“Be Thou Faithful Unto Death”
(Revelation 2:10)
A Command from the Lord Himself
Brethren, these are not just words of encouragement. They are the marching orders of our only Potentate, the King of kings, and Lord
of lords, Jesus Christ. Revelation 2:10 says, “Be thou faithful unto
death, and I will give thee a crown of life.” This was spoken to the church
in Smyrna, a congregation under pressure, persecution, and poverty. The Lord
did not promise them escape from suffering — He promised them life if they
would remain faithful, even if faithfulness meant death.
Notice, it does not say, “Be faithful until you get tired.” It does not
say, “Be faithful until you are old.” It says, unto death. Brethren,
that means faithfulness for the rest of our lives, whatever comes. No pause
button. No retirement from serving God.
Faithfulness Is More Than Believing
Some people think that as long as they “believe in Jesus,” they are
already faithful. But James 2:19 says, “The devils also believe, and
tremble.” Faithfulness is not mere belief; it is consistent obedience.
Jesus said in John 14:15, “If ye love me, keep my commandments.”
Faithfulness means doing what He says, even when it is inconvenient,
even when it costs us friends, jobs, or comfort. It means holding to the truth
when the world calls you old-fashioned. It means living for Christ in private,
not just in public.
The Greek Word for Faithful
The word faithful here in the Greek is pistos — meaning
“trustworthy, reliable, loyal.” This is not occasional loyalty, but proven
reliability over time. Faithfulness is not proven when everything is easy. It
is proven when we are tempted to quit, but we do not.
Brethren, can God count on you? Can He trust you to stand for Him
tomorrow as you do today? That’s the question pistos is asking.
The Cost of Faithfulness
The Lord warned the Smyrnaeans, “Behold, the devil shall cast some
of you into prison, that ye may be tried; and ye shall have tribulation ten
days.” Faithfulness may cost us something. It cost the apostles their
lives. It cost Paul his freedom, his comfort, and eventually his head.
And if being faithful to Christ should one day cost us our freedom, our
job, or even our life — would we still stand? Jesus did not hide the cost. He
said in Luke 9:23, “If any man will come after me, let him deny himself, and
take up his cross daily, and follow me.”
Faithfulness Guards Against Falling Away
Some start well but do not finish. Galatians 5:7 says, “Ye did run
well; who did hinder you that ye should not obey the truth?” The devil
doesn’t mind if you start the race, as long as you do not finish it. That’s why
Hebrews 3:14 says, “For we are made partakers of Christ, if we hold the
beginning of our confidence stedfast unto the end.”
Brethren, it is possible to fall away. That’s why Jesus says, “Be thou
faithful unto death.” Not faithful until discouraged. Not faithful until
offended. Not faithful until the church fails to meet your personal
expectations. Unto death.
The Crown of Life Awaits
The Lord’s promise is sure: “I will give thee a crown of life.” This
is not a crown like kings wear, but the stephanos — the victory wreath
given to those who finish the race. James 1:12 says, “Blessed is the man
that endureth temptation: for when he is tried, he shall receive the crown of
life, which the Lord hath promised to them that love him.”
There is no crown without a cross. No victory without a fight. No
reward without endurance. Brethren, don’t let this world rob you of that crown.
Hold fast what you have, that no man take it from you (Revelation 3:11).
A Personal Question for You
So I ask you: Are you faithful to the Lord right now? Not last year,
not when you first obeyed the gospel — right now. If death came for you
tonight, would the Lord find you pistos, trustworthy?
If you are not in Christ, you cannot be faithful to Him because you are
not yet His. The Lord said in Mark 16:16, “He that believeth and is baptized
shall be saved; but he that believeth not shall be damned.” Faith begins
with belief, moves to repentance (Acts 17:30), confession of Christ (Romans
10:9–10), and baptism for the remission of sins (Acts 2:38). That’s where
faithfulness begins — at obedience to the gospel.
If you are already a Christian but have wandered, the call is to repent
and return. 1 John 1:9 says, “If we confess our sins, he is faithful and
just to forgive us our sins, and to cleanse us from all unrighteousness.”
The Lord wants you back, but you must decide.
Call to Action
Brethren, heaven is worth whatever it costs to get there. Hell is not
worth whatever pleasure or comfort you cling to in this life.
