Putting On Christ in Our Lives
“For as many of you as have been baptized into Christ have put on Christ.” — Galatians 3:27
INTRODUCTION:
A TIMELESS AND URGENT CALL
Brethren,
we live in a generation that is heavily clothed with the garments of pride,
selfish ambition, immorality, and worldly conformity. From the flashing lights
of secularism to the seductive pull of humanism, people are dressing their
souls with everything—except Christ. This is not just a problem
"out there"; even among professed believers, many have not truly put
on Christ. They wear religion, not redemption. They wear church
affiliation, not transformation.
This
lesson today is not only timely but eternally essential. It strikes at the very
heart of what it means to be a Christian. Paul, by the Spirit of God, said in Galatians
3:27,
“For as
many of you as have been baptized into Christ have put on Christ.”
But what
does it mean to “put on Christ”? Is it a feeling? A ritual? A symbol? Or
is it the very embodiment of a new identity that radically transforms our walk,
our talk, our thinking, and our eternity?
Let us now
go into the Word with reverence and readiness to learn.
I. THE
BIBLICAL CONTEXT AND GREEK INSIGHT (GALATIANS 3:27)
The word “put
on” comes from the Greek word ἐνδύω (endýō), meaning to clothe
oneself with, to be fully enveloped in. This is not superficial adornment;
it is a transformation of identity. Just as a soldier puts on armor or a priest
his holy garments, so the Christian puts on Christ in every aspect of
life.
Paul’s
statement in Galatians 3:27 comes after an argument that salvation is not by
the Law, but by faith in Christ Jesus (Gal. 3:26). Baptism, then, is the
moment of spiritual clothing—the point where faith meets obedience, and
the old man is buried, and a new man rises.
II.
BIBLICAL EVENTS THAT DEMONSTRATE THEME OF "PUTTING ON CHRIST"
1. The
Ethiopian Eunuch (Acts 8:26–39)
This royal
official from Ethiopia was reading Isaiah but did not understand. When Philip
preached Jesus, the eunuch responded with urgency:
2. Saul of
Tarsus (Acts 9:1–19; cf. 22:16)
From
persecutor to preacher, Saul’s transformation occurred not at his conviction,
but at his obedient response to the command:
3. The
Prodigal Son (Luke 15:11–32)
Though not
a baptism story, this parable powerfully illustrates restoration. The father
says:
III. THE
DOCTRINE: PUTTING ON CHRIST IS A COMPLETE SPIRITUAL TRANSFORMATION
A. Entry
Point: Baptism into Christ
- Baptism is not merely symbolic.
It is the divinely appointed point of entering into Christ (Gal.
3:27; Rom. 6:3–4).
- This act of obedience is the
culmination of faith (Mark 16:16), repentance (Acts 2:38), and confession
(Rom. 10:9–10).
B. Ongoing
Lifestyle: Living Christ Daily
- After putting on Christ at
baptism, we are to walk in newness of life (Rom. 6:4).
- Paul says:
“Put ye on
the Lord Jesus Christ, and make not provision for the flesh...” – Romans
13:14
To “put on
Christ” is to let His life envelop your life, His thoughts your
thoughts, His will your will.
IV.
PRACTICAL APPLICATIONS: HOW DO WE PUT ON CHRIST DAILY?
A. INNER
LIFE – The Heart and Mind of Christ
1. Put on
Christ in Your Thoughts
B. OUTWARD
CONDUCT – The Lifestyle that Reflects Christ
7. Put on
Christ in Your Conduct
9. Put on
Christ in Your Suffering
C. RELATIONAL
CHARACTER – What Others First See in Us
11. Put on
Christ in Your Relationships
V. A
COMPELLING CALL TO ACTION: Be
Doers of the Word
If you
have not been baptized scripturally—for the remission of sins (Acts
2:38)—then according to Galatians 3:27, you have not yet put on Christ.
But you can today. Don’t wait. Delay is dangerous.
If you have
been baptized, the question becomes: Are you still wearing Him daily, or
have you put Him off for worldly garments?
“And that
ye put on the new man, which after God is created in righteousness and true
holiness.” – Ephesians 4:24
VI. A
WARNING AND A PROMISE
Those
without the proper wedding garment were cast out (Matt. 22:11–13). Let that not
be you.
CONCLUSION:
DRESSED FOR ETERNITY
Clothe
yourself in Jesus. Be immersed in Him in baptism. Continue walking in His
likeness. Then, when He returns, you shall be found not naked, but
ready.
