi man ay nagpapalimos ng tinapay.” — Awit 37:25
Isang Pag-aliw Para sa Nanghihina ang Loob
Mga kapatid, sa mundong puno ng kabiguan, pagkawala ng hanapbuhay,
pagkakasakit, at pagtatakwil ng iba, hindi maiiwasan ang tanong: “Nakalimutan
na ba ako ng Diyos?” Ngunit pakinggan ninyo ang tinig ng isang matandang
lingkod ng Diyos — si David — na nagsalita mula sa karanasan: “Ako’y naging
bata, at ngayo’y matanda; gayon ma’y hindi ko nakita ang matuwid na
pinabayaan.” Hindi ito palamuting salita, kundi isang patotoo ng Espiritu —
na ang matuwid ay kailanman hindi iniwan ng Panginoon.
Ang Kahalagahan ng Patotoo ni Haring David
Ang salitang Hebreo na ginamit ni David sa “pinabayaan” ay ʿāzab
— na may kahulugang iwan, talikdan,
pabayaan. At ang kaniyang sinasabi ay malinaw na pahayag: hindi kailanman manyayaring pabayaan.. Hindi
nangangahulugang hindi daranas ng hirap ang matuwid, kundi na sa gitna ng lahat
ng hirap, hindi tatalikuran ng Diyos ang Kaniyang bayan. Ang pera ay maaaring
mawala, ang kalusugan ay maaaring bumigay, ang kaibigan ay maaaring tumalikod —
ngunit ang Diyos kailanman ay hindi tatalikuran ang matuwid.
Mga Naganap sa Kasulatan na Nagpapatunay
Si Jose, ipinagbili, ikinulong, tinalikuran ng sariling pamilya —
subalit sinasabi ng Kasulatan, “At ang Panginoo’y sumasa kay Jose” (Gen.
39:2, 21). Hindi siya pinabayaan.
Si Agar, itinaboy sa ilang kasama ang kaniyang anak, handa nang mamatay
— ngunit ang Diyos na nakakakita ay nagbukas ng balon sa kaniyang paningin
(Gen. 21:19). Hindi siya pinabayaan.
Si Elias at ang babaeng balo sa Sarepta — sa gitna ng taggutom, hindi
naubos ang harina at langis ayon sa salita ng Panginoon (1 Hari 17:16). Hindi
sila pinabayaan.
Si Pablo, iniwan ng lahat sa bilangguan — ngunit nagpatotoo siya, “Gayunma’y
ang Panginoon ay sumasa akin, at ako’y pinalakas” (2 Tim. 4:16–17). Hindi
siya pinabayaan.
Mga kapatid, hindi ba’t malinaw? Sa bawat pahina ng Kasulatan,
sumisigaw ang katotohanan: Hindi pinababayaan ng Diyos ang Kaniyang bayan.
Ganito ang Sabi ng Panginoon — Hindi Ka Iiwan
Pakinggan natin ang mga pangako ng Diyos:
“Sapagka’t iniibig ng Panginoon ang kahatulan, at hindi pinababayaan
ang kaniyang mga banal; sila’y iniingatan magpakailan man.” (Awit 37:28)
“Sapagka’t siya rin ang nagsabi, Kailan man ay hindi kita iiwan ni
pababayaan man kita.” (Heb. 13:5)
“At narito, ako’y sumasa inyo palagi, hanggang sa katapusan ng
sanglibutan.” (Mat. 28:20)
Hindi ito nakasalalay sa ating ginhawa, kundi sa hindi nagbabagong kalikasan
ng Diyos. Kung ikaw ay sa Kaniya, hindi ka Niya kailanman iiwan.
Kapag Hinarap ng Pananampalataya ang Buhay
Ano ang ibig sabihin nito sa atin, mga kapatid?
Kapag gipit sa pangangailangan sa buhay — magtiwala. “Nguni’t
hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang
lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.” (Mat. 6:33)
Kapag iniwan ng mga kapamilya — alalahanin: “Kung iwanin ako ng
aking ama at ng aking ina, kung magkagayo’y tatanggapin ako ng Panginoon.”
(Awit 27:10)
Kapag pakiramdam mo’y walang nakakakita — alalahanin si Agar. Nakita ng
Diyos ang kaniyang luha, at nakikita rin Niya ang iyong luha — “Ang
Panginoon ay naroroon.” (Ezek. 48:35)
Kapag ang kamatayan ay lumalapit — ipahayag mo gaya ni David: “Oo,
bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan, wala akong katatakutang
kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin:” (Awit 23:4)
Mga kapatid, kahit “sa libis ng lilim ng kamatayan” ay hindi iniiwan
ng Diyos ang Kaniyang bayan.
Panawagan sa mga Tapat
Kaya nga mga kapatid, magpakatatag tayo. Huwag padadaig sa unos. Huwag
magpapalinlang sa katahimikan. Ang Diyos ay kasama mo sa dilim tulad din sa
liwanag. Gawin mong sigaw ng iyong pananampalataya ang Awit 37:25: “Ako’y
naging bata, at ngayo’y matanda; gayon ma’y hindi ko nakita ang matuwid na
pinabayaan.”
Magpatuloy sa katuwiran. Magpatuloy sa pananalangin. Magpatuloy sa
paglilingkod. Hindi ka nag-iisa.
Isang Babala sa Nagpapabaya
Ngunit malinaw din ang babala: Ang pangakong ito’y hindi para sa
suwail. “Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na gumagawa ng masama.”
(Awit 34:16)
“Kung itakuwil natin siya, ay itatakuwil naman niya tayo.” (2
Tim. 2:12)
Kung ipagpapatuloy mo ang kasalanan, ikaw ay maglalakad mag-isa — hindi
dahil iniwan ka ng Diyos, kundi dahil tinalikuran mo Siya. Subalit ngayong oras
ding ito, kung ikaw ay magsisisi, tatanggapin ka Niyang muli. Sapagkat
kailanman hindi Niya pinabayaan ang pusong nagsisisi.
Ang Pagpapala ng Pagtitiwala sa Kaniya
Ano ang bunga kapag tayo’y nanangan sa pangakong ito? Kapayapaan sa
bagyo (Fil. 4:7). Katiyakan sa panustos (Awit 37:19). Seguridad sa gitna ng
hirap (Isa. 43:2). Pag-asa para sa kinabukasan (Panaghoy 3:22–23). At higit sa
lahat, ang kagalakan na malaman na, “Ang Panginoo'y mabuti, katibayan sa
kaarawan ng kabagabagan; at nakikilala niya yaong nangaglalagak ng kanilang
tiwala sa kaniya.” (Nah. 1:7)
Paanyaya
Kaya tinatanong ko kayo ngayon: Hahayaan mo bang lumakad kang mag-isa,
o sasama ka sa Diyos na kailanman hindi nagpapabaya? Ipagtitiwala mo ba sa
Kaniya ang iyong buhay, kaluluwa, at walang hanggan?
Sa hindi pa Kristiyano: manampalataya, magsisi,
ipahayag si Cristo, at magpabautismo sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Sa Kristiyano na lumamig: bumalik ka na.
Sa matapat: magpatuloy hanggang wakas.
At kapag dumating ang dulo ng iyong mga araw, masabi mo ring kasama ni
David: Kailanman hindi pinabayaan.
Amen.
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#Sermon #NeverForsaken #FaithfulnessOfGod #Psalm3725 #GodsPromises #ChristianHope #TrustInTheLord #HindiPinabayaan #GodIsFaithful #PananaligSaDiyos #KristiyanongPamumuhay #BiblicalHope #SermonTagalog #TagalogPreaching