Today, the Lord is not calling for half-hearted believers. He is
calling for soldiers who will be faithful unto death. Will you be one? Will you
stand firm no matter what? Will you finish the race?
Come — obey the gospel if you never have. Come — return to faithfulness
if you have drifted. The crown of life is waiting, but only for the faithful!
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#Sermon #ChurchOfChrist #BeFaithful #FaithfulUntilDeath #CrownOfLife #Revelation210 #ChristianFaithfulness #EndureToTheEnd #MagingTapat #HanggangKamatayan #IglesiaNiCristoSaBibliya
“Maging Tapat Hanggang sa Kamatayan”
(Apocalipsis 2:10)
Isang Utos Mismo Mula sa Panginoon
Mga kapatid, hindi lamang ito salitang pang-aliw sa ating puso, kundi
Ito’y isang malinaw na utos mula sa
ating tanging Makapangyarihan Hari ng mga
hari, at Panginoon ng mga panginoon na si Jesucristo. Sabi sa Apocalipsis 2:10, “Maging tapat ka
hanggang sa kamatayan, at bibigyan kita ng putong ng buhay.” Sinabi ito sa
iglesia sa Smirna — isang iglesiang dumaranas ng pag-uusig, kahirapan, at
panganib. Hindi sila pinangakuan ng Panginoon na tatakas sa hirap — kundi ng
buhay, kung sila’y mananatiling tapat kahit mamatay dahil dito.
Pansinin ninyo, hindi sinabing “Hanggang sa mapagod ka.” Hindi sinabing
“Hanggang sa tumanda ka.” Ang sabi ay hanggang sa kamatayan. Ibig
sabihin, mga kapatid, katapatan sa buong buhay natin — anuman ang dumating.
Walang pahinga. Walang pagreretiro sa paglilingkod sa Diyos.
Ang Katapatan ay Higit pa sa Paniniwala
May mga akala na basta naniniwala kay Jesus, tapat na sila. Pero sabi
sa Santiago 2:19, “Ang mga
demonio’y nagsisisampalataya rin, at nagsisipanginig.” Ang katapatan ay
hindi lamang paniniwala; ito ay tuloy-tuloy na pagtalima. Sabi ni Jesus sa Juan 14:15, “Kung ako’y inyong
iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.”
Ang pagiging tapat ay paggawa ng kalooban ng Diyos kahit mahirap, kahit
mawalan tayo ng kaibigan, trabaho, o ginhawa. Ito ay paninindigan sa
katotohanan kahit tawagin kang makaluma. Ito ay pamumuhay para kay Cristo kahit
walang nakakakita.
Ang Salitang Griego para sa “Tapat”
Ang salitang tapat dito sa Griego ay pistos — ibig
sabihin ay “maaasahan, mapagkakatiwalaan, tapat.” Hindi ito pansamantalang
katapatan, kundi napatunayan sa mahabang panahon. Hindi sinusukat ang katapatan
kapag madali ang lahat. Nasusubok ito kapag gusto mo nang sumuko, pero hindi ka
sumusuko.
Mga kapatid, maaasahan ka ba ng Diyos? Mapagkakatiwalaan ka ba Niyang
maging matatag bukas gaya ng ngayon? Yan ang tanong na dala ng pistos.
Ang Halaga ng Katapatan
Binalaan ng Panginoon ang mga taga-Smirna, “Narito, itatapon ng
diablo ang ilan sa inyo sa bilangguan, upang kayo’y masubok; at magkakaroon
kayo ng kapighatian na sangpung araw.” Maaaring may kapalit ang katapatan.
Ibinuwis ng mga apostol ang kanilang buhay. Ibinigay ni Pablo ang kanyang
kalayaan, ginhawa, at sa huli ang kanyang buhay.
At kung sakaling dumating ang araw na ang pagiging tapat kay Cristo ay
magdulot ng pagkawala ng ating kalayaan, trabaho, o maging ng ating buhay —
tatayo pa rin ba tayo? Hindi itinago ni Jesus ang halaga ng pagsunod. Sabi Niya
sa Lucas 9:23, “Kung ang sinoman
ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang
kaniyang krus araw-araw, at sumunod sa akin.”