“Blessed
are they that do his commandments, that they may have right to the tree of
life...” – Revelation 22:14
Readers may share, print, teach, or repost these articles if unaltered, intent preserved, not sold or used commercially, and with a clear link back to this blog.
#BibleStudy #Sermon #Apologetics #SoundDoctrine #PuttingOnChrist #BaptismIntoChrist #ChristianLiving #Galatians327 #NewLifeInChrist #FaithAndObedience #BiblicalTransformation #Baptism
Ibihis si Cristo sa Ating Buhay
“Sapagka't ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.” — Galacia 3:27
PAMBUNGAD:
ISANG PANAWAGAN NA HINDI MAARING IPAGWALANG-BAHALA
Mga
kapatid, tayo'y nabubuhay sa panahong maraming tao ang nagdadamit sa bihis ng
kapalaluan, makasariling pagnanasa, kahalayan, at pagsiayon sa sanglibutang ito.
Ang kaluluwa ng marami ay nabibihisan ng lahat ng uri ng kasuotan—maliban
kay Cristo.
Ang
masaklap dito, kahit sa mga nag-aangking Kristiyano, marami ang hindi tunay na nagbihis
kay Cristo. May anyo ng kabanalan, ngunit walang tunay na pagbabagong loob.
Sila ay kasapi ng iglesia, ngunit hindi kay Cristo.
Ang aral
na ito ay hindi lamang napapanahon, kundi panghabambuhay na mahalaga.
Ito'y tumutukoy sa pinakadiwa ng pagiging isang tunay na Kristiyano. Sa Galacia
3:27, sinabi ni Pablo sa pamamagitan ng Espiritu:
“Sapagka't
ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.”
Ano nga ba
ang ibig sabihin ng “ibinihis si Cristo”? Isang pakiramdam lang ba ito?
Simbolo? Ritwal? O ito ba'y isang bagong pagkakakilanlan na lubos na
nagbabago ng ating pag-iisip, asal, at layunin?
I.
KONTEKSTO NG TALATA AT PAGSUSURI SA SALITANG GRIYEGONG GINAMIT (GALACIA 3:27)
Ang
salitang “ibinihis” ay mula sa salitang Griyego na ἐνδύω (endýō),
na nangangahulugang damtan, balutan, o ganap na bihisan. Hindi ito
panlabas lamang—ito ay pagbabagong mula sa kalooban.
Sa
konteksto ng Galacia 3, ipinapakita ni Pablo na ang kaligtasan ay hindi mula sa
Kautusan kundi sa pananampalataya kay Cristo (Gal. 3:26). Ang bautismo
ang punto ng pagpasok kay Cristo—ang sandali ng pagbibihis sa Kanya, ay gaya
ng sundalong nagbibihis ng baluti o ng pari sa pagbibihis ng banal na kasuotan.
“O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga binautismuhan kay Cristo Jesus ay mga binautismuhan sa kaniyang kamatayan?” – Roma 6:3
“Kaya kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang...” – 2 Corinto 5:17
II. MGA
HALIMBAWA SA BIBLIYA NG PAGBIBIHIS KAY CRISTO
1. Bating
Tingnan mula sa Etiopia (Gawa 8:26–39)
Binabasa
niya ang aklat ni Isaias ngunit hindi nauunawaan. Nang ipangaral ni Felipe si
Jesus, tumugon siya agad:
“Narito,
may tubig; ano ang nakapipigil upang ako'y mabautismuhan?”
Matapos siyang bautismuhan, siya’y nagalak—sapagkat ibinihis na niya si
Cristo.
2. Si
Saulo ng Tarso (Gawa 9:1–19; cf. 22:16)
Mula sa
tagausig hanggang maging tagapangaral, ang pagbabago ni Saulo ay naganap hindi
nang siya’y naniwala lamang, kundi nang siya’y tumalima:
“…magtindig
ka, at ikaw ay magbautismo, at hugasan mo ang iyong mga kasalanan,....”
Doon niya ibinibihis si Cristo at naging si Apostol Pablo.
3. Alibughang
Anak (Lucas 15:11–32)
Hindi man
ito tungkol sa bautismo, malinaw na inilalarawan ang pagbabalik at
pagbibihis:
“Dalhin ninyo ritong madali ang
pinakamabuting balabal, at isuot ninyo sa kaniya;...”
Ang balabal ay tanda ng bagong pagkatao—gaya ng paglalagay natin kay Cristo sa
ating sarili.