Ang Katapatan ay Depensa Laban sa Pagkaligaw
May mga nagsimula nang mabuti pero hindi nagtapos. Sabi sa Galacia 5:7, “Kayo’y nagsitakbo ng
mabuti; sino ang humadlang sa inyo upang huwag ninyong talimahin ang
katotohanan?” Hindi alintana ng diablo kung nagsimula ka, nais niya’y huwag
mong tapusin. Kaya sabi sa Hebreo 3:14,
“Sapagka’t tayo’y ginawang kabahagi ni Cristo, kung ating ingatang matibay
ang pasimula ng ating pagkakatiwala hanggang sa katapusan.”
Mga kapatid, posible ang maligaw. Kaya malinaw ang sabi ni Jesus:
“Maging tapat hanggang sa kamatayan.” Hindi sinabing hanggang sa ma-discourage
o madismaya. Hindi hanggang sa ma-offend o mapikon. Hindi hanggang sa hindi
matugunan ang personal na inaasahan mo sa iglesia o hanggang sa mawalan ka ng
gana sa iglesia. KUNDI… hanggang sa kamatayan!
Naghihintay ang Putong ng Buhay
Tiyak ang pangako ng Panginoon: “At bibigyan kita ng putong ng buhay.” Hindi ito korona
ng hari, kundi stephanos — ang putong ng tagumpay na ibinibigay sa mga nagtapos ng takbuhan.
Sabi sa Santiago 1:12, “Mapalad
ang taong nagtitiis ng tukso: sapagka’t pagka siya’y subok na, tatanggap siya
ng putong ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kaniya.”
Walang putong kung walang krus. Walang tagumpay kung walang laban.
Walang gantimpala kung walang pagtitiis. Mga kapatid, huwag ninyong hayaang
maagaw ng sanlibutang ito ang inyong putong. Panghawakan ninyo ang nasa inyo,
upang huwag kunin ng sinoman (Apocalipsis
3:11).
Isang Personal na Tanong para sa Iyo
Kaya tinatanong kita: Tapat ka ba sa Panginoon ngayon? Hindi noong
nakaraang taon, hindi noong una mong tinanggap ang ebanghelyo — ngayon. Kung
dumating ang kamatayan ngayong gabi, matatagpuan ka ba ng Panginoon na pistos, o mapagkakatiwalaan?
Kung wala ka pa kay Cristo, hindi ka pa maaaring maging tapat sa Kanya
dahil hindi ka pa sa Kanya. Sabi ng Panginoon sa Marcos 16:16, “Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay
maliligtas; datapuwa’t ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.”
Nagsisimula ang katapatan sa pananampalataya, susundan ng pagsisisi (Gawa 17:30), ng pagpapahayag na si
Jesus ang Cristo (Roma 10:9–10), at
ng bautismo sa kapatawaran ng mga kasalanan (Gawa 2:38). Dito nagsisimula ang buhay ng katapatan.
Kung ikaw ay Kristiano na ngunit naligaw, ang panawagan sa iyo ay
magsisi at bumalik. Sabi sa 1 Juan 1:9,
“Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na
tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng
kalikuan.” Nais ka ng Panginoon na bumalik — pero kailangan mong magpasya.
Pananaw at Paanyaya
Mga kapatid, sulit ang langit gaano man ito kamahal na makamtan. At
hindi sulit ang impiyerno gaano mo man kamahal ang kasalukuyang kalayawan at
kaginhawahan.
Ngayon, hindi tumatawag ang Panginoon ng kalahating pusong
mananampalataya. Tumatawag Siya ng mga buong pusong sundalong magiging tapat
hanggang sa kamatayan. Ikaw ba iyon? Tatayo ka ba hanggang sa wakas? Tatapusin
mo ba ang takbuhan?
Lumapit ka — sumunod sa ebanghelyo kung hindi mo pa ito tinutupad.
Lumapit ka — bumalik sa katapatan kung ikaw ay nalayo. Ang putong ng buhay ay naghihintay, ngunit para lamang sa mga tapat!
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#Sermon #ChurchOfChrist #BeFaithful #FaithfulUntilDeath #CrownOfLife #Revelation210 #ChristianFaithfulness #EndureToTheEnd #MagingTapat #HanggangKamatayan #IglesiaNiCristoSaBibliya