III. ANG
DOKTRINA: ANG PAGBIBIHIS KAY CRISTO AY GANAP NA PAGBABAGONG ESPIRITUWAL
A.
Panimulang Punto: Bautismo Kay Cristo
- Ang bautismo ay hindi simbolo
lang. Ito ang itinakdang paraan ng Diyos upang ang isang tao ay
mapailalim kay Cristo (Gal. 3:27; Roma 6:3–4).
- Dito nagkakaisa ang
pananampalataya, pagsisisi, at pagtalima (Marcos 16:16; Gawa 2:38; Roma
10:9–10).
B. Patuloy
na Pamumuhay: Ang Araw-araw na Paglalakad Kay Cristo
- Pagkatapos mabautismuhan, tayo'y
tinatawag na magsilakad sa panibagong buhay (Roma 6:4).
- “Kundi bagkus isakbat ninyo ang
Panginoong Jesucristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang masunod
ang mga kahalayan noon.” – Roma 13:14
Ito ang
tunay na kahulugan ng “ibinihis si Cristo”—ang Kanyang buhay ay ating
maging buhay, ang Kanyang layunin ay maging atin ding layunin.
IV.
PRAKTIKAL NA APLIKASYON: PAANO IBIHIS SI CRISTO ARAW-ARAW
A. Ang Dapat
Laman ng Pagkataong-Panloob – Ang Puso at Isip ni Cristo
1. Ibihis
si Cristo sa Isipan
“Mangagkaroon
kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman:” – Filipos
2:5
Salain ang
iyong mga desisyon sa pamamagitan ng tanong bago mo gawin: Mag-iisip ba si
Cristo sa ganitong paraan gaya ng iniisip ko?
B. PANLABAS NA KATANGIAN – Ang Pamumuhay na
Nagsasalamin kay Cristo Ka
7. Ibihis
si Cristo sa Gawa
“Ang
nagsasabing siya'y nananatili sa kaniya ay nararapat din namang lumakad na gaya
ng kaniyang inilakad.” – 1 Juan 2:6
Hayaan
mong ang iyong asal ay magpakita ng kababaang-loob, kadalisayan, awa, at pagtalima.
9. Ibihis
si Cristo sa Pagtitiis
“Sapagka't
ukol dito kayo'y tinawag: sapagka't si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na
kayo'y iniwanan ng isang halimbawa...” – 1 Pedro 2:21
Parangalan
natin si Cristo hindi lamang kapag maganda ang mga bagay na nangyayari sa atin,
kundi lalo na kapag tayo ay nagdurusa nang matuwid para sa Kanya.
C. PAGKATAO SA PAKIKIPAGRELASYON SA KAPWA –
Ang Unang Dapat Makita ng Iba sa Atin
11. Ibihis
si Cristo sa Pakikitungo sa Iba
“Sa
ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung
kayo'y may pagibig sa isa't isa.” – Juan 13:35
Isang
buhay na nakabihis kay Cristo ay isang buhay na nakabihis ng pag-ibig. (Col.
3:14).
V. “MAGING TAGATUPAD NG SALITA” (Santiago 1:22)
Kung ikaw
ay nabautismuhan na, ang tanong ngayon ay: Ibinibihis mo pa ba siya
araw-araw, o hinubad mo na at muling ibinihis ang sanlibutan?
“At kayo'y
mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at
kabanalan ng katotohanan.” – Efeso 4:24
VI. BABALA
AT PANGAKO
Ang wala
sa tamang bihis o kasuotan sa kasalan ng hari ay itinapon (Mateo 22:11–13).
KONKLUSYON:
MAGBIHIS NG PARA SA WALANG-HANGGAN
Ibihis mo
si Jesus. Magpabautismo. Maglakad sa bagong buhay. At sa Kanyang pagbabalik,
ika’y masumpungang handa.
“Mapapalad
ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila'y magkaroon ng karapatan sa punong
kahoy ng buhay,...” – Pahayag 22:14
Maaaring ibahagi, i-print, ipangaral, o i-repost ang mga artikulo dito kung hindi ito babaguhin, panananatilihin ang tema ng layunin, hindi ipagbibili o gagamitin para kumita, at may malinaw na link pabalik sa blog na ito.
#Pag-aaralNgSalitaNgDios #Sermon #Bautismo #IbihisSiCristo #BautismoKayCristo #BuhayKristiyano #Galacia327 #PagbabagongLoob #PananampalatayaAtPagsunod